October 9, 2014

4 0 0
                                    

Kakarating ko lang ng bahay ng gawin ko to.

Wala namang important na nangyari pero share ko na rin ang ginawa ko. ^_^

Pagpasok ko pa lang kanina, super saya ko na dahil dun sa sinabi ng FRIEND ko na rin ngayon.

Napansin din naman yun ng mga kaibigan ko. Shinare ko sa BFF ko ang nangyari bakit ako ganito ngayong araw.

Kinuwento ko ang lahat at super saya niya for me kasi finally nakita niya na ako unti unting nakakarecover at bumabalik sa tunay na ako.

Yung masayahin, matatag at palaban na ako. Nakakamiss din pala ang tumawa ng totoo at yung mailabas ang saya na matagal na nawala sayo..

Ngayong araw na to, napansin ko lang na buong araw siyang di pumasok.. Oo, inaamin ko na hinahanap ko pa rin siya pero ngayon hinahanap ko na lang siya dahil nag aalala lang ako sa kanya.

Nagkayayaan pa kami ng friend ko na mag SM at dahil sa masaya ako ngayon, niyaya ko yung nanakit sa akin na SM kami ngayon. Kinulit ko siya ng bongga. Niyaya ko siya to think na dahil sa SM na yan kaya kami naging ganito ngayon. Ngayon wala na sa akin yun. I always think the positive side na lang. Nagreply naman siya.. Ang nakakatawa sa laht ng tinext niya ay yung sinabi niya na siya daw yung girlfriend.. HahahaXD sayang sa talino ko kung maniwala ako sa kanya.. Sumakit nga ang tyan ko kakatawa ng mabasa ko yun eh.

Nagkayayaan pa kami manood ng sine nung friend ko kaya naman ang ending nanood kami. Nag gm pa ako at talagang patama talaga. Akala ko nga di siya magrereply eh, pero grabe ang bilis. Sabi niya wag ko na daw siya padaanan ng mga gm ko. It means lang tinamaan talaga siya at affected pa rin sa nangyari. Pinagbigyan ko na siya sa gusto niya at nanood na lang kami nung friend ko. Pag uwi ko nga ng bahay wala na pati number niya sa inbox ko. Dinilete ko na. KAsi ano pang sense nung number niya sa cp ko kung ayaw niyang padaanan ko siya ng mga gm ko, dba? :)

Ngayon ay OK na ako pero dahil sa nalaman ko sa friend niya, nag aalala ako. Nalaman ko na umiyak din pala siya. Di ko naman sinasadya na saktan siya eh.. Di lang kasi naging malinaw ang lahat sa amin kaya siguro nangyari ang mga yun. Siguro God makes a way na mangyari yun para mas maging matatag ako at makita ko yung dapat talaga sa akin..

Ngayong araw na to, Bumabalik na ako sa mga positive thinking ko. #prohappiness na ulit ang peg ko ngayon.

May kirot pa rin sa dibdib ko at di pa siguro mawawala yun ngayon. Still on the process pa nga diba??

Yun lang ang nangyari sa akin.. :)

_END OF THE DAY_

My HeartAches </3 and SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon