Kabanata 11

19 1 0
                                    

Patuloy pa din nilang tinatawanan ang panaginip ko kaya sinamaan ko na sila ng tingin.

"Kapag kayo ang nag kwento ng panaginip niyo, tatawanan ko din kayo." sabi ko sa kanila kaya naman napatigil na sila sa pagtawa.

Pero sa kalagitnaan ng pag subo ni Kelsie sa pagkain niya ay bigla siyang natawa at nabilaukan, tumurit ang kanin na dapat ay lulunukin na niya.

"Ang baboy ha!" saway ko sa kaniya at binigyan siya ng tubig dahil baka mamatay na siya kakaubo.

Tawa ni Zhaix ang nag ingay kaya natawa din ako habang si Kelsie ay masama ang tingin.

"Kasalanan mo 'to! Kung hindi ka ba naman managinip ng ganon ay hindi ako mabibilaukan." sisi niya sa akin.

"Duh? It's not my fault, sisihin mo ang panaginip ko kung bakit hinahabol ako ng lumilipad na puwet na may ganoon sa harap at kamukha ni Kit!" sigaw ko naman sa kaniya kaya imbis na tignan pa ako ng masama ay natawa na lang siya.

"Sign na daw ata iyan na sagutin mo na siya." sabat ni Zhan.

"Gaga ka, girl? Isang araw pa nga lang nanliligaw! Magpapaka dalagang filipina muna ako." sagot ko habang kumakain.

"Pag ako niligawan ni Nate? Sasagutin ko agad!" malandi nitong sabi.

"E, kaso hindi ka niya liligawan." sabay na sabi namin ni Kelsie.

"Ang sama niyo talaga, pero mas masama ugali ni Crisy." sagot ni Zhan.

"Punyeta kang bata ka!" mura ko sa kaniya pero hindi na niya ako pinansin.

Gumayak na din kami at nakarating sa school, naglalakad akong mag isa sa hallway dahil sa isang subject ay hindi kami magkaklase ni Zhan.

May isang oras pa akong free time bago ang subject na iyon. May biglang nag takip ng panyo sa mata ko kaya napasigaw ako.

Muntik ko pa masipa yung taong iyon pero pinigilan ko.

"Sino 'to?!" sigaw ko at nagpumiglas.

"Don't move." ani nito pero hindi ko talaga mabosesan.

"Saan mo ba ko dadalin?!" tanong ko pero hindi na ito sumagot.

Inalalayan niya akong maglakad sa kung saan, baka sa sa kalawakan na kami mapunta nito.

Huminto kami at nawala ang nagaalalay sa akin kaya tinanggal ko na ang panyo sa mata ko. Napapikit muna ako dahil sa liwanag at unti unti kong dinilat ang mga mata ko.

Nagulat naman ako dahil na sa quadrangle na ako ng school habang ang tinatapakan ko ay may mga rose petals na kulay puti. Napatingin ako sa lalakeng naglalakad papunta sa akin na may hawak hawak.

Si Kit ay papalapit na nang papalapit habang nakangiti sa akin, biglang pumasok sa isip ko ang napanaginipan ko kaya natawa ako, napakunot naman ang noo niya dahil sa pag tawa ko.

"Why are you laughing? You don't like it?" tanong niya na nasa harap ko na pala.

"Hala, hindi! Naalala ko lang ang panaginip ko. I'm not laughing at you." explain ko kaya napangiti siya.

May inabot siya sa akin na letter na nakatupi.

"Sana magustuhan mo iyan." saad pa niya, akala ko ay yun na lahat ng ibibigay niya pero may ibinigay pa siya.

A portrait of me while studying.

Makikita sa portrait na iyon na sobrang focus ako sa pagaaral at naka emphasize pa ang mga pilik mata ko, buhay na buhay ang painting na iyon.

"Kelan mo 'to ginawa?" amazement is seen in my eyes.

"I'm always looking at you, kinakabisado ko ang mga features mo at idinadrawing ko iyon." aniya kaya napatingin ako sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Agony of Us[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon