Hunting 13 : This is me

38 8 0
                                    

Pagputok palang ng umaga ay naghanda na kaagad ako at hinanap sila Theo. Alam kong malapit lang sila dahil kailangan pa nilang linisin ang area malapit sa Eayolas. Katulad ng ginawa namin sa Crimson Village-na dating Goblin Village ay binigyan ko sila ng Flag ng Crimson para maiwasan ang mga Hunters na dadaan sa Eayolas.

Sana sa pagbalik ko sa bayan ng Eayolas ay may mag-iba na at ganon din sana sa Crimson Village.

Napatingala nalang ako ng makita ang usok na mula siguro sa Camp Fire nila Theo. Mas binilisan ko ang takbo para lang makarating doon pero walang tao akong nadatnan doon. Naiwan ang mga kagamitan nila at ang mga kabayo ay hindi nakatali.

Naiisip ko tuloy na baka may nangyaring masama sa kanila Theo ng wala ako. Itinali ko sa puno yung nga kabayo at buti nalang ay hindi sila tumakas.

"Baka kumuha lang sila ng makakain nila" Pagkukumbinsi ko sa sarili. Umupo ako sa harap ng Camp Fire, Tumitig lang ako doon habang naghihintay sa kanila.

Nakailang oras na ata akong nakaupo doon pero wala padin sila. Nakailang panggatong narin ako para lang hindi mamatay ang apoy. Gusto ko pagdating nila ay may madadatnan parin silang apoy.

Inaantok na din ako at halos inabot ako ng gabi kakahintay. Pumunta ako ng umaga dito pero inabot ako ng gabi kakahintay.

Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang antok na bumabalot saakin.
.
.
.
"Hoy sakin yan!" Nagising ako dahil sa samutsaring boses na naririnig ko. Mediyo malabo pa ang paningin ko pero may nakikita akong mga tao na kumakain.

"Alfred napakaduga mo talaga!"

Alfred?

Napabalikwas nalamang ako ng bangon. Nagulat ako ng mapagtanto kung sino ang mga taong yon "Mga kasama!"

Naagaw ng sigaw kong yon ang atensiyon nila. Napatigil pa sila sa ginagawa nila at nakailang kurap ata sila. "Bakit Devia?" Takang tanong ni Cliff.

"H-hindi naba kayo galit saakin?" Nagkatinginan sila at nagtawanan. "Anong nakakatawa?"

"Bakit kami magagalit? Wala ka namang ginawa ha!" Ginulo ni Kiro ang buhok ko at muli kong tining ang nakangiti nilang mukha.

"M-mga kasama!" Binigyan ko sila ng yakap at binigyan din nila ako ng mas mahigpit na yakap. "P-patawarin niyo ako sa ginawa ko sa inyo, patawad talaga!"

"Halimaw." Napalayo ako sa kaniya lng sabihin nila yon. Ang sama ng tingin nila saakin na parang gusto nila akong patayin. "Isa kayong salot sa mundong to" Inilabas nila ang mga espada nila at dahan-dahan silNg lumalapit saakin. Lumalayo naman ako pero natigilan ako ng makabangga ako ng kung sino.

Dahan-dahan akong lumingon at muli ko nanamang nakita ang ngisi niya na sabik pumatay. "H-haring Asban?"

"Sinabi ko naman sayo Devia, Pagmamay-ari na kita"

"H-hinde! Hindi na ngayon!"

"Halimaw, Halimaw! Halimaw!!" Yan ang paulit-ulit nilang sinasabi at kahit pilit kong takpan ang tenga ko ay parang paulit-ulit ko yong naririnig sa isip ko.

"Tama na, Tama na paki-usap! Tama na!!-"

Nagising ako habang tagaktak ang pawis ko. Napalingon-lingon ako sa paligid at mag-isa lang ako. Wala parin pala sina Theo. Napayakap ako sa hita ko at sumubsob sa tuhod ko.
"Mga kasama..."

"Wow! ang dami nating nahuli Hahaha!" Napa-angat ang ulo ko at napalingon sa kaliwa ko. Nakita ko sila na may hawak na basket ng mga prutas. Napatigil naman sila ng makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong kaagad ni Theo saakin. Alam kong masama parin ang loob nila saakin pero hindi lang nila pinapakita.

"Hinihintay ko kayo." muli kong nginudngod ang mukha ko sa tuhod. Naramdaman ko na nilampasan nila ako at umupo malayo saakin.

"Bakit kapa nagpakita? papatayin mo ba kami?" Masakit ang sinabi ni Sefia saakin. Parang noon lang ay ang saya namin habang magkasama ngayon ay kinamumuhian na niya ako.

"Nandito ako hindi bilang si Devia na nagpapanggap. Nandito ako para sabihin sa inyo kung bakit ko ginawa yon" Inangat ko na ang tingin ko at tumingin sa kanila na nalatingin saakin.

Napaiwas naman ako ng maalala ang panaginip ko. "Kung ganon magpaliwanag ka na" Nabuhayan naman ako at umayos ng upo. Lumuhod ako sa harap nila at dinikit ang noo ko sa lupa.

"Dapat niyo lang talaga ako kamuhian pero bago ako tuluyang umalis ay gusto kong sabihin sa inyo ang intensiyon ko," Huminga muna ako ng malalim bago tinuloyang sasabihin "Hindi ko ginawa yon para pumatay o ano, Ginawa ko yon dahil gusto kong ibalik ang kapayapaan sa Etrilia"

"Naniniwala ako na kaya sinasabi ng mga magulang ko na 'kailangan kong mabuhay' ay para maibalik ang kapayapaan. Naniniwala ako na umasa silang lahat saakin, lahat sila" dugtong ko pa.

Nilamon lang kami ng katahimikan. Wala silang sinabi saakin pero nanatiling nakadikit ang noo ko sa lupa kahit masakit. "Alam mo ba kung bakit kita tinanggal sa grupo?" Umiling lang ako sa tanong ni Theo. "Natatandaan mo paba ang sinabi ko non sayo nung nasa Divesta tayo?"

"Oo naaalala kopa, Pamilya tayo kaya dapat sabihin sainyo ang mga problema namin at tatanggapin niyo kung ano kami" Naalala ko pa ang araw nayon, balak ko nasanang sabihin ang pagkatao ko dahil alam kong mapagkakatiwalaan sila pero may nangyari naman.

"Tama ka sa sinabi mo, Pero hindi mo ginawa yon. Ang pamilya hindi nagsisikreto pero nagsikreto ka padin"

"Patawarin niyo ako! Natatakot ako na baka kamuhian niyo ako at eto nga't nangyari ang ayaw ko" Naramdaman kong lumapit ito saakin at pinaharap ako sa kaniya.

Umiiyak na ako sa mga oras na yon at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako at ramdam ko ang higpit non.

"Ivan, Ethan, Samuel, Nick, Jet, Miguel, Liam, Noah, William, James, Oliver, Lucas, Mason, Logan, Alexander, Jacob, Michael, Daniel, Henry, At Eli !" Mas lalomg tumindi ang luhang umaagos sa mata ko nang banggitin niya lahat ng namatay naming mga kasama "Lahat sila namatay sa pamumuno ko! at ayoko ng maulit yon!"

Nadatnan ko nalang ang sarili ko na yumakap pabalik sa kaniya at pilit na pinapakalma si Theo. Ngayon ko lang nakita ang side nato ni Theo.

Hindi siya yung Theo na walang emosiyon na una kong nakilala. Iba ito dahil puno siya ng emosiyon.
"Lahat sila namatay ng nakangiti at nagawa ang tungkulin nila" Yun nalang ang huli kong nasabi sa kaniya.

Alam kong mahirap to para kay Theo dahil namatay ang mga kasama niya sa pamumuno at utos mismo niya. Kung hindi siguro namatay si Amaris ay ibang Theo ang nakikita ko ngayon.

Sana si Theo na nakangiti at masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasama niya.

Hindi natin pwedeng mabago ang lahat pero pwede tayong magpatuloy at itama ang pagkakamali na ating ginawa.

Demon And Hunters [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon