October 8, 2014

6 0 0
                                    

Apat na araw na pero parang pakiramdam ko palala ako ng palala.

Ngayon nasa klase ako sinulat ko ang part na to.

Kasi hayop talaga, masakit pa rin. Ang pinaka nakakainis pa inatake na naman ako pero ngayon mild lang siya.

Ayoko man maging bitter pero parang yun ang kailangan ko ngayon para di na ako umiyak ng todo..

Pero tangna kasi eh, may pumipigil sa akin na gawin yun..

Ngayon, I really need a brother to talk to.

Alam ko andyan ang friends ko for me, pero kasi naman eh mas matanda pa ako mag isip kesa sa kanila at mas matanda talaga ako sa kanila.

~AT HOME~

Akala ko naman tapos na ang pag iyak ko, pero mali na naman ako.

Kasi ngayon, umiiyak na naman ako dahil sa kanya.

Bigla kasing bumabalik sa akin ang mga alaala na hindi ganun kadaling kalimutan..

Siguro dadating din ang panahon na hindi na ako iiyak sa kanya but those memories will always be there in my mind.

Ang daming nag aalala sa akin  and I really appreciate all of that.

Naiinis lang ako kasi, gusto ko na mawala yun sa akin lahat pero, hayop lang di ganun kadali.

Ngayong araw na to, tumawag sa akin ang friend niya. nagdadalawang isip nga ako kung sasagutin ko. Pero dahil pinalaki ako ng maayos ng parents ko, sinagot ko yun.

Nakapagsalita pa ako ng maayos pero nung inopen niya na yung about dun sa friend niyang nanakit sa akin. Shit lang! >.< Di na ako nakapag salita ng maayos.

Lumuha na naman ako dahil sa bwisit na yun. Hindi ko pa kayang sabihin ang pangalan niya..

Hanggang maaari nga wag na banggitin ang pangalan niya kapag andyan ako sa paligid eh, dahil ang bilis magbago ng mood ko.. Ang bilis ko malungkot.

At dahil nga nabanggit ang pangalan niya ng kausap ko sa phone, umiyak na naman ako at dahil affected pa rin nga ako iyak to the max naman ako at inatake na naman ako..

Tangna nga eh.. Di na lang matuluyan ng matapos na ang paghihirap.. First ko kasi masaktan ng ganito eh..

Pinahupa ko muna ang pag iyak ko. Nagtext na naman ang friend niya, at nirereplyan ko naman lahat ng text niya. Kahit di ko siya ganun kakilala, I find comfort sa kanya.

Dumating na sila mama pero di ko pinahalata sa kanila na nasasaktan ako at may problema. Sumabay ako sa kanila kumain at nakakangiti naman ako sa kanila. At mukhang di naman nahalata ni mama yun nahalata..

Ang sakit ng mata ko.. Ang bigat niya parang gusto niya na matulog. Kaya nag paalam na ako na matutulog na. Naiintindihan naman ni mama kasi maaga nga raw kasi ako nagising kanina..

Nakahiga na ako pero ayaw pa matulog ng isip ko kaya ginawa ko muna to.

Ngayon tumawag yung friend niya at alam mo sa totoo lang natauhan ako sa mga sinabi niya.

Naibatok, sampal at suntok niya sa akin ang katotohanan at talaga nga namang nagising talaga ako.

Sabi niya sa akin, "Ang TANGA mo. Dahil lang dun nagkakaganyan ka. Ikaw na nga may sabi complicated sa kanya. Wag ka na umiyak, di niya worth ang mga luha mo atsaka wala naman siyang pakialam sayo diba?"

Yang mga salita na sinabi niya, tangna nagising ako. Nakalimutan ko na ang sarili ko. Puro siya ang inalala ko nakalimutan ko na ang ako.

Ngayon OK na ako.. Hinihintay ko lang pala yung tao na magpapamukha sa akin na tanga ako..

Nakakatawa na nga lang tuwing naaalala ko yung mga kagaguhan ko..

At ang laki ng pasasalamat ko sa friend niya..

At pakiramdam ko friend ko na rin siya.. ^_^

My HeartAches &lt;/3 and SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon