Pagkalabas na pagkalabas namin sa simbahan ay tumambad ang bayan sa loob ng pader. Sa dami ng mga tao ay hindi ko alam kung paano ko sila makukumbinsi."Kayo na po ang bahala, father" Tinunguan nalang ako ng pari. Bago ako makaalis ay may sinabi ito saakin.
"Nakikita ko na may mabuti kang puso kaya pinapapasok ka ng diyos sa kaniyang tahanan, Mag-iingat ka binibini" Nginitian ko nalamang siya at umalis kasama si Elora.
Pumunta kami sa palasiyo at buti nalang ay hindi kami pinigilan ng mga kawap dahil kilala naman nila kami.
Habang wala pa sila Theo dapat akong maghiganti sa haring yon. Marami na siyang kasalanan saakin, Yung galit ko sinantabi ko para lang hindi ko siya masaktan o mapatay pero ngayon hindi ko na pipigilan.
Nang buksan ko ang pintuan papunta sa trono ng hari ay tumambad ang mga kawal na humaharang kay Haring Asban.
Nakangisi ito saakin na ikina-inis ko. "Kanina pa kita hinihintay Devia" Gustuhin ko man siyang sugudin ay hindi ko magawa dahil sa daming kawal na sa oras na may gawin ako ay hindi sila mag-aalinlangang patayin ako.
"Ito na ang oras para umalis ka sa tronong kinauupuan mo! Sisiguraduhin ko na hindi kana makakabalik pa sa kinatatayuan mo ngayon"
"Talaga ba? Baka ikaw ang hindi na makatapak pa sa kinatatayuan mo ngayon," taka ko siyang tiningnan "Ngayon na Elora"
Sa paglingon ko kay Elora ay sumalubong saakin ang kamao niya. Halos mapahiga ako sa sahig, Ramdam ko din ang sakit non. "E-elora bakit?"
"Pasensiya kana Devia, Sadiyang may utangna loob lang ako kay Haring Asban" Sa sumunod niyang pagsuntok ay tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
***
D
AHAN-dahan kong iminulat ang mata ko at ramdam ko ang sobrang pananakit ng buong katawan ko. Panibago nanamang umaga para sa malulutong nilang hagupit saakin.
Pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng damit ng kawal. Hawak na nito ang latigo niya at nakangisi pa itong nakatingin saakin "Excited kana ba bata? Gusto mo bang mas malakas ang gagawin ko?" Umiling-iling naman ako ng dahan-dahan dahil sa sakit ng leeg ko.
"P-pakiusap, P-pakawalan niyo na po ako" Mahina kong sabi dahil nadin sa pamamaos ng boses ko.
"Ano? Hindi kita marinig!" Malakas niyang inihampas saakin ang latigo na nagpapasigaw saakin sa sakit. Parang napupunit ang balat ko dahil doon.
Nakailang hampas ito saakin bago tumigil. Halos hindi kona mabilang ang mga iyon dahil sa dami. Hindi na ako nag-abala pang humiga sa kama ko dahil sa sakit ng katawan. Nanatili ako sa sahig na nakahiga habang umiiyak.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ng mga tao, Wala naman kaming ginagawa at namumuhay lang kami ng payapa pero bakit? Anong naging kasalanan namin?
Dumaan pa ang maraming araw at ganon lang ang naging senariyo araw-araw. Pagkagising hagupit agad ang bubungad sakin, sa pagtulog sipa at suntok muna ang magiging paalam nila.
Sa buhay ko dito sa kulungan ng palasiyo ay naging impyerno. Sampung taong gulang palang naman ako pero ganito agad ang kinagisnan ko.
PAGKAGISING ko ay parang isang himala na walang kahit anong sakit akong natamdaman. Buong araw lang na pahinga ang ginawa ko at nakakapagtaka na pinapakain nila ako ng masarap na pagkain.
Dati kasi ay tira-tira lang ang kinakain ko at nakikisalo pa saakin ang mga daga pero ngayon hindi na iyon tira-tira dahil parang pagkain ito na hinahanda sa hapagkainan ng hari.
Sa sobrang gutom ko ay nilantakan ko kaagad yon at sobrang sarap talaga non. Napatigil ako ng makita na may papalapit sa selda ko. Agad akong tumakbo at nagtago sa sulok. Siguradong sasaktan nanaman nila ako.
"Wag kang matakot bata, Hindi kita sasaktan" Pumasok ito sa loob at dahan-dahang lumapit saakin. "Gusto mo nabang lumabas sa Seldang to?"
Tumungo-tungo naman ako."M-maaari po ba?"
"Pwede, Pero may isang kondisiyon. Maglilingkod kasaakin at susundin mo ang mva inuutos ko," Tumungo naman ako bilang sagot "Magaling" Hinimas nito ang ulo ko at pakoramdam ko ay ligtas ako.
Pumasok ang apat na kawal at bigla akong inihiga sa malamigna sahig at hinawakan nila ang dalawa kong kamay at Paa. "P-pakawalan niyo ako!""Wag kang mag-alala, Hindi naman ito masakit." Hawak niya ang isang bakal na nagbabaga pa at kahahaling lang sa nagbabagang apoy. "Parang kurot lang ito!"
.
.
.
.
"Ahhh!" Muli nanaman akong binangungot ng nakaraan ko. Agad kong sinilip ang hita ko at makikita doon ang markang iniwan nila saakin."Anong nangyari sayo Devia?" Napalingon ako kay Theo na kasama ko pala. Agad kong nilibot ng tingin ang paligid at nasa kulungan kami na nasa ilalim ng palasiyo. Parehong selda na pinagkulungan nila saakin
"Anong nangyari? Bakit tayo nandito? nasan ang iba?" Sunod-sunod kong tanong.
"Nakakulong din sila pero hindi ko alam kung nasaan sila ngayon" Dismayado akong napasandal sa pader. Napagplanuhan talaga ng asban na yon ang pagdating namin.
Pati pala si Elora ay kakampi niya. Hindi na ako magtataka kung bakit nandoon siya sa simbahan at sigurado na ako na siya yung pumatay sa mga impostor na yon.
Kaya pala pamilyar ang boses niya, Kaya pala paramg narinig kona dahil si Elora yon."Si Elora din ang iniisip mo no?" Napatungo nalang ako sa tanong niya. Siguro ay naloko din sila ni Elora nung sumugod sila dito sa palasiyo.
"Alam kong hindi niya ginusto yon Devia, Nakita ko sa mga mata niya na napipilitan lang siya""Talaga? pero nakikita ko na ginusto niya yon" Umusod ako para lumayo sa kaniya. Pumunta ako sa sulok at doon nagmuknok.
"Tatakas tayo dito Devia at ililigtas natin amg mga kasamahan natin. Hindi pwedeng magmukmok kalang diyan" Hindi ko ito pinansin at niyakap nalang ang tuhod ko. "Saan mo naman nakuha yang markang yan?" Agad kong tinakpan ang hita ko para hindi niya makita ang markang nandoon.
"Wala kang pake"
"May pake ako Devia, Dahil..." Tumingin ako sa kaniya at hinintay ang sunod niyang sasabihin. "Dahil maha—" Naputol ang sasabihin niya ng dumating ang isang kawal para bantayan kami.
"Ano ulit yung sinasabi mo Theo?" Umiling-iling nalang ito kaya napakibit balikat nalang ako.
Napatingin ako sa kawal na nagbabantay sa selda namin. Nakita kong may susi ito na nalabit sa bulsa niya."Naiisip mo ba yung naiisip ko?" Bulong ni Theo. Napatungo naman ako bilang sagot. "May naisip ako para makalabas tayo dito"
"Ano yun?"
"Mediyo nakakahiya to pero magagawa mo ba?" Seryoso niya akong tiningnan sa mata. "So eto ang plano..."
"Teka ano?!!" Napatingin tuloy saamin yung Kawal. Agad namang tinakpan ni Theo ang bibig ko.
"Anong nangyayari diyan sa loob?" Tanong saamin ng kawal.
"Ilipat niyo nga siya ng ibang selda! ayoko sa pervert na yan!" Reklamo ko at tinuro-turo pa si Theo.
"Hindi naman bastos yon eh! Ang sabi ko lang naman ay ano.." Parang may binipisil ito sa hangin kaya napangiwi ako.
"Bastos ka talaga! Kuya pakilipat naman siya!" Napakunot ang noo ng kawal at binuksan ang selda.
Agad niyang itinulak si Theo sa sahig at sinipa. "Ang akala ko ay may respeto ka sa mga babae pero ang leader pala ng Crimson ay bastos" Sabi nito na puno ng pang-iinsulto.
BINABASA MO ANG
Demon And Hunters [Complete]
Fantasy"Monster are the prey and we are the Hunters" NOVEL | TAGALOG [Complete] Date started: september 7 ,2020 Date Ended: