Tulala ako habang naglalakad kami ni Lance papuntang comp shop, inaalala ang mga nangyari kanina.
"Sorry sorry di ko sinasadya" paghingi ko ng tawad kay Draven.
"Okay lang" malamig n'yang sabi at walang kahit anong reaksyon.
"Sorry talaga ha? " nag aalala kong sabi.
Tumango s'ya at ngumiti ng tipid at umalis na rin.
Shit pucha OMG!!! nginitian n'ya ako, totoo ba yun? WAAAAHHH!!
"HOOYY!!!" biglang sigaw ni Lance na nasa pintuan na ng comp shop. Anak ng sisiw di ko na s'ya tuloy naabutan kakaisip. "Di na kita ililibre di mo'ko naabutan e blee! "
Sumunod na ako sa kanya sa loob ng shop.
"Kai dito" pumunta ako sa isang bakante sa tabi n'ya.
"Ilang oras tayo?" tanong ko.
"Ilang oras lang bHiee walang tayo HAHAHAHA" sabi niya at inirapan ko siya.
"Ate 2 hours nga po dito sa PC 16" sabi ko sa nagbabantay.
"2 hours? bitin yun Kai" reklamo ni Lance.
"Babalik pa tayong school bobo" sabi ko.
"Ano ba yan, ate 2 hours din po sa 15" sabi n'ya
Nag log in na kame sa Garena at nag open ng LoL."Duo ba o flex?" tanong ko.
"Duo muna tayo para makaalis ka naman dyan sa Iron" pagmamayabang n'ya.
"Wow ha? e bronze ka lang naman kung makapag yabang ka akala mo naman challenger" mataray kong sabi sa kanya.
"At least mas mataas rank ko sa'yo" ganti niya.
"Invite invite" sabi ko habang tinatali ko ang buhok ko.
"Pasok na bobo" sabi n'ya at inirapan ko s'ya.
"Saglit lang nagtatali pa ako ng buhok e" sabi ko.
"Ready na ako mandurog" mayabang na sa sabi niya at nagpapaputok pa ng daliri.
"Ako adc ha? " ani ko.
"Nakatatak na ata sa pangalan mo ang pagiging adc e HAHAHAHA" ani Lance.
"Baka Kai'sa god 'to" mayabang kong sabi.
"Wag ban yas HAHAHAH" cancer talaga e.
"Hala baka di ko mapatay adc nila a" sabay takip sa bibig.
"Bakit?" tanong niya.
"E kapanagalan ng crush ko yan e" sabi ko.
"Draven amp, wag ka mag-alala ako ang papatay d'yan HAHAHAHA" sabi niya.
"Hala s'ya oh" ani ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawa niya.
"Ingay mo start na" sabi ko.
Nasa kalagitnaan kami ng laban at malapit na manalo.
"double kill"
"triple kill"
"quadra kill"
"Gago penta 'to asan na si Draven" sigaw ko.
"penta kill"
"King ina mo draven porket kapangalan mo yung crush ko akala mo di kita papatayin ha" sigaw ko ng may biglang umupp sa katabi kobg PC.
Nakita kong umupo si Draven, yung crush ko ha hindi yung hero. Gago narinig ba niya? nakakahiya sheeeeeeeettt!!!
YOU ARE READING
I'm in love with a Gamer
De TodoA girl named Kai'sa Grace Stewart is a senior high school student who fell in love with her co-gamer.