Kabanata 1

48 6 0
                                    

Pawis na pawis ako habang patakbo sa isang coffee shop para bumili ng kape dahil hindi ako nakatulog kagabi at sa kadahilanang late ako sa klase ko!

Nang makapasok sa coffee shop ay agad akong naglakad palapit sa counter pero may nakahagip sa paningin ko.

Ang gwapo!

He was wearing a blue dress shirt with faded jeans and white shoes, nagbabasa siya ng isang libro habang ako ay wagas kung makatitig sakaniya.

"Miss, ano po ang order niyo?" tanong saakin ng cashier na dahilan kung bakit nawala sa isip ko kung bakit ba ako nandito.

"Cappuccino." sagot ko habang nakatitig pa din sakaniya.

"Wala po kayong order na food?" tanong pa nito.

"Siya po, pwede?" tanong ko sabay turo kay pogi na seryosong nagbabasa.

Agad akong nahiya at namula ang mukha noong marealize ang sinabi.

"Ay sorry ate, wala na po." nahihiya kong sagot sa cashier na natatawa ata sa kalandian ko.

Agad akong nagbayad nung binigay na ang order ko at tumakbo na palabas ng shop dahil malelate na talaga ako.

Isang himala na ata na hindi ako nalate at agad naupo sa dulong upuan, katabi ng pader. Pumasok ang professor namin at nag greet.

"Good morning, prof!" bati namin at ngumiti naman siya.

"You have a new classmate, he is a high intellectual student, a quiet type and his family owns the Monteverde Hotels and Resort. Please, come in." tawag ni prof sa bagong estudyante.

Halos malaglag ako sa upuan ko nang pumasok ang itinutukoy ng prof namin.

Siya yung lalake sa coffee shop!

"Kindly, introduce yourself." pakiusap ng prof.

"Kit Austin Monteverde, 18." hindi manlang ito ngumiti o ano, basta nalang itong nagpakilala.

"What's your dream job?" our prof asked, getting curious because of him.

"To be an architect, can I sit down now?" he asked, getting pissed because of the questions.

Pumayag ang prof habang ako ay busy sa kakasulat sa notebook ng pangalan niya, nagulat ako nang may maupo sa tabing upuan ko. Pagkalingon ko ay si Kit iyon!

Tinaasan niya ako ng kilay at parang nagtatanong ang mga mata niya kung bakit nakatitig ako sakaniya, lumingon ako sa tabing gilid ko pero agad kong pinagsisihan iyon dahil nauntog ako sa pader na ikinalikha ng malakas na tunog.

"Crisy! Are you okay?!" nagaalalang tanong ng prof at napansin kong ganun din ang nakikita ko sa mukha ng mga kaklase ko.

"I-I'm okay, ma'am." sagot ko habang sapo ang noo dahil kumikirot iyon.

"Are you sure? Pag hindi ka okay, pumunta ka sa clinic." paalala nito at nagpatuloy sa pagtuturo.

Sapo sapo ko pa din ang aking noo habang kinukuha ang salamin sa bag, tinitigan ko ang reflection ko sa salamin at nakitang namumula ang gitna ng noo ko.

"Shit." mahinang mura ko habang tinitignan pa rin iyon, nagulat ako nang may humawak sa pisngi ko at iniharap ako sakaniya.

"Does it hurt?" Kit asked.

"Y-yes, but I can handle it. Cold compress lang ito." I told him but my cheeks were burning red.

"Pati ba ang pisngi mo ay tumama sa pader?" tanong niya habang nakataas ang kilay saakin, agad naman akong umiling.

The Agony of Us[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon