Hunting 10 : Impostor's

50 6 0
                                    

Nanatili muna kami sa Goblin Village at tumulong sa pag-aayos ng mga bahay. Magrereklamo pa sana si Alfred pero wala na siyang nagawa pa. Kahit papaano naman ay mabuti sila at mainit nila kaming tinanggap. "Bakit mo sila tinutulungan?" Tanong saakin ni Theo.

"Dahil alam kong mabuti silang halimaw, Hindi naman lahat ng halimaw ay masama. May iba na ginagawa ang lahat para maipakita saatin na mabuti sila at may iba na pinipiling manahimik para hindi na madamay" Mahaba kong sabi sa kaniya.

"Pareho talaga kayo."

"Ha?" Umiling-iling nalang siya at lumayo upang magpukpok sa kabilang bahay. Natawa nalang ako sa kinikilos niya dahil mediyo nag-iba siya.

Sisiguraduhin kong babalik ang dating si Theo.

"Ohh bat nakangiti ka diyan?," Biglang sumulpot si Alfred habang nakangisi nanaman at tinataas baba ang kilay "Ako ba iniisip mo?"

Lumayo nalang ako sa kaniya pero todo dikit ito saakin na parang linta. Pinilit ko nalang na hindi siya pansinin at nagpatuloy sa ginagawa.

Nagpahinga muna kami saglit ng matapos sa ilang mga bahay. May natitira pa kaso konti lang kami kaya mediyo nahihirapan. "Salamat sa kabaitan niyo" Pagpapasalamat nung pinuno ng mga Goblin.

"Walang anuman po yon!" masayang sabi ni Kiro at kinain na yung inihaw na manok na binigay saamin ng mga goblin.

"Elder!!," Nadako ang atensiyon namin sa batang Goblin na natatarantang lumapit saamin. "A-ang mga Hunter's! nandito nanaman sila!" Nang marinignamin yon ay nagkatinginan kaming anim.

Tumayo naakami sa kinauupuan namin at hinanda ang sarili. Nagtago naman ang mga Goblin sa mga bahay nila at dumungaw kang sa mga pinto para manood.

Ilang saglit lang din ay nagsidatingan ang mga taong nakasuot ng Itim na Cloak. "Hahaha Nandito na ang mga Hunters!" Sigaw nung lalaki na nasa unahan. Nasa tatlo lang sila.

Tama nga, impostor sila dahil ngayon ko lang sila nakita at wala sila sa kampo ng mga Raven. Mediyo may katabaan sila at yung mga espada nila ay mukhang peke naman. Napatigil sila ng kamita kami. "Magpakilala kayo!" Sigaw ni Theo na nakatutok sa kanila ang espada.

"A-ako si Randall na leader ng Raven Hunter's" Sabi nung lalaki na sa unahan. Si 'Randall' Daw siya.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil hindi naman ganyan kataba si Randal. Kahit yung dating member ng Raven ay natawa lalo na si Alfred na mamamatay na sa kakatawa. Si Kiro naman ay pinipigilan ang tawa pero hindi na niya napigilan.

"Ikaw si Randall? WHAHAHAHA!" Tawa padin ng tawa si Alfred at baka mamaya ay mahimatay na siya kakatawam "Boss! Anyare sayo? Parang kanina lang ay ang macho niyo tapos ngayon biglang lumobo!" Hindi na natawa si Cliff at Sefia at binatukan si Alfred.

Iniinsulto na kasi ni Alfred si Randall porket wala ito at hindi na niya pinuno. "T-takbo!" Sigaw nung impostor na Randall pero Humarang na si Theo sa dadaanan nila kaya pinalibutan namin yung tatlong biek
"P-papatawarin niyo na kami! H-hindi nanamin uulitin"

"Ang mga tulad niyo ay hindi na dapat nabubuhay! Sabihin niyo kayo din ba yung sumugod sa Guild namin?!" Galit na sabi ni Theo.

"N-nagkakamali kayo! Napag-utusan lang kami!" Napakunot naman ang noo namin dahil sa sinabi niya "H-hindi namin siya kilala pero makapangyarihan siya! Inutos niya na patayin yung babae para—" Hindi na nito natapos ang sasabihin niya ng may tumagos na pana sa ulo niya. Ganon din sa iba at bumagsak sa lupa habang nakadilat ang mata.

Nahagip ng mata ko ang bulto ng kung sino kaya tumakbo ako at hinabol ito. Tumatakbo ito at hinahabol ko naman siya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nadin sa may nakatakip na maskara sa mukha niya.

Natigil ito ng makarating s Dead End. "Sabihin mo sino ka?!" Hindi ako nitp sinagot at nanatiling walang imik. Inulit ko ang tanong pero hindi niya ako sinagot.

"Devia." Yun ang sinabi niya bago may ibinatong kung ano at may usok na lumabas doon. Napaubo pa ako dahil doon pero ng mawala ang usok ay nawala din siya.

"Pamilyar.. Ang boses nayon"

Bumalik ako sa Village na nagtataka padin sa nangyayari. Ang boses nayon, saan koba narinig? Parang narinig kona talaga yon. "Devia ayos kalang ba?" Bungad na tanong nila saakin pagkakita palang saakin.

"O-oo ayos lang" Yun nalang ang naisagot ko. Lumapit saamin yung pinuno ng Goblin.

"Maraming salamat ulit, Ano bang pwede naming magawa para sa inyo?" Napaisip naman ako at ganon din ang iba. Pwede naman kasi wala pero nakakahiya kung hindi namin tatanggapin yon.

Napatingin kami kay Theo na mukhang may naisip. Lumapit siya sa kabayo niya at may kinuha mula sa bag niya. "Kung pwede gusto kong maging parte kayo ng pamily namin." Nagkatinginan naman kami.

Bininigay niya sa matanda yung kinuha niya sa bag niya at tiningnan naman iyon ng Elder. "Isa itong Watawat ng Crimson Hunter, tama?"

"Ang lugar nato ay pangangalaga nanamin kaya wala ng mangangahas na sugurin kayo dito. Kung mapadaan naman ang totoong Raven Hunter's sa lugar nato. Ipakita niyo lang ang bandilang yan na sumasagisag sa pamilya namin" Mahabang paliwanag ni Theo.

Kahit papaano pala ay mabuti ang puso ni Theo sa mga mabubuting halimaw. Kahit na pumapatay siya ng mga halimaw ay mabait padin ito sa kanila. "Maraming salamat talaga!" Lumabas ang mga goblins at nagbigay ng pasasalamat saamin.

Sumakay na kami sa mga kabayo namin para magpatuloy sa ginagawa namin. "Kung kailangan niyo ng tulong niyo saamin ay wag kayong mahihiyang magsabi" Paalala ni Elder.

Bago kami umalis ay may pahabol ako "Kung pwede lang ay, Gusto kong tawagin ang village nato na, Crimson Village"

"Napakagandang pangalan" Nginitian ako ni Elder at nginitian ko din siya pabalik. Masarap talaga sapakiramdam na nakakatulong ka sa iba. "Mangako ka binibini na hindi ka mamamatay"

"Opo!" Nagpaalam na kami at pinatakbo ng mabilis ang mga kabayo.  Hindi ko alam kung bakit nila sinasabi yon pero isa lang ang naiisip ko. Ako ang magliligtas sa mundo ng Etrilia at ang tatapos sa gerang to.

"Devia!" Napatimgin naman ako kay Theo na nakatalikod saakin at nakatutok sa dinadaanan niya. Nagthumbs up ito na ikinangiti ko.
"Tatapusin natin ang Ancient war nato!" sigaw ni Theo.

"Oo!" Sabay-sabay naming sabi. Kahit na namatay ang mga datimg kasama ko sa Crimson o kahit pa anim nalang kami. Hindi kami mapipigilan non para matapos ang lahat ng to.

Sisiguraduhin ko na hindi masasayang ang pagkamatay nila.

Demon And Hunters [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon