Chapter Seventeen

13 8 1
                                    

(Nag decide ako na mag update muna bago maligo... Hehehe) 

KHREY POV

Ito na yung araw na pinakahihintay ko.. Ang makabalik sa mundo ko. Andito ako ngayon sa dorm nila Revaine. Gusto pa kase nila ako makausap bago daw ako umalis

"Khrey.. Mamimiss ka namin" Naka nguso sabi ni Farley kaya natawa naman ako

"Naku.. Khrey pag nakabalik ka na sa mundo mo wag mo kami kakalimutan ah" Pa alala sa akin ni Revaine, kaya napa tango naman ako.

"Sana mag kita pa tayo" Malungkot na sabi nama ni Vines

"Oo naman ah... Malay niyo mag kita pa tayo, pero sa panaginip na lang pala" Natatawa ko sabi pero napa pout naman sila Vines at Farley sa sinabi ko

"I'm just kidding" Pag bawi ko

"Uy... Nakapag paalam ka na ba sa mga boys? And also Greeze, for sure mag tatampo yun" Hala! Oo nga pala... Eh sa hindi ko naman kase nakita si Greeze ngayon. Asaan kaya yung babae na yun?

"Cege... Hahanapin ko muna si Greeze, nakapag paalam na rin ako kahapon sa boys. Kaya no worries na" I assure. Haysst.... Ano kaya sasabihin ko kila mama?. Pano kung hindi sila maniwala? Pano kung sabihin nila nababaliw na ang anak nila?

"Khrey!!!!" Agad naman ako na pa lingon sa likdo ko ng marinig ko ang sigaw ni Greeze.. Owhh may kasama pala siya

"Oh? Himala at nag pakita ka sa akin" Ngumiti ako ng nakakaloko ng tignan ko si Jacob sa gilid niya. Aishh. Kabataan nga naman. -_-+

"Ngek.. Nawala lang ako saglit eh, pero diba ngayon na alis mo?"

"Oo.. Kaya nga hinahanap kita para mag paalam eh"

"Ayt... SooooOooo. Hanggang dito na lang ba talaga tayo?" Agad naman kumunot ang noo ko sa sinabi ni Greeze! Teka?.. Iba yung pag kaka intinde ko dun ah. -_-#

"I guess..." Nakakamiss rin tong babae na to eh...

"Haysst... Tara hatid na kita dun sa office ni Mr. Almirante" Agad ko naman tinignan si Jacob kung ayos lang ba na iwan muna siya ni Greeze kaya tumango na lang siya at na una na sa amin ni Greeze

"Pst" Tawag ko kay Greeze. Agad naman niya ako tinignan na may pag tataka

"Kayo?" Takang tanong ko, agad naman siya umiwas ng tingin. Kaya alam ko na agad ang sagot

"Kailan pa?" Tanong ko ulit

"Nung sinundan ko siya" Na pa "Ahh" naman ako sa kaniya at hindi na muli pa nag salita.

MR. ALMIRANTE'S OFFICE

"Andito na tayo..." Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Greeze kaya agad ko siya niyakap.

"Uy.. Wag ka na malungkot, sumama ka nalang sa loob gusto mo?" Tanong ko, agad naman siya nag angat ng tingin. Kaya pumasok na kami at nakita nga namin si Mr. Almirante na naka upo

"Greeze? Kasama mo pala tong si Ms. Mackline"

"Sorry sir. Nag pasama lang po ako kay Greeze" Sagot ko agad naman siya tumango

"Ready ka na ba Ms. Mackline?" Agad naman ako tumango sa tanong niya at Maya-maya nga ay may lumitaw na parang portal sa harap ko, asa gilid ko naman si Greeze.

"OK. Pumaso ka na Ms. Mackline" Agad ko naman tinignan si Greeze at yumakap bago umalis, pero.......... Ng pumasok na ako ay hindi sinasadya na sumabit ang bracelet ko sa buhok ni Greeze, pero dahil sa lakas ng pag higop ng portal ay hindi sinasadya mapasama siya sa akin.

Enchanted WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon