November 26, 2014

3 0 0
                                    

Its been a month and many days and in fairness masaya na ulit ako.. Yung tawa ng tunay na masayang tao hindi yung may second thoughts pa.. Ang di ko lang maiwasan ngayon ay yung matulala dahil naaalala ko ang pangalan niya..  Pangalan na lang niya ang naaalala ko kasi kinalimutan ko na lahat nung mga nangyari between us.. Dumating nga rin sa point na di ko siya tinignan, kinausap, at pinansin in other words nagpakabitter ako.. Pero infairness effective siya ah.. :)

Inisip ko lahat ng di kaaya aya sa kanya, ayokong naririnig yung pangalan niya, ni-unfollow ko siya sa Facebook, turn off ang chat ko sa kanya, kinainisan ko ang tulad niya except sa friend ko, at ang huli ni-delete ko ang number niya sa phone ko.. Grabe noh.. Bitter na kung bitter if bitter is better sabi nga ni DJ Hydee :D

Maganda naman ang kinalabasan nun sa side ko kasi mas nakapag isip ako and only God is the one I talked to those nights.. Naisip ko na may rason ang lahat ng nangyari at ngayon natuto ako.. Ngayon nga tuwing naiisip ko lahat ng ginawa ko nung mga panahon na yun natatawa na lang ako..

Nagmukha akong:

⚫ Bata na nawalan ng lollipop sa kakaiyak.

⚫ Cancer patient dahil sa mga pasa ko sa katawan lalo na sa may knuckles banda and thighs.

⚫ Runner na sumali sa triathlon sa sobrang hirap huminga dahil sa pagod. At

⚫ Zombie dahil walang proper sleep and eat.

Masyado akong masochist noh?? Wala kasi akong masabihan, nasa sarili ko lang lahat.. Sabihin na nating may kaibigan ako pero di naman ibig sabihin nun na kailangan alam niya lahat, some of it lang naman.. :P

Ngayon at ok na ako at kaya ko ng tanggapin ang lahat ng mga nangyari. Ni-follow ko na siya, turn on na yung chat box, inalis ko sa mind ko yung kinainisan ko ang tulad niya, pero di ko na talaga nabalik number niya..

Binalik ko na yung ako kasi maraming tao ang nag aalala sa akin ilan na dun ay yung friends ko, family ko and pati yung dog ko.. HahahaXD di ko kasi siya nalalaro nung mga time na hurt ako tuwing nanlalambing siya..

Binalik ko sa dati yung pangangatawan ko, kumakain na ako, laging may chocolates kasi stress reliever ko talaga yun, and I always make sure that I have the reason to smile each day I woke up and before I sleep at night..

Paalala ko lang MU ko lang yun.. Buti na nga lang di naging kami eh kasi ayoko ng magiging first ko na ganun lang ang mangyayari. Sasaktan ako, papaiyakin at magbibitaw ng words na di naman ako, di kasi ako Yung tao na mamimilit ng ibang tao na hindi ako ganung tao.. HahahaXD nakakalito noh?? Pasensya na malabo pero I know, alam ko ang gusto kong sabihin.

Kaya ngayon kapag malungkot na memory, delete agad.. At kapag happy naman store sa brain and back up si heart.. :)

Now I'm focusing to my studies now, befriending with my other classmates na hindi ko nakausap last months and last year, and trying to take care of myself dahil medyo nagiging sakitin na ako. Bumalik na naman kasi ang ulcer ko..

See yah!! :)

Til next prob/aches and survival :)

#Happy&PositiveThoughts #ItsFinallyDone

My HeartAches </3 and SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon