Freya Gracie Santiago's POV:
It's Monday morning. I woke up early so that I can prepare well for school. Syempre first day of school kaya hindi magandang tingnan kung late ako. I am currently a freshman student in Cedarwood Stanford University or CSU. My friends and I are taking Engineering. Engineering yung kinuha ko kasi sakin daw ipapamana ni daddy yung business namin na Firm in the near future.
Nag-ayos na ko ng sarili ko and wore a simple shirt, paired with denim jeans and vans. After fixing myself, bumaba na ko to have some breakfast.
"Freya, we have an urgent meeting today with our stockholders kaya di kita masasabayan ngayong first day mo. I already informed your driver to drive you to school. Be good baby, I love you." said my daddy Steve, with matching kiss sa forehead.
So sweet talaga ni daddy. That's why, if ever I found the right one for me, sana katulad ni daddy. Yung tipo ng lalaki na caring at hindi ka hahayaang lumuha. Potek ang lakas ko talaga mag-daydream HAHAHA.
"Yes dad, but remember to take good care of yourself. Wag papakapagod masyado ha, don't skip your meals." bilin ko kay daddy. Syempre mana kaya ako kay daddy na maalaga, wala nga lang jowa. "I love you always daddy." then I hug my dad before he left.
Daddy is the only one I have. I am only five years old when my mom died because of a car accident. Anyways, nakamove on na din naman kami ni daddy. Apparently, hindi pa nabibigyan ng justice ang pagkamatay ni mommy since hindi pa nahuhuli yung nakabangga sa kotse ni mommy. After kasi ng accident, nagtago na yung driver ng truck na nakabangga sa kanya.
"Kuya, pahatid na po ako sa CSU." sabi ko sa driver ko pagkatapos kong kumain ng breakfast.
At Cedarwood Stanford University
Pagkababa ko ng kotse namin, I dialed France's number. Hindi ko kasi natanong sa kanya kung saan ang classroom namin.
Kringgg... Kringgg...
After ng ilang ring, sumagot naman agad si France.
France: Hola! Asan ka na ba? Andito na kami ni Elise sa classroom natin.
"Andito na din ako sa school grounds." sabi ko. " I forgot to ask you yesterday kung anong room ba tayo. Saan ba?" tanong ko, kesa naman pumunta pa ko sa bulletin area.
France: Engineering Main tayo sis, 4th floor, Room 204.
"Okay, got it. I'm on my way na."
France: Okay sis.
Then, I end the call at naglakad na papunta sa Egineering Main building. Hinanap ko agad ang elevator at pipindutin na sana yung 'up botton' ng may nauna nang nakapindot nito. Nadagil pa ko kasi we're from opposite direction kaya medyo napausog ako sa kinatatayuan ko. At nang lingonin ko kung sino yung nakadagil sakin...
BINABASA MO ANG
Una at Huli kong Pag-ibig
General FictionLahat naman siguro tayo ay napapatanong kung paano ang magiging takbo ng ating mga istorya. Magiging masaya ba o gaya ng mga telenobela at fairytale na napakadaming kailangang pagdaanan bago makamit ang "Happily ever after". Pero ang pinaka-inaabang...