Hunting 9 : Rising of the Red Flag

45 6 0
                                    

Lahat kami ay pinatipon ni Randall sa gitna ng kampo. Nakahilera kami habang ang dalawang kamay ay nasa likod na parang sundalo. "Pinatawag ko kayong lahat dahil may i-aanunsiyo ako" Lumapit si Theo at tumabi kay Randal na nasa unahan.

"Napagkasunduan ng dalawang panig na muling itaas ang watawat ng Crimson!" Sabi ni Theo na ikinagukat ng lahat. Ilang araw nadin ang lumipas nung bumagsak ang Crimson dahil sa pagkamatay ng mga miyembro non.

Nakakapagtaka naman na parang nagkasundo ang dalawa dahil apam ng lahat na magkaaway ito. Nagkaroon pa ng bulong-bulungan na hindi ko nalang pinansin.
"Sa mga gustong sumama sa Crimson ay itaas ang kamay at pumunta dito sa harap!"

Parang walang narinig ang mga ito at nanatiling tahimik. Sinasabi ko na ngaba walang makikinig at waoang sasali kahit pa si Randall ang magsabi non. "Ako!" May kung sinong nagtaas at dahil nga sa dami namin ay hindi ko maaninag ang mukha niya.

Isang Babae na may mahabang itim na buhok ang lumapit. Naka-pony tail ito at umabot sa puwetan ang buhok niya. May manipis naman itong labi at mediyo manipis din ang kilay niya. Sumaludo ito kay Theo at tumayo ng maayos paharap sa mga kasama niya.

"May sasali paba?" muling tanong ni Randall. May kung sinong nagtaas ng kamay at isang lalaki na may magulong buhok ang lumapit saamin. Silang dalawa lang at wala ng ibang sumali. "Ayos naba sayo yan Theo?"

"Oo ayos nato, salamat" Humarap si Theo sa dalawang sumali at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Magpakilala kayo."

Humakbang ng isa yung babae habang ang kamay ay nasa dibdib pero nakakuyom iyon. "Ako si Sefia, Kinagagalak kong mapasama sa Crimson" Humakbang ito patalikod at yung lalaki naman ang humakbang paharap.

"Ako si Cliff, Kinagagalak kong mapasama sa Crimson" Humakbang din to patalikod at Sumaludo na parang sundalo.

"Handa ba kayo mamatay?!" Tanong ni Kiro hindi naman nagdalawang isip ang dalawa.

"Opo!" Sabay nilang sabi. Nagpakilala kami sa kanila at Ibinigay sa kanila ang Red Cloak na simbolo ng Crimson. Natigil kami sa ginagawa namin ng lumapit si Alfred saamin.

"Meron pa bang pwesto para saakin?" Nakangisi niyang sabi. Ang tinutukoy siguro niya ay kung may pwesto parin siya sa Crimson.

"Pwede naman kung sasabihin mo ang totoo" Seryosong sabi ni Theo. "Ikaw ba ang pumatay kay Amaris? Ang Raven ba ang may gawa non?" Sabi ko na ngaba yan ang itatanong niya.

"Kahit naman sabihin kong Hindi, Hindi ka parin maniniwala. Walang kinalaman ang Raven doon dahil makatarungan kaming mga tao" Naoatungo nalang si Theo at ibinato kay Alfred yung natitirang Red Cloack.

"Welcome back" Yuna nalang ang sinabi niya bago sumakay sa kabayo. Ngayon na kami nagsisimula ulit umalis para pumatay ng mga halimaw sa ibang Area.

Sumakay nadin kami pero bago yon ay ininom ko muna yung tubig ko na may halong potion ni Elora. "Pansin ko lagi kang umiinom niyan, Ano bayan?" Tanong ni Alfred na hindi ko nalang pinansin. "So sweet."

Napairap nalang ako sa sinabi niya. Anong sweet don? Nakakabwiset kamo!

Dahan-dahan lang naming pinatakbp ang mga kabayo para makita kung may mga pagala-galang halimaw. May mga nakakasagupa naman kami katulad ng mga Dark Bat, Harpy at Slime. May kahinaan man sila ay dapat padin silang patayin.

Si Sefia ang may hawak ng mapa kaya siya ang magsasabi kung saan kami dadaan o ano ang mga shortcut. Magaling siya sa bagay nayon, ako nga ay hindi ko mabasa ang mapa dahil hindi ko maintindihan.

Si Cliff at Albert naman ang bahala sa gilid namin para makirdam kung may mga parating na mga halimaw. Malakas ang pandama at pandinig nila kaya mabuting bagay nayon para saamin. Kami naman ni Kiro ang siyang bahala sa likod kung may mga halimaw na Sumusunod saamin.

Si Theo naman ang bahalasa harap at mag-uutos. Payapa lang ang naging lakad namin at wala gaanong halimaw na umaatake o nakasalubong.

Tahimik lang ang buong gubat at nakakatakot yon dahil hindi natin alam kung kailan aatake ang halimaw. "Humanda kayo" Babala ni Alfred at Cliff mukang may naramdaman sila.

Nakiramdam kami at alisto dahil baka mamaya ay mag surprise attack ang mga halimaw. "Sa likod!" Pagkasigaw ni Cliff non ay humanda na kami ni Kiro at may mga Goblin na biglang sumulpot mula sa mga puno.

May mga hawak silang kutsilyo at makikita ang mga pangil nila na nakangisi. "Agad naming hinarang ang espada namin ng ibato ng mga Goblin ang mga kutsilyo.

Nasalag nga namin ang mga kutsilyo ay bumulaga naman sila at tinulaj kami na dahilan ng pagkahulog namin. Gamit ang espada ko ang hinarang ko yon uoang hindi makagat ng Goblin. Ang espada ko mismo ang kinakagat nito na parang kaya niyang sirain yon.

Sinipa ni Alfred yung Goblin at Hiniwa. Nabawian naman kaagad ng buhay ang goblin dahil doon. Inilahad ni Alfred kamay niya na tinanggap ko. "I am your knight in shining armor" Nagpapogi pa ito pero inirapan ko nalang.

Mas dumami pa ang mga goblin at pinalibutan kami. Kung bibilangin lahat ay nasa 50 + ang mga ito. Nahawi ang mga Goblin ng dumaan ang isaag matandang goblin na may hawak na baston. "Nananahimik kami mga Hunters! Wag niyo na kaming guluhin!"

"Kami ang nananahimik! Kayo ang unang sumugod!" Sigaw ko. Sinenyasan naman niya ang kapwa niya goblin at binaba nito ang mga sandata nila.

"Pasensiya na, Akala namin ay papatayin niyo kami katulad ng ibang hunters" Sinenyasan ko ang mga kasama ko na ibaba ang sandata na ginawa naman nila.

"Wag kayong mag-alala dahil mababait sila" Sabi ko.

"Pano ka naman nakakasiguro ha?" tanong ni Sefia na nakapamewang at nakataas pa ang kilay. "Baka mamaya atakihin nila tayo kapag napalapit na tayo sa kanila"

"Hindi ka nakakasiguro Sefia, Makatarungan kayo diba? Kung ganon bigyan niyo ng oagkakataon ang mga goblin nato" Wala ng nagawa ni Sefia at sumunod nalang.

Sinamahan kami ng mga Goblin sa Village nila. Makikita na sirang-sira ang mga kahoy na bahay nila at may mga ibang goblin na nagtatago saamin. "Nung nakaraang araw lang ay mat sumugod dito at pinakilala nila ang sarili nila bilang Raven Hunters"

Nagulat naman sina Sefia,Cliff at Albert at kami at napatingin sa kanila. "Hindi kami sumugod dito, ni hindi nga namin alam na may village pala dito"

"Kung ganon may mga nagpapanggap ngang Raven Hunter's" Sabi ni Kiro na sinang-ayunan ko. Nanatiling tahimik si Theo at nakikinig lang.

"Nananahimik ang Village namin at hanggat maaari ay hindi sumasama sa mga gera para hindi na madamay" Paliwanang nito. Pero kahit ganon ay may mga Goblin na hindi kabilang sa village na sumasama sa ibang halimaw para umatake.

"Wag kayo mag-alala hahanapin namin ang mga impostor nayon"

Demon And Hunters [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon