Kabanata 1 (Part I)

1.7K 30 5
                                    

FLASH NEWS

Lia Manalac reporting..

" Isang politiko sa bayan ng Katalina, na-ambush. Hindi parin mawari ang sanhi ng pagsabog ng SUV Car na di umano'y pag mamay-ari ni Don Antonio Villafuente. Sugatan ang nasabing gobernador, samantalang ang driver nito ay dineklarang dead on arrival nang isugod ito sa ospital. Malala ang kalagayan ng biktima at kasalukuyang iniimbestigahan ang nasabing issue. "

"Haaaaaaaa!!!" napatayo mula sa pagkakaupo ang binata at di makapaniwala sa nasaksihan. Nakadama siya ng takot at nag-uumapaw ang kaba sa dibdib niya.

*Ringg!* *Ringg!*

Dali dali niyang sinagot ang telepono at itinapat sa tenga niya,

"Hello" pagbungad niya.

|Trevor anak!!!!!| umiiyak na sambit ni Kristine; ng kanyang ina, sa kabilang linya.

|Pakiusap, pumunta kayo ni Kristalyn dito... kailagan kayo ng papa niyo... anak maawa kayo!!!| pagtutuloy ni Kristine, mawawari sa boses nito ang abot langit na pangamba.

"Opo ma... tatawagan ko po siya.." sabi nalang ni Trevor.

Di maalis ang pangamba sa dibdib ng binata, kahit anong pagkalma niya sa sarili ay di parin siya mapakali. Dali dali naman niyang nag-dial upang tawagan ang kapatid.

*Toot* *Toot*

(...)

Sinilip muna ng dalaga ang caller I.D. bago sinagot ang tawag sa telepono,

"Hello kuya..." bungad niya sa nakatatandang kapatid.

|Kristalyn| agad namang tugon nito.

"Bakit kuya? napatawag ka?" hawak ng dalaga ang telepono habang nasa loob ng banyo.

|Bunso, may poblema...| narinig niyang bumuntong hininga ang kapatid bago ituloy ang sasabihin,

|May natanggap akong balita tungkol kay papa.. na-ambush daw yung sinasakyan ni daddy.. napanood ko sa balita..| mahinahon lang ang boses nito, pero may halong lungkot sa tono nito.

"Haaaaa!! A-anong nangyari" nauutal ang dalaga. Masyado itong nabigla sa balita ng nakatatandang kapatid.

|Pupunta ako bukas ng umaga sa ospital, para alamin ang nangyari.. Tapos i-ttext kita kung anong balita, ha?| bumuntong hininga pa ito sa kabilang linya.

"Kuya, sasama ako sayo bukas please? Gusto kong masiguradong ayus la--" hindi siya nito pinatapos sa pagsasalita,

|Kristalyn, delikado. Hindi natin alam kung sino ang nagplano sa pagpatay kay daddy, alam kong di lang yun basta aksidente..| may halong pag-aalala sa tono nito.

"P-pero ku-" di nanaman niya natapos ang sasabihin dahil tinutulan nanaman siya nito,

|Wala nang pero pero. Bilang nakatatanda mong kapatid, sundin mo ako maliwanag ba?| madiing sabi nito.

Di na siya nakahirit pa dahil pinutol na nito ang kabilang linya.

Napasulyap nalang si Kristalyn sa salamin at pinagmasdan ang sariling repleksyon. Gumugulo parin sa utak niya ang nangyari sa ama, hindi parin ito mapalagay. Pilit  niyang tinatanong sa sarili kung bakit ganoon ang nangyayari sa pamilya niya. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ni Kristalyn, di talaga siya mapakali.

"Naku, lagot!" sambit nalang ng dalaga nang mapatingin sa orasan niya. Agad siyang lumabas ng banyo at bumalik sa pwesto niya. Oras kasi ng trabaho niya, at nasa opisina siya ngayon.

"Miss Abraham! Saan ka nanaman galing, ha?!!" galit ang tono ng manager nila.

Abraham ang ginamit niyang apelyido upang itago ang tunay niyang personalidad. Hindi kasi maaaring malaman ng publiko na anak siya ng isang gobernador. Siguradong hindi na siya makakapamuhay ng normal pag nagkataon.

"Ma'am, nag c.r po" dipensa ni Kristalyn sa sarili.

"Oh sige, next time ha? Hindi na to dapat maulit kasi alam mo naman si Mr. Maniego, ayaw non na nagdadala ng problema sa trabaho. Pag oras ng trabaho, trabaho lang.. Malinaw ba?" pagkklaro pa nito.

"Opo ma'am, hindi na po mauulit.." sabi nalang ng dalaga habang nakayuko.

(...)

"Trevor!!" pagpukaw ni Kristine sa atensyon ng anak, napansin niyang dumating na pala ang apat na anak.

"Mama.." bati ni Trevor sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"Anak, bakit ngayon ka lang dumating? Nasaan si Kristalyn??" tanong niya sa binata ng mapansing wala doon ang bunso.

"Mama, pasensya na.. may trabaho siya, hindi siya makakapunta dahil sa dami ng trabaho. At tsaka, mas mabuti nang wala muna siya. Delikado na, baka dumugin kami ng media." sambit nito.

"Ahm, anu bang ibig mong sabihin?" noong una ay hindi niya pa ito lubos na maunawaan.

"Ma, diba nga walang alam ang iba tungkol samen? Mas ayus nang mamuhay kami bilang ordinaryong tao para maprotektahan namin ang pribadong buhay namin" pagpapaliwanag nito

"Ganun ba anak.." tugon nalang ni Kristine.

"Nasaan si Kuya Christian at Kevin?" tanong ni Trevor ng mapansing wala ang mga ito.

"Wala sila dito, nasa munisipyo para asikasuhin yung issue" sabi nalang niya.

"Oh, may balak ka pa palang bumisita dito." maangas na singhal ni Jeffrey kay Trevor, nakatatandang kapatid nito.

"Ha? Anung nangyari sayo kuya?" takang tanong ni Trevor kay Jeffry.

"Alam mo Trevor, simula nung isama mo si Kristalyn sa Maynila.. kinalimutan ko nang kapatid kita! Nasaan si Kristalyn?! Siya ang kailangan namin dito!" pagsingit naman sa usapan ng kadadating lang na si Christian.

"Bakit siya nasali sa usapan?! Iniwan ko muna siya sa Maynila, nagtratrabaho pa siya doon." pagdadahilan naman ni Trevor.

"Ano?!! Pabalikin mo siya dito! Kailangan niyang ipakasal kay Edison Eguirre!" galit na sambit ni Jefrey.

"Hindi pwede!! Bakit mo ipapakasal si bunso don?! Ha?!!" nanggigigil na tugon niya kay Jeffrey

"Itigil niyo na yan!! Dito pa kayo nagtalo sa loob ng ospital?!! Hindi na kayo nahiya sa ama niyo!! Paano kapag may nangyari sa kanyang masama?!!" galit na galit ang tono ni Kristine.

Natahimik naman sina Trevor.

"Trevor, dalhin mo si Kristalyn dito.. kailangan niyang makita ang ama niya." sambit nalang ni Kristine nang huminahon na siya.

"Opo ma, bukas i-uuwi ko siya dito." malumanay na tugon ni Trevor.

(...)

<Kuya Trevor calling..>

"Hello?!!" hindi mapigilan ng dalaga ang mapasigaw, nag-aalala siya sa kalagayan ng ama.

|Kristalyn..| agad na tugon nito.

"Kuya Trevor, kamusta na si papa?" di niya maitago ang pag-aalala, marahil ay napansin ito ni Trevor.

|Stable na ang kalagayan niya.. Bunso, umuwi ka na muna.. may kailangang sabihin si mama sa atin.| may bakas ng ginhawa sa tono nito.

"T-tungkol saan?" tanong nalang niya.

|Malalaman mo na lang pag-uwi mo dito.. Gumawa ka muna ng leave for at least a week, it's urgent..| seryoso ang tono nito.

"Oh sige kuya.. pupunta agad ako diyan." paninigurado niya dito.

..

"Sir..." inabot ng dalaga ang 'Leave of Absense Letter' sa boss niya.

"Ano to Miss Abraham?" tanong sa kanya ni Denson.

"Sir, kailangan kong magleave ng isang linggo dahil may emergency." tanging paliwanag niya dito.

"Papayagan kita... sa isang kundisyon" ngumisi pa ito sa kanya

"Ano ho iyon?" tanong niya dito

"Pagbalik mo dito... pwede ka ba magpanggap maging girlfriend ko?" pormal na tanong nito.

"Hoooooooooo!!?" napataas pa ang tono nito sa sobrang pagkabigla.

Villafuente Empire book 1: mystery guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon