Chapter 6 : Upon Entrance

2 0 0
                                    

                                                                                            INOICHI


This Saturday has passed peacefully. We did our usual routines at wala namang kakaibang naganap sa araw na iyon. Panay practice namin ni Lio sa training grounds na ginawa para sa aming dalawa. Today is now Sunday, the day na papasok kami sa loob ng labyrinth for the third week in a row.


I woke up past 4:35 am, well atleast iyon 'yung sabi ng wall clock. Nadatnan ko si Lionel na nakaupo sa sala namin. Hindi ako sanay na makita ito na magulo ang buhok nito. Kadalasan kasi ay nakaayos na ang buhok nito kapag nadadatnan ko siya sa umaga. Siguro ay kakagising lamang nito.


Marahan akong naglakad papunta sa kwarto ng isa pa naming kasama para silipin siya. Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto niya para hindi siya magising. There, Graham is still sleeping peacefully. Nakakalat pa ang mga gamit nito sa kwarto niya. Marahil ay pagod pa ito dahil puyat ito kagabi dahil gumawa daw ito ng mga adjustments sa camera na gagamitin mamaya.

Maingat kong sinara ang pinto at bumalik na sa sala. We heard a knock on the door kaya pumunta kaming dalawa ni Lio upang silipin kung sino ang kumatok. Tumambad sa'min si Odette, humihikab pa ito kaya malamang ay piningut lamang nitong gumising ng maaga para ipagluto kami. May dala-dala itong dalawang plastic bag ng pagkain.


"Agahan niyo 'yan. Dumaan kayo mamaya sa unit namin para kunin 'yung mga babaunin niyo", she said at humikab. "Salamat, Odette, ng marami", sabi ni Lio at inabot na ang mga plastic bag mula kay Odette. "Pasensya na sa abala", sabi ko sa kanya.


"Anytime. Una na ko. Tutulog pa ko", sabi niya at umalis na. Kinain na namin ni Lio ang dinala ni Odette. Matapos kumain ay naligo na kami. And yes, naligo kami ng magkasabay. Huwag niyo na pong lagyan ng malisya dahil una sa lahat, parehas naman kaming lalaki at parehas pa kaming ten years old para sa kung ano man 'yang iniisip niyo.


Nagbihis na kami. I chose to wear black shirt paired with light gray jacket. I wore pants at ang combat shoes na hiniling namin ni Lio mula sa taas. Kinuha ko rin ang backpack ko bago lumabas ng kuwarto. Ako ang mas naunang natapos sa aming dalawa tulad ng dati. Actually, ako ang unang natatapos magbihis sa'ming tatlo dahil undecided pa minsan si Graham kung ano ang susuotin niya at busy pa si Lionel sa pag-aayos ng buhok niya.


Pinasok ko si Lionel sa kuwarto niya at gaya ng inaasahan, panay suklay ito sa buhok niya. "Oo na, Lio. Ikaw na pogi", sabi ko dito at nilingon ako. Hindi mapagkakailang gwapo si Lionel. Siya 'yung tipo ng lalaki na kababaliwan ng mga babae sa school. Kung wala nga lang siya dito, malamang ay marami-rami na ring itong babaeng napaiyak kahit na ten pa lang ito.


He just gave me a smirk at nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok nito. When he was satisfied ay inilapag na nito ang suklay niya at nagsuot ng jacket. Kinuha na rin niya ang backpack niya. Lumabas na kami ng kwarto niya at napatingin sa orasan. It's 5:25 already. See, antagal niyang mag-ayos.


Lumabas na kami ng tent namin at naglakad na. Sa tapat ng entrance ng labyrinth kami magkikita-kita nina Quiver at ng iba pa. Pero bago ang lahat, dumaan muna kami kina Odette para kunin ang babaunin namin.


Pinapasok kami ni Miho at agad naman kaming pinapunta sa kusina. Kinawayan naman kami ni Odette, na nagtatali na ng kanyang buhok. Inabot niya sa'min ang tig-isang plastic bag. Sa loob noon ay tig-isang plastic na baunan at tumbler. Isinauli na rin ang nga pinagkainan namin kanina bago pa namin 'yon makalimutan.


Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating namin ang entrance ng labyrinth. Nakita naming naka-abang sina Kuya Quiver at Kuya Tyson. Kasama rin nila sina Winchester, Cynthia, Karina, at... Graham?  Mukhang kakagising lang niya dahil hindi pa rin siya nagpapalit ng damit. Suot pa rin nito ang pantulog niyang light blue na sando at white na pajama. Malamang ay nagmadali na siya para lang makahabol.


"At last, nakarating din kayo", Kuya Quiver said while raising his hands na para bang mangyayakap ito. "Biruin niyo, tulog pa ako nang umalis kayo pero naunahan ko pa kayo dito", biro naman ni Graham habang nakangiti.


Inaabot naman sa amin ni Winch ang mapa ng buong labyrinth sa linggong ito. "Let me do a reccap.As you can see, this week's terrain is a swamp. Traps are different here. It's more unnoticable. Hindi lang nakalagay dito ang mga buttons at pressure plates na ginagamit para ma-activate ang mga ito, pero pati na rin ang mga panggalingan ng traps. Everyting is well-camouflauged", pag-uulit ni Winchester. Tumango na lang kaming dalawa ni Lio sa lahat ng sinabi niya.


"Don't forget about that octopus-looking monster", dagdag ni Cynthia. "It should be roaming around the labyrinth like you two."


"I think it's best kung huwag niyo siyang labanan", napatingin kami kay Graham na nagsalita. "Wala pa tayong data kung ano ang mga kaya nitong gawin kaya it's best that you should retreat if you see it.


Meh, he doesn't need to remind me twice. Kahit pa ilang milyon ang ibayad sa akin ay hinding-hindi ko papatulan 'yang halimaw na 'yan. Like hello, sinong bang nasa tamang huwisyo ang lalaban sa isang halimaw na mukhang pugita? It suicide, 'ya know.


Lumapit sa akin si Graham at yumuko. Akala ko noong una ay kung ano na ang ginagawa niya sa  akin. 'Yon pala any kinakabit niya sa damit ko ang camera. Mahinang niya akong tinapik sa dibdib at niyakap niya kaming dalawa ni Lio.


I froze at that moment. I'm not that person na expressive sa mga emosyon ko kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Nakangiting nakatingin sa amin sina Kuya Quiver at Winch, habang nagbubulungan naman ang dalawang babae naming kasama. "Oh, there so cute", rinig kong bulong ni Karina. "Bromance", bulong naman ni Cynthia dito.


Nakita kong niyakap din siya ni Lionel kaya 'yun din ang ginawa ko. "Mag-iingat kayong dalawa, please?", bulong niya sa amin. Kumalas na siya sa pagkakayakap at mahinang tinapik kami sa balikat.


We heard an opening sound. Bumubukas na ang pinto ng labyrinth. "Bilisan niyo na. Magsasara din ang labyrinth mamayang alas-singko", sabi ni Kuya Quiver. Pumasok na kaming dalawa sa loob. Dahan-dahan akong naglalakad ng bigla akong tumigil. I took one last glance at our mates waving at us, while Graham giving us two thumbs up. I smiled at kumaway bago tuluyang pumasok sa loob ng labyrinth.


Ozone AmissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon