Kabanata 9

16 2 0
                                    

Namumula ang buong mukha na napatakbo ako sa kwarto habang mahigpit ang hawak sa tuwalyang nakatapis sa akin.

"Hoy, sino yung nasa pinto?! At bakit nagpunta ka doon ng nakatapis lang?!" sigaw ni Zhan sa labas.

Kumuha ako ng ternong pajama at shirt bago lumabas at namumula pa din na binalikan si Kit na hindi pa pala pumapasok.

"Uh, sorry." nahihiyang saad ko sa kaniya.

"O-okay lang." nauutal na aniya at inaya ko na siyang pumasok sa loob.

Nakita kong natigilan naman sila Kelsie na nasa dining nang makita si Kit.

"Ay gaga ka! Nakatapis ka lang kanina tapos si Kit na pala yang kumakatok?!" sigaw ni Kelsie kaya binato ko siya at inirapan.

"Ano nga pala ginagawa mo dito?" tanong ko.

"I like you, Crissellea. I really do, kahit sinalubong mo ako sa pinto pero nakatapis ka pa, kahit na pasmado ang bunganga mo, kahit walang hiya ka, kahit matakaw ka kumain. Kahit bungangera ka, I still like you." pag amin niya kaya napanganga kaming tatlo nila Zhaix.

Puta, aamin ka na lang may kasama pang panlalait?

"Yung totoo? Umaamin ka ba talaga o nanlalait?" tanong ko at tumawa kaya lalo siyang nahiya.

Napansin ko din na nanginginig ang mga kamay niya, siguro ay kinakabahan.

"Kit, wag kang kabahan jan! Para namang magkukumpisal ka sa boss mo na ang nadrawing mong bahay ay imbis na mansion, naging bahay kubo." sita ko sa kaniya pero mas kinabahan pa siya lalo at sila Kels naman ay tumatawa na.

"Punyeta ka, Crisy! Lalo mong pinapakaba yung tao." tawa ni Zhan.

"Since you already confessed, what are your plans?" tanong ko at inaya siya na umupo sa sala para makalayo kila Zhaix dahil parang naiilang siya.

"Can I court you?" tanong niya.

Napangiti naman ako dahil iba talaga siya, ang ibang lalake naman kasi ay tatlong araw mo palang nakakausap sasabihin na agad sayo..

'Mahal na ata kita.'

Tapos ay magtatanong kung pwedeng kayo na ba agad, tatlong araw pa lamang kayong naguusap!

At doon ko lang din napansin na may dala dala pala siyang kumpol ng puting rosas at iniabot iyon saakin.

"You can court me." sagot ko at nginitian siya.

"Talaga?! I promise, you won't regret it!" nakangiting aniya.

"I hope so." sagot ko.

He went to his condo unit, smiling like crazy. I went to the dining after puting the white roses on a vase and put it on my room. I got a glass and put some three in one coffee and hot water, I sat in front of Kels.

"Ano nangyari?! Grabe, sana all! Si Nate kaya?" pagiisip ni Zhan.

"Nililigawan na niya ako! Makakatulog pa kaya ako nito? Parang kailan lang ay nag rant ako sa kaniya kasi akala ko ay pinaglalaruan lang niya ako!" sigaw ko sa kilig.

"We're happy for you, babe!" ngiti naman ni Kelsie kaya nginitian ko din silang dalawa.

"I wish for the three of us that someday, God will give us the right man." ani Zhan at pumikit bago hawakan ang mga kamay namin ni Kelsie.

Isang pangako na naman para sa aming tatlo.

"O siya, tara na matulog! May klase pa bukas." aya ni Kelsie.

"One week na lang ang classes and Christmas break na, sure na ba kayong sa Japan tayo?" I asked.

"Yes, I missed Japan kaya!" sagot ni Kelsie kaya tinignan ko si Zhan.

The Agony of Us[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon