"P-pero sir, bakit ako?" nauutal pa siya, hindi kasi siya makapaniwala sa sinabi ng binata.
"Dahil may nanggugulo sa akin, at naisip kong ikaw ang bagay na magpanggap na girlfriend ko para tantanan na ko ng ex ko" mahinahong sabi nito.
"Sir. pag-iisipan ko po.. Aalis na po ako sir, kailangan ko nang umalis" pagpapaalam niya dito, hindi pa siya sigurado sa kung anong ipapasya.
"Ihahantid na kita" pagmamagandang loob nito.
"Hindi na po kailangan sir.. susunduin po ako ng kuya ko." maginoong sabi niya dito.
"Sige.. mag-iingat ka ha?" biglang singit ni Daniel sa usapan.
"Sige po sir." sabi nalang niya.
(...)
"Kristalyn halika na, kailagan na nating umalis habang naghihintay sa sasakyan" nagmamadaling sabi ng binata sa dalaga.
Napabulong nalang si Trevor sa sarili,
'Hmp, nakakainis! Feeling ko tuloy parang ipamimigay ko ang kapatid ko sa isang demonyo. Inaalagaan namin siya, dahil sa lugar namin masyadong komplikado. Lahat ng pamilya doon ay makapangyarihan tulad namin, pare-pareho kaming pamilya ng politiko. Ang pinagkaiba lang ay malinis ang pamamahala ng papa, di katulad ng iba na maayos ang pamamahala.. at puro sikretong di alam ng publiko.'
*Flashback*
Habang minamaneho ng driver ang sasakyan na lulan si Osmond; anak ng gobernador na si Juan Maniego, may biglang dumaang matandang lalaki; isa sa mga tauhan ng Del Fiego. Marahil ay hindi napansin ng matanda ang paparating na sasakyan. Niluwa ng sasakyan ang nanggagalaiting si Osmond. Bigla nitong sinugod ang matanda,
"HOY TANDA!! UMALIS KA SA DINADAANAN KO!!!" sigaw niya dito.
"Pasensya na hijo, hindi ko na--" hindi na natapos ng matanda ang sasabihin dahil bigla siyang sinuntok ng binata, dahilan para mapahiga siya sa semento. Namimilipit ito sa sakit.. ngunit hindi siya tinigilan ng binata, binugbog siya nito ng maigi.
"A-amang m-m-maawa k-ka..... s-sa.. a-a-a-akin" nagmamakaawa ang matanda dito, ngunit ayaw siyang tigilan ng binata; nagumon na ito sa masamang droga, marahil ay wala na ito sa katinuan.
Nasaksihan ni Trevor ang buong pangyayari.. nilapitan niya ang binata,
"HOY!!!" awat niya dito.
"WAG KANG MANGELAM DITO TREVOR!!!" nanlilisik ang mata nito.
"Tantanan mo na siya!!!! Kung ayaw mong makarating ito sa papa ko!! o kaya'y idemanda kita sa pananakit mo sa trabahador namin!! Gusto mo bang masira ang pangalan ng tatay mo?!!" banta ni Trevor dito.
Nasindak ang binata kaya tinigilan na niya ang matanda, pero sa loob loob niya:
'Shit! humanda ka sakin Trevor!!! Magbabayad ka sa pambabanta mo sakin'
(...)
"Lolo, ayus lang po ba kayo?" inalalayan niya ito sa paglalakad.
"Ayus lang po ako senyorito." tugon na lamang nito kahit nanghihina at namimilipit sa sakit.
Dinala niya ito sa pinakamalapit na klinika at binilhan ng gamot. Tinawagan niya rin ang pamilya nito upang samahan ang matanda.
<Papa calling..>
Agad naman niyang sinagot ang tawag,
"Hello?"
|Anak, totoo ba ang nasagap kong balita tungkol sa trabahador natin?| mahinahon ito pero bakas parin ang pag-aalala sa tono nito.
BINABASA MO ANG
Villafuente Empire book 1: mystery guy
AdventureMeet Kristalyn Villafuente, isang simpleng babae. Simple lang mamuhay ang pamilyang Villafuente noon, ngunit naging komplikado ang lahat simula ng mapasok ito sa pulitiko. Walang pasabing sumama siya sa kuya niyang si Trevor na lumuwas ng probinsya...