Chapter Twenty-two

8 6 0
                                    

THIRD PERSON

"Hey... Ano na balita kila Greeze?" Tanong ni Vines na kakarating lang galing library

"Sinugod sila ng mga halimaw na galing dark enchant" Sabi naman ni Revaine na ngayon ay nakatutok sa Magic Woonds, kung saan nakikita nila ngayon ang nangyayare kila Greeze at Khrey.

"Shit! Mapapatay ko talaga ang mga dark enchant na yan" Gigil na sabi ni Jacob, grabe talaga ang pag aalala niya kay Greeze ng makita niya sinugod ito ng mga halimaw. Ganon niya kamahal ang dalaga..

"Naku! Pag ibig nga naman" Pang aasar naman ni Liam sa kaibigan pero hindi na siya pinansin nito..

"Hahaha... Wala ka pala Liam eh, Hindi ka pinansin ni Jacob" Ganti naman ni Tyrone kay Liam

"Sus... Edi ikaw na lang ang pumansin sa akin!" Banat pa ni Liam kay Tyrone

"Manahimik na nga kayo. Kakausapin ko si Mr. Almirante kung paano natin maibabalik si Greeze dito" Sabi ni Revaine

"Samahan na kita Revaine" Pag prisinta ni Jacob, hindi naman na napigilan ni Revaine si Jacob kaya hinayaan na niya lang.

"Haysst... Oh ano na?... Teka? Tyrone asaan kapatid mo? Si Tyler?" Tanong ni Liam kay Tyrone

"Aba! Malay ko. Hindi ko na nga yun nakakausap eh" Napakamot na lang sa ulo niya si Tyrone at iniisip kung saan nag punta ang kapatid niya.

"Austin!!!" Malakas na sigaw ni Vines nang makita niya si Austin na papasok sa cafeteria.

"Oh? Bakit?" Tanong nito pag karating niya sa pwesto nila Vines

"Ah.. Wala lang, hindi na kase ka namin nakikita madalas. Simula ng umalis si Khrey" Sabi ni Vines sa kaniya, Agad naman na napangiti si Austin sa sinabi nito.

"Pasensiya na, masiyado lang ako busy. Oh kamusta na pala si Greeze? Balita ko rin na napasama siya kay Khrey ah?" Tanong ni Austin kila Vines

"Ganon na nga, ang tanga naman kase nun ni Greeze eh. Hindi namin alam kung bakit niya naisipan na sumama kay Khrey" Inis na sambit ni Vines tipid naman na ngumiti si Austin sa inakto nito

"Grabe ka Vines! Makatanga ka naman kay Khrey" Sabi ni Liam dito

"Naku! Naku.. Manahimik na lang kayo, halika dito Austin samahan mo kami kumain" Anyaya ni Fayrel, agad naman napailing sila Liam at Tyrone

"Wag na Jene, ayos lang busog pa rin naman ako. Cege una na ako may aasikasuhin pa ako" Hindi na napigilan ni Fayrel si Austin dahil naka alis na ito

"Bahala na kayo jan ah! May pupuntahan rin ako!" Agad na rin umalis si Vines at pumunta na ito sa kung saan man siya pupunta.

SOMEONE POV

"Oh Anak? Napadaan ka?" Ayan agad ang bungad sa akin ng nanay kong sakim.

"Mag usap tayo" Seryoso ko sabi sa kaniya, alam ko nanay ko siya at alam ko bastos ang pinakikitungo ko sa kaniya ngayon.

"Nag uusap naman na tayo ngayon anak" I want to be mad with her but I can't, because she is still my mother.

"Haysst. Itigil na natin to, I don't want to, I will stop what you ask me to do. I can not take it anymore" Madiin ko sambit sa kaniya,  pero tinawanan niya lang ako.

"Pwede ba! Mag seryoso ka naman!.. Hindi ako nakikipag biruan sayo!" Alam ko sobra na ako, pero ano ba magagawa ko? Eh Sobra na siya. Halos hindi ko na siya kaya.

"Umayos ka Tyler! Hindi kita pinalaki duwag! Kaya umayos ka ah! Wag mo ako bibiguin!! Kaya ngayon makakaalis ka na!.. Wala na tayo pag uusapan PA!" Makikipag argumento pa sana ako kaso, hinawakan na ako ng mga kawal kaya wala ako choice.

Enchanted WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon