PROLOGUE

107 3 3
                                    

Akala ko noon, ampalaya lang ang bitter. Tao din pala. Alam mo yun? Ang hirap i-express ng nararamdaman lalo na pag hindi nila yun nararanasan. Walang alam ang ibang tao sa nararamdaman mo kaya hindi sila dapat makialam. EH ANO KUNG BITTER KA? NASAKTAN KA EH. OKAY LANG YAN, WALA SILANG PAKIALAM. HINDI SIYA KAWALAN.

Ako si Danielle Klein Ocampo. Klein or Dane ang madalas na tawag sakin(“Klayn”/”Deyn”). 18 years old, 2nd year college sa Trinity University of Asia. BSB ako. BSB as in, “Bitter Since Birth”. Hindi ako naging bitter simula nung ako ay naging tao. Naging bitter ako simula nung natauhan ako. Hindi ko lubos maisip na sa talino kong ‘to, magiging bobo ako dahil sa isang tao. Hindi nga lang pala isa, hindi din dalawa, kundi tatlo. Oo, tatlong beses sa buhay ko na naging tanga ako nang dahil sa isang bagay…

PAG-IBIG.

Bitter Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon