Kabanata 8

15 2 0
                                    

It's Kelsie's first day in our university, ako pa ang kinakabahan kesa sa kaniya dahil baka maligaw siya kaya para akong nanay na naghahabilin.

"Hoy, may map dito ha? Para alam mo yung pasikot sikot sa school." sabi ko sa kaniya.

"Yes, yes!" sagot naman niya habang kumakain.

Kakatapos ko lang maligo at magbibihis na since sabi ng isang block mate namin ni Zhaix ay civilian daw at hindi uniform kaya kumuha na ako ng damit.

I wore my red tank top and high waisted pants with my black high heeled boots. Pwede na kaming mag makeup since were college students already, I put on some light eye shadow make up and red lipstick.

Lumabas na ako para tawagin sila dahil sabay sabay kaming papasok.

"Tara na!" sigaw ko at gulat naman silang napatingin.

"Ang ganda mo naman kasi! Kahit basahan yata ang isuot mo ay maganda pa din!" puna nila.

"E, kung kayo ang gawin kong basahan jan?" wika ko na dahilan kung bat tumawa sila.

Lumabas na kami ng condo at dumiretso sa parking para makaalis na.

I opened the engine and started to drive to our school, we got there fast since it wasn't that traffic.

"Okay ka na? Hindi tayo makakapagsabay sa lunch kasi ang layo ng building mo." ani Zhan.

"I'll get going na!" excited na sabi ni Kels kaya hinayaan na namin siya.

"May klase kaya si Kit sa atin? Katabi mo pa naman." she said and I just shrugged.

Pumasok na kami sa room only to find Kit sitting at our side.

"Crissellea, how are you?" tanong niya agad pagkaupo ko.

Somehow, I felt guilt.

"I'm sorry." nakayukong paghihingi ko ng tawad.

"I'm sorry for what I said, mali yon. Mali lahat." pagpapatuloy ko pa.

"It's okay." nakangiting aniya at hinila ako para makaupo na.

Nakaramdam pa din ako ng hiya kaya hindi ko pa siya agad nadaldal.

Our class started already and I was just quiet the whole time kaya kinalabit ako ni Zhan.

"Yes?" bulong ko.

"Lumingon ka kay Kit pero wag kang papahalata, silip lang." bulong din niya kaya pasimple akong lumingon.

Dahil sa pag lingon ko ay nakita ko si Kit na kanina pa ata nakatitig sa akin habang nakangiti.

Kumukurap pa ba 'to?

Agad kong inalis ang tingin ko at si Zhaix naman ang tinignan ko.

"Why is he looking at me like that?" tanong ko.

"I don't know, kita mo mamaya matatawag ng prof yan." tawa niya kaya mahina din akong natawa.

At dumating na nga ang inaasahan namin.

"Kit Austin Monteverde!" sigaw ng prof kaya natauhan siya.

"Y-yes?" aniya.

"Lagi kang tulala, hindi ko alam ang nangyayare sayo! May sakit ka ba? At ang malala pa dito ay, kay Crissellea ka laging nakatulala!" sigaw nito sa kaniya.

"I'm sorry, ma'am! It won't happen again." panghihingi niya ng paumanhin.

Pinaupo naman siya at hindi na ulit tumingin sa akin kaya natawa ako.

The Agony of Us[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon