Chapter 3 : Miracle Eyes

5 1 0
                                    

                                                                                        CYNTHIA


Nagising ako sa liwanag ng araw. Bumangon na ako mula sa higaan ko at inayos ito. Pagaktapos kong ayusin ang kama ko, lumabas na ako ng kuwarto. Wala pang tao dito sa may sala at naka-lock pa ang pinto, walang senyales na may lumabas kaya malamang tulog pa si Karina. Napatingin ako sa wall clock, 6:12 pa lamang. Kinuha ko na ang tuwalya ko at naligo.


Napili kong magsuot ng itim na long sleeves at gray na leggings, sinuot ko rin ang eyepatch ko. Paglabas ko ng kwarto ko ay nadatnan ko si Karina, humihikab pa ito at halata mong bagong gising. I greeted her good morning and she did the same. Nagpaalam siyang maliligo muna. Inantay ko na siyang matapos para sabay na kaming mag-almusal. Matapos ang twenty minutes, nagbihis na ito at pumunta na kami kina Miho at Odette.



Hindi tulad kagabi na dagsa ang mga bata, ngayon ay ang magkapatid pa lang ang nadatnan namin. Kumuha kami ng pagkain mula sa counter at tumabi sa kanila. "Wow, ito ang unang beses na may kasabay tayong mag-almusal", wika ni Yin habang ngumunguya.


"Bakit, tanghali na ba sila kung gumising?", tanong ko sa kanila. "Hindi naman sa ganoon. Mga 7:00 o 7:30 kasi kadalasang pumupunta 'yung iba dito. Kaming dalawa 6:30 kasi maaga kami laging nagigising", sabi naman ni Yang matapos lunukin ang nginunguya niya. Uh, sleepyheads.


Makalipas ang ilang sandali, nagsi-datingan na rin ang iba naming mga kasama. Nagmadali na kami ng mga katabi ko para makaalis na dito. Nang matapos ay bumalik na muna kami sa mga tinutuluyan namin. Nagpaalam na kami ni Karina dahil mas malayo pa ng ilang hakbang ang tinutuluyan ng magkapatid.









                                                                                                 ~***~








KLANG!!


KLANG!!

We heard a sound of a ringing bell. "Cynthia, tinatawag tayo para sa isang meeting", sabi sa'kin ni Karina. Dali-dali naman kaming naglakad papunta sa lugar na pagtitipunan. Karina is on the lead dahil malamang ay alam niya kung saan magtitipon-tipon.


On the way, nakita namin ang iba pa naming mga kasama. May mga tumatakbo at may iba namang chill lang maglakad, tulad ng magkapatid.


Pagdating namin sa meeting place ay halos kumpleto na kami, parang kami na lang ata ni Karina ang kulang. Nakaupo silang lahat sa troso at nakatayo si Quiver sa harap. Sa tabi naman niya ay isang malaking kampana na pinapatunog ng batang lalaki na may reddish tint sa buhok.


"Everyone here?", tanong ni Quiver. Lumingon-lingon muna ang iba naming mga kasama saka tumango. Nang makumpirmang kumpleto na kami, muling nagsalita si Quiver.


"As you know, nalalapit na naman magbukas ang labyrinth. Alam nating hindi madali ang pagpasok sa loob noon. Any volunteers na willing pumasok sa loob." Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa meeting na iyon. Tila ay walang gustong ipahamak ang kanilang sarili. At the end, two boys raised their hands.


"Them again?", rinig kong bulong ni Karina. "Sino?", tanong ko sa kanya. "Lionel", turo niya sa batang nakaayos palagi ang buhok. "--and Inoichi", turo naman niya sa batang maliit na nakasalamin. "They've been entering the labyrinth for the third week in a row", sagot niya sa'kin.


Tinawag ni Quiver ang dalawa para pumunta sa harap kasama siya. That boy named Lionel had a blank stare, samantalang halata mo naman ang pagkayamot sa itsura ni Inoichi.


Ozone AmissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon