Chapter Twenty-three

26 4 5
                                    


THIRD PERSON

"Aalis ka talaga? Para puntahan siya ?" Takang tanong ni Revaine kay Jacob

"Oo.. Gusto ko na siya ibalik dito, dahil dilikado sa kaniya ang mag stay sa mundo nila Khrey" Sagot naman ni Jacob sa kaibigan

"Jacob!" Agad naman na agaw ng pansin nila Revaine at Jacob ang sumigaw

"Oh? Austin? Ano ginagawa mo dito? Bakit mo ako tinawag?" Tanong ni Jacob kay Austin na ngayon ay may dalang bag

"Hmm. Nabalitaan ko pupunta ka sa mundo nila Khrey, para Sunduin si Greeze?" Sambit nito sa binata..

"Oo? Bakit?" Takang tanong nito, agad naman niya pinasadahan ng tingin si Austin at napangisi siya ng makita na, may dala ito bag na parang katulad ng sa kaniya.

"Don't tell me, sasama ka sa akin?" Naka ngisi nitong tanong kay Austin, napakamot na lang sa ulo si Austin sa itinanong sa kaniya ni Jacob

"Aishh. Hayaan mo na J. Isama mo na yan si Austin" Nakangiti sambit ni Revaine kay Jacob kaya wala na nagawa si Jacob kundi ang pumayag.

KHREY POV

"BESHIII!!!!!" Agad ako napabalikwas ng bangon ng biglang, sumigaw si Greeze

"Bakit?! Ano meron? Ano nangyare?" Muntik pa ako mahulog sa kama, kung hindi ako humawak sa head board nito.

"MAY TAO!!!!" Huh? Ano raw?

"Tao? You mean may mag nanakaw?!" Gulat ko tanong, asaan ba si mama?

"Mag nanakaw? Ano yun?" Haysst taga ibang planeta nga pala tong si Greeze

"Wala! Wala... Asaan ba ung Tinitukoy mo tao?" mahina ko tanong dahil baka mamaya akyat bahay na pala yun, asaan ba kase si mama?

"Asa baba.. Dalii hinihintay nila tayo!" Nag taka naman ako sa sinabi ni Greeze?! Hinihintay?! Teka! Ano ba kase ibig sabihin nito ng babae na toh?!

Mag sasalita pa sana ako kaso bigla na ako hinila ni Greeze pa baba, kaya wala ako nagawa kundi ang mag pahila na lang.

"Tadahhh!! Andito sila Babe at Austin!!" Nagulat naman ako sa nakita ko! Holy F! Totoo toh? Andito silang dalawa?

Ano ginagawa nila dito?!

GREEZE POV

Hello again! HAHHA ginawan ulit ako ni Author ng POV

Mukhang na gulat ata si Khrey sa biglaang pag dating nila Babe, kahit rin naman ako nagulat. Na alala ko pa nga hanggang ngayon kung paano ko, sabuyan ng tubig si Babe eh.

FLASHBACK

Anditoo ako ngayon sa garden nila Khrey, dahil nga sa mahilig ako sa mga bulaklak ay dito ko na piling tumambay. Wala naman siya at si Khrey tulog pa

Dahil napansin ko medyo na tutuyot na ang mga halaman, ginawa ko kinuha ko yung parang mahabang tali? Ewan tawag dun. Basta nag lalabas yun ng tubig, pag binuksan mo yung gripo.

Habang dinidiligan ko ang mga halaman, nakaramdam agad ako ng dalawang presensiya... Malakas yung isa at yung isa naman ay sakto lang.

Kanino yun? At bakit parang familiar sa akin?

Lilingon na sana ako ng biglang may humawak sa balikat ko, at dahil sa medyo magugulatin ako sa kaniya ko na saboy ang tubig.

END OF FLASHBACK

"HAHAHAHAH! Seryoso ka Greeze na gawa mo yun kay Jacob? Hahahha" Haysstttt.. Ito nanaman po siya, tawang tawa nanaman siya sa katangahan na nagawa ko.

"Oo nga, ewan ko sayo Khrey. Tawa ka ng tawa jan" kunwaring nag tatampo ko sabi kay Khrey at umirap pa ako para naman tumigil na siya

"Hahahaa, ito naman masiyadong pikon" Haysst ano pa nga ba magagawa ko, kundi ang hayaan na lang siya. Kaligayahan niya yan eh

"Oh Wait! Austin, Jacob ano nga pala ulit ginagawa niyo dito?" Tanong ni Khrey sa dalawa, oh kahit pala ako ay hindi ko alam kung ano ginagawa nila dito.

Ewan ko ba, bigla bigla na lang sila sumusulpot na parang mga kabute

"Actually, ako lang sana dapat ang pupunta dito para sunduin si Greeze kaso sumama tong si Austin"

"Pero wait paano kayo naka labas ng EW? Kung gayong si Greeze ay hindi alam kung paano o saan ang daan pabalik dun" Napa buntong hininga na lamang ako sa narinig ko kay Khrey..... Poor her, wala siya ka alam alam.

Kahit ako ay gustong gusto ko na sabihin sa kaniya ang lahat, pero... Hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya ang totoo..

"Aishh, hayaan mo na Khrey. Atleast nga andito sila Babe eh" Sabi ko na lamang

"Soo? Ibig sabihin babalik ka ng EW?" Doon naman ako natauhan sa tinanong ni Khrey, babalik na nga ba ako sa mundo ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enchanted WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon