Freya Gracie Santiago's POV:
"Love takes time"-Gab
"Paano kung wala ng time?"-Dos
"Hindi nauubusan ng oras ang taong nagmamahal, even just one second with the right person can feel like more than a lifetime."-Gab
Ganyan ang setup namin ng mga kaibigan ko ngayong bakasyon. Aside from roadtrip, shopping and foodtrip mahilig kami ng mga kaibigan ko na manood ng movies. Syempre puro love stories kasi naman sa aming magkakaibigan, ako lang ang walang jowa. Nakaka-out of place 'diba? Palagi nalang thirdwheel ang eksena kuno tuwing may mga dates sila.
Hays, kelan ko kasi matatagpuan yung taong inilaan para sa'kin? Love takes time daw sabi ni Kathryn Bernardo sa movie na 'Can't help falling in Love' pero bakit parang napag-iwanan naman ata ako ng panahon? Why?
"Hay naku Freya, bago ka pa ngumawa na naman diyan dahil sa inggit sa mga napapanood natin, mabuti pa mag-mall nalang tayo. Start na ng klase bukas marami pa kong kulang na gamit, kaya let's go na para makabili na rin kayo if ever may kulang pa din kayo." sabi ni Elise, ang pinaka-masipag mag-aral saming magkakaibigan.
"Kaya nga sis, para naman masulit natin ang mga araw bago magpasukan." yan naman si France, ang happy-go-lucky kong friend.
"Okay fine, I'll change lang. Intayin nyo nalang ako downstairs." Then after nilang makalabas ng kwarto ko, nagdiretso na ko sa aking walk-in closet. I changed into oversized shirt paired with high-waist jeans and vans sneakers. I tied my hair into a bun and I'm ready to go.
Pagkababa ko, dire-diretso na kami palabas ng bahay. Magpapahatid nalang kami sa driver ko para di na hassle sa part ko. Aba ayoko namang maging driver ng mga kaibigan ko HAHAHAHA.
Half an hour, nakarating na kami sa mall. Mabilis lang ang byahe since medyo malapit naman sa bahay and idagdag pa na walang traffic ngayon.
"Kuya, I'll call you nalang if magpapasundo na kami. Thank you po!" sabi ko sa driver namin, syempre para di naman siya mainip kasi for sure matatagalan din kami dito sa mall.
"So, where should we go first?" asked France.
"Una na kayo sa NBS guys, bibili lang akong string ng gitara." Naputol na kasi yung strings ng gitara ko. I'm musically inclined din kasi and I used to play instruments.
"Sige sis, intayin ka nalang namin dun ah, Take care." napaka-caring talaga ni Elise, so cute.
Then I headed to the shop ng mga instruments. Pinili ko lang yung kailangan kong string then binayaran ko na sa cashier. Nang makalabas ako ng shop, natanaw ko naman yung ice cream parlor kaya nagdiretso na rin ako dun. Nag-crave ako bigla eh.
"Strawberry and Vanilla nga kuya, sa cone nalang po." then inabot ko na din yung bayad ko.
When I got my ice cream, naglakad na ko palayo. Unfortunately, nakakailang hakbang palang ako may bumangga pa sakin. Sa kamalas-malasan naman, ayun natapon sa damit ko yung ice cream.
Ganda-ganda ng shirt ko tapos matatapunan lang ng ice cream :((
"Ano ba yan! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh!" sabi ni kuyang nakabangga sakin.
"Ako pa ang hindi tumitingin sa dinadaanan, eh ikaw yung nagmamadaling maglakad diyan. Natapon pa tuloy yung ice cream ko."
"Hindi ko na kasalanan kung clumsy ka. Saka I'm in a hurry. Oh ito panyo, punasan mo na yang damit mo, mukha kang gusgusing bata." inabot nya yung panyo sakin then nilampasan na ako.
Bago pa ko makasagot, nakalayo na si kuyang antipatiko na bumangga sakin. Hindi man lang nag-sorry eh siya naman ang may kasalanan kaya ako natapunan.
Gwapo sana kaso wala namang manners amp. Siya na nga yung nakabangga sakin tapos ako pa ang sinabihang clumsy. Nakakaasar grrrrrrrr.
Pinunasan ko nalang yung damit ko then pinuntahan ko na yung mga kaibigan ko.
National Book Store
"Oh sis, bakit ba ngayon ka lang? Saka ano bang nangyari sayo? Bakit basa ata ang damit mo? Masyado ka bang naiinitan?" sunod sunod na tanong ni Elise.
"Kasi naman after kong bumili ng string, napabili ako ng ice cream dun sa malapit na ice cream parlor then nakakainis may bumangga sakin kaya ayun natapon yung ice cream ko."
"Bad day for Freya HAHAHAHA. Naku mamili ka na para matapos na tayo agad at makauwi na tayo. Para na rin makapagpalit ka na." said France.
Wala naman akong choice kaya pinili ko na yung mga kailangan ko. Nang matapos kami, binayaran na namin sa cashier. Natawagan ko na din naman ang driver ko kaya pede na kaming umuwi.
"You want to buy a shirt so that you can change?" asked France
"No need, I can still manage. And besides, my driver is waiting for us near the entrance. Tara nalang umuwi. It's been a long day na rin naman, I think we should rest na rin after this." super daming eksena ng araw na to, I'm tired na rin.
"Okay, sure sis" pag-sang ayon ni Elise.
Lumabas na kami at sakto andun na nga ang driver ko. Hinatid muna namin si France at Elise sa kanila.
When I got home nagdiretso na ko sa kwarto ko. I will take a shower muna, sobrang lagkit na rin kasi sa feeling ng suot ko. So gross.
After kong mag-shower, nagblow dry muna ko ng buhok at nagpalit ng pantulog. Grabe super nakakapagod talaga. Hindi pa rin mawala sa isip ko nung nangyari kanina, super nakakaasar.
I hope our paths will never cross again anymore.
BINABASA MO ANG
Una at Huli kong Pag-ibig
Ficción GeneralLahat naman siguro tayo ay napapatanong kung paano ang magiging takbo ng ating mga istorya. Magiging masaya ba o gaya ng mga telenobela at fairytale na napakadaming kailangang pagdaanan bago makamit ang "Happily ever after". Pero ang pinaka-inaabang...