Kabanata 3

32 4 0
                                    

Buong araw akong nahihiya na magpakita kay Kit kaya iniwasan ko siya ng todo.

Kahit na katabi ko lang siya sa classroom.

"Padaan siya dito! Dali, mag tago ka! Ikaw kasi, ang landi landi mo! Ayan tuloy." Pagbibigay impormasyon sa akin ni Zhan.

Agad akong tumalikod at mabagal na naglakad habang hinaharang ang mahabang buhok sa mukha para hindi niya mapansin, hinila ko si Zhan sa tabi ko at sabay kaming naglakad.

Pero may sumigaw ng pangalan ko.

"CRISSELLEA!" sigaw nito pero hindi ako lumingon dahil isang tao lang naman ang mahilig tumawag sa buong pangalan ko.

"Zhaix, takbo!" agad kaming tumakbo ni Zhan papuntang cafeteria at napatigil nang makarating doon.

Hinihingal kaming naupo sa isang table doon at dumukdok ako, kinalabit naman ako ni Zhan kaya tumingin ako sa kaniya, nagtatanong ang mga mata.

"Pipila ako, ano gusto mo?" tanong niya.

"Chicken with double rice, one slice of pizza, bff fries, cheese burger, soda in can." wika ko at nanlaki naman ang dalawang mata niya.

"May bata ka ba sa tiyan?! Napaka dami naman!" reklamo niya at nag kibit balikat na lang ako.

Ngunit bago pa man siya makapila ay may naglapag na ng tray ng pagkain sa harap ko, kung ano ang binanggit kong pagkain ay yon din ang nakalagay sa tray.

"Fuck!" I muttered a curse and looked at the guy in front of me.

"Why are you avoiding me?" Kit asked.

"H-huh? Why would I?" nauutal kong tanong.

"You're avoiding me, Crissellea Harmony!" seryoso na ata talaga siya dahil pati second name ko ay binigkas na niya.

"Hindi kita iniiwasan, Kit! I just need time." pag dadahilan ko.

"Time? Fine!" padabog siyang umalis at iniwan ang mga pagkain sa harap ko.

"Hala ka, ginalit mo ata!" saad ni Zhan bago pumila.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ba niya ma gets iyon? Na nahihiya akong lapitan siya dahil sa sinabi ko kanina kaya ko siya iniiwasan!

Ang slow naman ni hubby.

"Hoy, gaga! Ano na plano mo? Ginalit mo si Kit." nakabalik na pala si bruha kaya kinukulit na naman ako.

"Hindi ko nga alam e! Hindi manlang niya naisip na kaya ko siya iniiwasan dahil sa naibulaslas ko sa buong classroom natin yung sinabi niya na iyon." naiinis na wika ko.

"E, tanga ka din kasi! Syempre ay hindi niya maiisip yon dahil naglalandian lang naman kayo, duh? Hindi naman kasi kayo!" aniya.

Ipatapon ko kaya to sa dagat? Napaka mapanakit magsalita.

"Kung makapagsalita ka naman jan na walang kami ay parang ikaw hindi naglupasay nang malaman mong may girlfriend na yung crush mo nung  magka videocall tayo nung first year college natin." pang aasar ko sa kaniya.

"Pasmado bunganga mo, sis?" tanong niya habang ngumunguya ng fries kaya tinawanan ko siya.

"Sarap mo sakalin." wika ko habang tumatawa kaya natawa din siya.

Pagkatapos kumain ay naglakad lakad kami sa quadrangle at naupo sa isang bench doon, luminga linga ako sa paligid at nakita ko si Kit na kasama si Nate.

Nakita naman ako ni Nate at ngumiti sabay lapit sa pwesto namin.

"Girl, ang gwapo ni Nate no? Crush ko siya." bulong sakin ni Zhan kaya napatingin ako sakaniya.

The Agony of Us[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon