"Sigurado ka ba gege na pupunta ka talaga sa probinsya ng Lola mo?"Napabuga naman ako ng hangin ng matapos ko nang ilagay lahat ang aking bagahe sa truck ni uncle rhel."Oo joy.Kailangan kong talagang makapag isip isip." Tumaas ang kilay nito saka namaywang.
"Hindi mo ba magagawa dito iyun!?" Nilingon ko ito habang inaayos ang buhok kong basa na dahil sa pawis.
"Hindi.At saka kailangan ko talaga ng peace of mind kahit sandali lang."
"Dahil ba sa mga manliligaw mo na walang ginawa kundi guluhin ka?O dahil sa hindi mo talaga matangap at sumasakit iyang puso mo dahil wala talagang prince charming na inaakala mo?"Napakurap kurap naman ako habang tinitingnan ito.
" Wag kang maluha luha.Wala naman akong ginagawa."
"Akala mo lang wala.Pero meron!!meron joy"Kinuha ko ang panyo sa bulsa saka pinunasan ang pawis ko sa noo." At saka himbis na pinapagaan mo ang damdamin ko,pinapasakit mo lang ito.Anong klaseng kaibigan ka?"Panunumbat ko rito.
"Wow!!Big word!!Wag kang magdrama dyan, hindi ka artista."
"Ay ewan ko sayo.Bakit kasi ang tagal ni uncle lumabas!"
"Kilala mo naman iyong uncle mo na iyun,pag nag popo mahigit isang oras."Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa truck.
"Mahuhuli na nito ako sa flight eh!!"
"Wag kang feelingera beshy.Sa barko ka sasakay hindi sa eroplano.Ano yan mayaman lang ang peg?"
"Wag mo nga akong kinokontra nakakainis ka na ah!"
"Well ayaw lang kitang masaktan friend.Dahil sa pag dadaydreaming mo,ayan tingnan mo naging resulta.Tskk!Tskk!Tskk!" Iling ng iling ito habang nakangisi.Sana matuluyan!Tskk!Ano bang masama roon?Sabi nga ng commercial ng cream stick,imagine mo ang limit.
"Well may tsismis pala ako sayo friend.I dunno kung basta tsiamis lang to o totoo.Sinabi lang sakin ni baklang inday.Pinagkakalat daw ni Hans na sasagutin mo na daw ito pag balik mo.Alam mo yun!Iyung mga tsismosa nag diwang kasi sa sobrang mo daw pili mapupunta ka lang pala sa bungi."Oo tama ang pag kaintindi nyo bungi si Hans nabungi ito ng nahulog ito sa puno ng mangga ng sabihin kong gusto kung kumain ng mangga.Pagbalik nito imbis na maimpress ako ay lalo akong na depressed.
"Mukhang ayaw ko ng bumalik dito besh!"
"Gaga ka.Iiwan mo kung mag isa dito."
"Eh di sumama ka."
"Ayaw ko din.Balita ko sa probinsya daw ng Lola mo ay may maraming aswang.Mag iingat ka doon beshy baka pagbalik mo..Aswang ka na din."Hinila ko ang kulot at sabog nitong buhok.
" Nagpaniwala ka naman dun!?Tssk!"
"Masakit gege ha!!Pero beshy mamimiss kita agad,wala na akong feelingera at illusionadang mapagsasabihan dito!!" Ngumuso ito.Napangiwi naman ako dahil sa imbis magmukha itong cute,nagmukha itong pato.
"Mamimiss din naman kita loka ka!Doon ka muna sa mga barkada nating bading sa ngayun."
"Ano pa ba ang magagawa ko."
"Tayo na iha!!"Anyaya ni uncle at agad na sumakay.Hay!!Salamat naman dahil matapos na din ito.
" Soo paano!?Babye na!!"Pumasok na ako sa loob ng truck at kumaway kay joy.Nabigla naman ako at muntikan ng mapasigaw ng may biglang humila ng kamay ko.Nang tumingin ako sa baba..Si Hans.Maluha luha.For packing tape!!Yung mukha dre,yung mukha!!
"Kailangan mo ba talagang umalis amor?"See?May pa amor amor pang nalalaman.
" Oo eh!"
"Paano na ako!?Iiwan mo na ba ako!?"Magsasalita sana ako pero hindi ko matuloy.Ano ba ang sasabihin ko sa bansot na ito?Sasagot na sana ako ng hilahin ito ni joy.
" Hoy Hans!Akala mo parang kayo na ni beshy ah!Makapag emote ka,para kang jowa na mawawalay ang minamahal."
"Eh minamahal ko naman talaga sya ah!?"
"Oo nga pero ipa alala ko lang sayo hindi pa kayo.Kaya nga aalis si beshy dahil sayo eh.Naku ang sarap mong itapon sa manila bay."
Napalingon ako kay uncle ng kinalabit ako nito.Nagtataka ko naman itong tiningnan.Suminyas ito ng aalis na at may paturo turo pa ito sa orasan.
Napalabi nalang ako."Sige aalis na kami beshy,Hans!"Tumango ako sa dalawa.Lalapit pa sana si Hans ng pigilan ito ni joy at pinandilatan ng mata.
"Sige beshyy!!Ingattt kaa!Pasalubong ko aah!!" Umandar na ang sasakyan.Tumango tango lang ako rito.
"Amorr!!Mahal kita.Wag mo akong ipagpapalit sa iba haa!!?"Naku!Kung may malaprinsepe doon sa probinsya ni Lola ay wag ka ng umasa hans.Pero sigurado naman akong wala.Kaya no choice!!Huminga nalang ako ng malalim.Nilingon ko pa sila sa huling sandali.Mamimiss ko sila.
———
"Nandito na tayo miss!" Puna sakin ng tricycle driver.Nakangiti ko naman nilibot ng paningin ang harap ng bahay ni Lola.
"Magkano po kuya!?"Bumaba na ako at agad kinuha ang mga bagahe ko.Nagsisi tuloy ako kung bakit nagdala ako ng maraming gamit.Daig ko pa ang naglayas at hindi na babalik.
"Seventy lang para sa magandang dilag na kagaya mo miss!!" Ngumiti ito ng parang manyak.Napangiwi nalang ako.Grabe!Pati ba naman ang driver?
Dumukot ako sa bulsa at agad inabot dito.Takte!Nanchansing pa,kaloka!agad kung kinuha yung kamay ko at agad tumalikod.Hindi na inantay ang sukli.
"Miss!!Yung sukli mo!!"pahabol na sigaw pa nito.Hindi ko na pinansin at agad binuksan ang lumang gate ni lola.Hirap na hirap pa akong pumasok dahil sa mga bagahe ko.Napabuga nalang ako ng hangin ng magtagumpay ako.
Nakangiti kung nilibot ang paningin.Magandang kapaligiran,puno ng sariwang hangin,lumang bahay ni lola.Namiss ko ito kahit bata pa ako nung huli kong punta dito.Nandito kasi lahat ng ala ala ko kay mama.
Hinanap kaagad ng paningin ko si lola sa paborito nitong tambayan na matatanaw mula rito.Ngunit wala ito roon.Baka nasa loob?
Nagsimula na akong maglakad papunta sa bahay.Bawat pag apak ko sa mga dahon ay nag bibigay sakin ng kakaibang pakiramdam.Para bang ako si alice in the wonderland.Napahinto naman ako at inalog alog ang ulo.Nagsisimula ka na naman sa pagkafeelingera mo gege.
" Apppppoo!!"Nagitla naman ako ng may sumigaw ng malakas.
"Lolaaaaa!!" Masaya akong kumaway dito.Iniwan ko muna ang bagahe ko at patakbong nilapitan si lola.Aba ang Lola ko hindi din nagpahuli at gumaya din sakin.Napatawa naman ako sa galak ng magkayakapan na kami sa wakas.
Napangiwi naman ako sa aking naamoy."Ano ba yan lola, saan ka ba galing!?"
"Sa likod bakuran apo.Nagtanim."
"Ahh!Kaya pala amoy lupa kayo.Pero di bale na nga, namiss ko po kayo lola!!"
"Namiss din kita apo.Sobra"
YOU ARE READING
"Wish on the Well"
FantasyGeria ghez Santiago a.k.a Gege was NBSB.Wala na itong tanging gustong hilingin kundi ang magka boyfriend ng malaprinsepe ,maginoo,matapang at gwapo na lalaki.In other word..Feelingera at illusionada ang lola nyo. Marami ang nagkakagusto at naghahab...