Sa mga sumunod na araw ay naging busy na kami sa pag-aaral. Hindi ko na rin masyadong nakikita si Draven, kabibilang gawain kase ang ginagawa namin. May sayaw dito, recitation dun, may play pa at kung ano ano pang mga gawain.
Lumipas ang isang buwan na ganon lang ang ginagawa namain. Paminsan minsan naman ay nakikita ko si Draven pero sa malayo nga lang.
Minsan nga ay napanood ko siyang sumayaw tuwang tuwa ako kase parang kahoy na nakatayo lang HAHAHAHAHA. Hindi pala soya marunong sumayaw.
"Kai may tournament daw ng ML next week a, sali tayo" sabi ni Lance habang nag iimis na ako ng mga gamit ko dahil katatapos lang ng klase.
"Tayo lang dalawa?" tanong ko.
"Tanga ka ba? syempre may kakampi tayo" sabi niya.
"E sino?" tanong ko.
"Pre" may tinawag siya, sila Gilbert pala tsaka yung isa niyang tropa. "Si Gilbert at Riley nga pala" pagpapakilala niya.
"E diba siya yung loko loko?" sabay turo kay Gilbert.
"Grabe ka naman sa loko loko" depensa niya sa sarili niya sabay taas ng dalawang kamay.
"Apat lang naman tayo a, kulang pa rin" sabi ko.
"Chill ka lang Kai isasali ko yung bebe ko" ani Lance.
"Sino? yung grade 9?" tanong ko.
"Oo" sabi niya.
"Ano ngang pangalan nun?"tanong ko ulit.
"Chelsea" sagot niya.
"Ahhh okay" ani ko.
"Tara na para makapag practice man lang tayo" sabi ni Gilbert.
Lumabas na kami at pinuntahan namin yung bebe ni Lance. Wala raw sa classroom si Chelsea kaya pinasunod na lang ni Lance sa garden.
"Ang tagal naman ng bebe mo Lance" naiinip na sabi Riley.
"Intay lang pre" sabi niya.
May isang linggo rin kaming pahinga sa pag-aaral dahil katatapos lang ng exam namin, puro pag check lang ng test paper ang gagawin namin kaya marami kaming free time. Bukod dun ay may tournament next week, suportado ng school namin ang mga ganong event kaya gandang ganda ako sa school na 'to.
"Ayan siya" sabi ni Lance at napalingon kaming tatlo.
"Hiii" bati niya saamin, maganda siya ha magaling pumili si Lance.
"Hello" bati naming lahat.
"Tara start na agad kating kati na akong mandurog" sabi ni Gilbert habang nagpapa putok ng mga daliri.
"Yabang mo namang ethics ka" sabi ko sa kanya.
Nagsimula na kaming maglaro at nakailang panalo kami. Magagaling sila maglaro ha, siguradong hindi kami mahihirapang manalo sa tournament.
"Nice game mga lods" sabi no Gilbert.
Nag apir kaming lahat at napag desisyonang umuwi na.
"Bye guys" paalam ni Gilbert at Riley.
Kami na lang tatlo ang natira sa garden. "So ano ako? Third wheel?" sabi ko ng pabulong habang naghaharutan yung dalawa.
"Hoy Kai intayin mo'ko rito ha? ihahatid ko lang sa sakayan si Chelsea" sabi niya.
"Sige sige dalian mo" inirapan ko siya at umalis na sila.
"Hay nako mag isa na naman ako kailan ba ako magkakabebe?" sabi ko sa sarili ko nang may biglang may pumtak sa ulo ko.
YOU ARE READING
I'm in love with a Gamer
LosoweA girl named Kai'sa Grace Stewart is a senior high school student who fell in love with her co-gamer.