Chapter Nineteen

15 6 2
                                    


(WAHHH!!! Naka apat na chapter ako ngayon araw ah.... Kaya sana bigyan niyo naman ako ng isang star jan............sa chapter pala na ito ay may magaganap na revelation kaya ito na hehehe)

SOMEONE POV

Naka upo ako ngayon sa truno ko bilang reyna ng boung Enchanted World. Ang sarap pala sa feeling ng ganito, yung uupo ka lang sa truno mo at walang iba gagawin kundi samahan ang asawa mo.

"Thalina... Tandaan mo hindi rin mag tatagal at mawawala rin ang lahat sayo"

Haysst... Bakit ba lagi ko na lang naiisip ang sinabi sa akin ng wala ko kwenta kapatid na si Ayuna. Pero buti na lang at pinatalsik siya ni Edril bilang Reyna ng Alynthi kaya ngayon ay hindi ko alam kung asaan siya ngayon.

At meron din ako isang secreto pinakaiingatan at siya lang ang nakaka-alam

GREEZE POV

Kanina pa tong si Khrey naka-titig sa pinto?... Oo pinto nga, ewan ko kung bakit ayaw niya pa buksan.

"Uy! Khrey.... Ano? Dito lang ba tayo sa labas?" Tanong ko... Kanina pa kase ako nangangati at parang may kumakagat sa balat ko kaya panay hampas ako sa braso ko at binti.

"Oh. Sorry" Kumatok ata si Khrey dun sa pinto nang makita niya ang kalagayan ko.. Haysst, ang kati-kati na ng binti ko at braso.

Sa ilang sandali pag katok ni Khrey ay may bumukas at laking gulat ko na lang nang mapagtanto ko kung sino ang nag bukas ng pinto.

Izzy?!!

KHREY POV

"Mama" Tawag ko kay mama ng mapatulala siya ng makita ako pero buti na lang at na balik rin siya sa katinuan niya

"Aa-anak?... Ano ginagawa mo dito?!" Huh?!... Bakit parang hindi naman niya ata inaasahan na andito ako?.. Bakit? Alam niya ba kung asaan ako nung mga panahon na nawala ako?

"Po?" Takang tanong ko... Pero ng narealize ni Mama yung sinabi niya agad naman niya ito binawi

"Ah... Ang ibig ko sabihin, bakit ngayon ka lang? Alam mo ba na matagal ka na namin hinahanap ng tita mo" Haysst... Sabi na nga ba

"Sorry po ma.. Nag punta lang po ako kila......... Greeze, Tama! Kila Greeze po" Pilit ako ngumiti kay mama para naman hindi siya mag hinala kahit alam ko naman na alam na niya, nag sisinungaling ako. Haysst

"Greeze? Greeze Voren" Agad naman ako tumango kay mama nang marinig ko binagit niya ang pangalan ni Greeze.

Agad ko naman hinawakan si Greeze para ipakita siya kay mama, at nang makita niya si mama ay nagulat siya bigla? Huh?... Baka naman na takot?

"Ma. Si Greeze po, bago ko kaibigan. Greeze si Mama Izzy"











<><><><><><>

OOPS! Tama na yan.... Marami na  kayo nalalaman HAHAHA joke.

Ohhhhhhhh ngayon may nalalaman na ba kayo? Hihihi.

Enchanted WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon