Hunting 1 : Hunter's Guild

547 31 4
                                    

Iyakan at sigawan, yan ang maririnig sa buong lugar. Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko na magawa sa panghihina ng katawan ko. Nagliliyab ang buong bayan namin at tinutupok non ang lahat ng kabahayan.
"Ilingtas niyo na ang mga sarili niyo!" Sigaw ng isa sa mga mamayan ng bayan namin.

Hindi ako makatakbo dahil sa batong nakadagan sa mga hita ko. Hindi ko narin magawang makagalaw dahil sa tuwing gagalaw ay sakit lang ang dinudulot non.

Nakita ko ang kung sino na papalapit sa direksiyon ko. Hirap man magsalita ay pinilit ko para lang mabuhay ako "P-pakiusap, T-tulungan niyo ako"

Hindi ito sumagot at nakatigil lang ito sa harapan ko. Inulit ko ang sinabi ko pero parang hindi ako naririnig nito. Inangat ko ang tingin ko at nakita ang mukha niya. Ang ngisi nito at ang mata niyang nag-aalab at gustong pumatay. "Saakin ka na ngayon"
.
.
.
.
Napabalikwas ako at hinabol ang hininga ko. Para akong tumakbo ng napakalayo dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Napanaginipan ko nanaman ang pangyayaring yon. Halos gabi-gabi ay naiisip ko yon, para yong sirang plaka na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. "Devia gising kana ba?!" Bungad ni Elora pagkapasok sa kwarto ko.

"Sino bang hindi magigising sa boses mo?" Pang-aasar ko sa kaniya na ikinanguso niya. Natawa naman ako at binigyan siya ng yakap "Nakanguso nanaman ang pato kong kaibigan" Pang-aasar ko ulit pero pinaghahampas na ako nito sa inis.

"Kainis ka! Kaibigan mo ba talaga ako?!" Muli ko siyang niyakap at hinimas-himas ang likod niya. "Lagi mo ako inaaway!" Pagmamaktol nito na parang bata.

"Akala ko dibdib mo tong hinihimas ko likod pala" Muli ako nitong pinaghahampas pero mas tumawa lang ako ng malakas."Sorry na Hahaha! Binibiro kalang eh"

"220 na pero yung ugali at kulit mo hindi nagbago!" Ginulo ko ang buhok niya pero tinapik lang niya ito. "Pinapatawag kana ni Haring Asban II, may papagawa daw siya sayo" Lumabas na ito ng kwarto ko kaya nilabas kona lahat ng tawa na pinipigilan ko.

Ang sarap lang talaga niya asarin dahil pikon siya. Sa pagpasok ko dito sa palasiyo ay siya ang una kong naging kaibigan at pinagkatiwalaan. Katulad ko din siya, isa siyang Demon na binihag ng mga tao.

Hindi kami pwedeng umalis dito o kaya ay umapak man lang sa labas ng pader dahil kapag nagkataong lumabas kami. Ang Cursed mark na nakatatak saamin ay unti-unti kaming papatayin. Naligo muna ako saglit at pagkatapos ay sinuot ang damit ko.

Simpleng White dress lang yon at nagsuot nalang ako ng isang flat shoes na kasing plat ng dibdib ni Elora. Hinayaan ko nalang nakabuhaghag ang buhok ko at lumabas na ng kwarto ko.

Sa bawat nadadaanan kong maid at mga kawal na nagpapatrol ay binibigyan nila ako ng galang. "Devia, gusto mo bang makita ang nasa likod ng pader?" Bungad agad saakin ni Haring Asban na makaupo sa trono niya at naka-dekwatro pa ito.

"G-gusto po pero, kayo na ang nagsabi na hindi kami pwedeng lumabas" Paliwanag ko. Napangiti naman ito at lumapit saakin. Inikutan ako nito pero ang mata ay nakatuon lang saakin.

"Pero pwede kitang ilabas," Natuwa naman ako sa sinabi niya. Tumigil ito sa harap ko at tiningnan ako sa mata ko. "Pero may kapalit syempre. Lahat ng pagsasanay na tinuro ko sayo at lahat ng kaalamang binahagi ko sayo ay gagamitin mo upang maging isang Hunter"

"P-pero—"

"Ayaw mo ba? Diba gusto mong makita ang nasa likod ng pader?" Napayuko nalang ako at sinabi ang 'pumapayag ako' kahit parang may parte saakin na sinasabing wag. "Magaling, Ikaw na ang bahala kung saang Grupo ka sasama pero tiyakin mo na hindi sila mahihina"

"O-opo" Lumabas na kami ng sabay ni Elora upang pumunta sa bayan at mamili ng Hunter Guild na sasalihan.

May tatlo kasing Hunter Guild dito sa Eayolas. Ang Red Flag na 'Crimson', ang Blue Flag na 'Azure' at ang panghuli ay ang Green Flag na 'Emerald'.

Demon And Hunters [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon