Chapter Eighteen

18 8 0
                                    


FARLEY POV

Haystt.... Nakakalungkot naman at wala na si Khrey, siya lang yung kaibigan namin na mortal. Haysst.

"Hey... Nakita niyo ba si Greeze?" Tanong ni Jacob kumunot naman ang noo namin dahil sa tanong niya

"Huh?... Si Greeze? Eh.. Diba lagi mo siya kasama?" Sabi ko ng patanong... Totoo naman kase, simula ng mag kaayos sila dalawa. Lagi na sila mag kasama.

"Ah.. Oo pero nag usap muna sila ni Khrey kaya iniwan ko muna siya kasama siya. Pero nung bumalik ako dun sa lugar na pinagiwanan ko sila ay wala na"

"Baka naman asa office?" Takang sabi ni Vines.. Baka nga at baka andoon pa si Khrey

"Tara.. Tignan natin, baka andoon pa din si Khrey" Suggest ko. Agad naman sila sumangayon sa sinabi ko kaya nag tungo kami sa office ni Mr. Almirante

Pero nang dumating kami ay wala kami nadatnan na Greeze or Khrey. Tanging si Mr. Almirante lang ang andoon ang prenteng naka upo

"Good nn. Po Mr. Almirante naka-alis na po ba si Khrey? I mean si Ms. Mackline po?" Tanong ni Revaine

"Oh.. Andito pala kayo, at oo naka-alis na si Ms. Mackline kasama si Ms. Voren" Teka?! Ano raw? Si Greeze?!! Kasama?

"Ano?! Pano nasama si Greeze kay Khreysia? Mr. Almirante?" Agad naman ako napailing dahil sa reaction ni Jacob. Haysst.. Sabagay girlfriend niya yun eh

"Na sabit ang bracelet ni Ms. Mackline sa buhok ni Ms. Voren kaya nasama siya sa portal" Simpleng paliwanag ni Mr. Almirante, rinig ko naman ang pag buntong hininga ni Jacob dahil sa sinabi ni Mr. Almirante.




KHREY POV

"WAHHHH!!!" Agad naman ako na pa takip sa tenga ko dahil sa sigaw ni Greeze, oo nasama siya sa akin palabas doon sa portal na yun. At heto na! Andito na kami sa mundo ko.

"Hala uy! Wag ka sumigaw.. Nakakahiya sa mga tao" Pinagtitinginan na kase kami ng mga tao dahil sa sigaw ni Greeze.

"Khrey... Pano na ako? Hindi ako bagay dito dahil isa ako--" Agad ko tinakpan ang bunganga niya dahil baka may makarinig sa kaniya

"Shhh.. Wala pwede maka'alam kung ano ka at saan ka galing" Mahina ko bulong habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bunganga niya. Agad naman siya tumango kaya tinangal ko na rin

"Wag ka mag alala... Hahanap tayo ng paraan, pero sa ngayon. Umuwi muna tayo sa bahay namin" Sambit ko at hinila na siya para sumunod sa akin dahil baka mawala pa siya edi na lintikan na.

"Bahay? Ano yun? Parang palasyo?" Agad naman ako natawa sa sinabi niya haysst... Kung siguro hindi ko lang alam na galing tong ibang mundo iisipin ko isa siyang ignoranteng tao.

"Oo? Pero.. Maliit lang yung amin" Sagot ko agad naman siya tumango sa sinagot ko... Pero ang mga mata niya ay nakatingin pa rin sa daan, namamangha siguro siya sa mga sasakyan...

VINES POV

"Guys!! Guys!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko na ngayon ay busy sa pag hahanap ng paraan upang maibalik si Greeze dito

"Oh? Ano nangyare?" Takang tanong ni Revaine

"Look!... Ito yung Magic woonds, pag nilagay mo ito sa tubig may lalabas jan na imagine basta sabihin mo lang ang pangalan ng tao gusto mo makita or mahanap" Paliwanag ko, nakuha ko yan kay Alora. Ang white witch

"Talaga? Cege subukan na natin. Revaine" Tawag ni Jacob kay Revaine agad naman tumango si Revaine at alam na niya ang gagawin.

Ng nilagay niya ang Magic woonds sa tubig at nung sinabi na ni Jacob ang pangalan ni Greeze doon nga namin nakita na mag kasama sila ni khrey.

"Wahhh. Ang swerte naman ni Greeze at nakasama siya kay Khrey at nakita niya ang mundo nila" Mangha sabi ni Vines na agad naman tinignan ni Jacob ng masama kaya napa tahimik na lang ito.

KHREY POV

Agad naman kami huminto ni Greeze sa tapat ng pinto namin... Owhhh

"Hey! Dito na ba yun?" Takang tanong niya na agad ko naman ikinatango

"Oh? Let's go na..." Agad naman niya hinila ang kamay ko palapit sa pinto pero na pa tigil rin kami dahil hindi naman niya alam kung pano buksan iyon. Kaya no choice ako kundi ako na lang din ang mag bubukas.

Enchanted WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon