Nagising nalang ako sa huni ng ibon.At sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.Pakurap kurap kong tinitigan ang nasa harapan ko.Natulala hanggang mag function sakin ang nangyari.
"Nasa langit na nga ako." Kay gandang pagmasdan ang payapang langit at ulap.Parang paraiso.Pero hindi pa sana ako handa para rito.
Ngunit anong magagawa ko!?Nahulog ako sa balon!!Kasalanan iyun ng madulas na balon.
Paano pala kung magkatotoo ang hiling ko?Saan ako hahanapin ng prinsepe ko?
Puro ka prinsepe gege.Iyan tuloy ang kinanghantungan mo.Napaaga ang pag punta mo sa langit.Sita ko sa sarili ko.
Napaluha luha naman ako habang tinitingnan parin ang kalangitan.Hindi manlang ako nakapag paalam kay lola na mamatay na ako!Nauna pa ang maganda nyang apo.Tapos hindi ko na mababalikan si joy.Sigurado akong magdradrama iyun.Pati si Hans na kawawa, wala nang gege na sasagot rito.
"Whaaaahh!!Huhuhuhu!!"Paos na atungal ko.Ano pa ba ang magagawa ko maghihintay nalang ako kay San Pedro.
"Oww!Its a beautiful world,its a beautiful life.Akoy patay na at wala ng buhay!!Oww!It's beautiful world, its a beautiful life—"Napatigil naman ako sa pagkanta na kanina ko pa ginagawa ng may narinig ako.Parang tunog ng mga paa ng kabayo.
Nagitla at nanlalake ang mga mata ng may narinig pa akong boses ng mga tao.Sumisigaw.Lumingon ako sa bandang kaliwa kung saan ko naririnig ang mga ito.
" Ah!!Arayy!Ang leeg ko!!"Hahawakan ko sana ito ng napasigaw din ako dahil nakaipit ang kanan kong kamay.Dahan dahan kong tiningnan ang sitwasyon ko.At sa nakikita ko hindi maganda ang lagay ko ngayun.
Matutuwa na sana ako dahil hindi pa ako patay pero sa sitwasyon ko ngayon mukhang doon parin ako papunta.May nakaharang sa leeg ko na maliit na sanga.Yung mga binti ko nasa gitna din ng malalaking sanga.Nasa isang malaking puno ako.At sa tingin ko hindi na ako makakaalis dito.
"Tulonggg!!Tuloongg!!A-arayy!!Mga kuya tulooong!!"Sigaw ko sa mga taong nakasakay sa kabayo na natatanaw ko papunta sa direksyon ko.
" Putakteng puno to oo!!"Sinubukan kong magpumiglas.
"Tuloong!!"
Napahinto ang mga ito ng sumenyas ang nasa gitna nila.Hindi ko makita ang mukha ng mga ito dahil may mga suot sila sa ulo.Nilinga nila ang paligid.Mukhang hinahanap ang sumigaw.Patuloy lang ako sa pagpupumiglas hanggang sa..
"Ahhhhhhhhhh!!"
Napabuga nalang ako ng hangin sa sobrang kaba akala ko mahuhulog na ako.Pero hindi parin iyun malabong mangyari.Napatingin ako sa itaas kong saan ang isang paa ko lang ang nakasabit doon.Napalunok nalang ako.
Lumapit ang nasa gitna papunta sakin habang tinitingnan ako sa itaas.Hindi ko alam kung ano ang reaction nito.Kung ito ba ay seryoso,naaawa o natatawa sa sitwasyon ko ngayun.Paano ba naman ang isang katulad ko ngayun ay nakasabit na sa puno.Grabe ang naranasan ko sa araw na ito.Kung nandito lang si joy tiyak na pagtatawanan nito ang nangyari sa akin.
"Tu-tulo—Aghhhhhhhhh"Nag give up na iyung paa ko.Mahuhulog na talaga ako.Naramdaman ko nalang ang matigas na bagay na sumalo sa katawan ko.Pero hindi ko na ito pinagtuonan ng pansin dahil alam kung katapusan ko na talaga.Hanggang sa nawalan ako ng malay.
—————
" Hey!! ibalik mo sakin iyan jarred..ako ang unang nakakuha ng magandang patalim na iyan."Fin shout.
"Nyenyenyee!!Eh sa nandito na sa akin eh!Hindi na sayo to!This is already my property."
"Kuya jaze oh!!Si jarred!Dapat parusahan iyan pagdating sa palasyo!Inaagaw nya ang pag aari ng prinsepeng kagaya ko!!"
"Stop that,the two of you!!Dapat umarte kayo na tunay na prinsepe at hindi mga batang isip bata na kulang nalang ay magkaroon na ng karamdaman.May mga kawal sa paligid mahiya kayo!"Mahinahon ngunit may diin na saad ni Ares.
"Oo na cousin naming masungit.Na Walang ibang ginawa kundi pagsabihan kami."jarred said.Mahinahon naman akong lumanghap ng sariwang hangin.
" Ibigay mo na kay fin iyan jarred para matapos na ang pag dedebate nyo."Mahinahon kung saad.
"Oh ano!?Ibigay mo na daw sakin iyan sabi ni kuya!The future king!Ano!?" Itinapon ni jarred ang patalim.Dumaan ito sa mukha ko ngunit hindi ko alintana,Ewan ko nalang sa kapatid ko.
"Jarrreeedd!!!!" Buong lakas na sigaw nito.Tumawa ng malakas si jarred pero nung makita nito ang matalim na titig ni Ares ay agad din itong nanahimik.
"Saan ng galing ang patalim na iyan fin!!"Malamig at seryoso kong tanong.Nilingon ko ito.Ngumuso naman ito tumingin tingin sa paligid.
" Alam mo mo kasi FUTURE KING ninakaw iyan ng kapatid mo sa palasyo ng Harvienter habang tayo ay nakikipaglaban ay iba naman ang kanyang pinagkakaabalahan.Tama ba ako fin!?"
"Ang gawain lang natin ay sugpuin ang kawal ng harvienter at wala sa plano ang magnakaw ng hindi natin pag aari fin!"
"Alam ko kuya!!Pero ang ganda kasi kaya kinuha ko!"
"Hindi sapat na rason iyan fin.Paano kung pag aari iyan ng reyna zxhyrie.Magkakaroon ng pagdanak ng dugo sa dalawang kaharian."Galit na saad ni ares rito.Napayuko ito.
"Mukhang may mapaparusahan." Inosenteng saad ni jarred.Tiningnan naman ito ng masama ng kapatid ko.
Pinatigil ko sila ng may marinig ako.Isang boses ng babae.
"Tuloong!!" Nangunot ang aking noo gayun din ang mga kasama ko.Tiningnan ko ang paligid ngunit wala akong makitang tao.
"Ahhhhhhhhhh!!"May nakabitin na babae sa puno kaya dali dali ko itong nilapitan.Napatiim baga naman ng makita ko ang mukha.Kahit nakabaliktad ito ay namumukhaan ko parin ang mukha nito.
"Tu-tulo—Aghhhhhhhhh"Mabilis ko itong nasalo.Pigil hininga ko itong hinigpitan ng yakap.
"Ang aking prinsesa.Dumating ka!"Bulong ko dito.
YOU ARE READING
"Wish on the Well"
FantasiGeria ghez Santiago a.k.a Gege was NBSB.Wala na itong tanging gustong hilingin kundi ang magka boyfriend ng malaprinsepe ,maginoo,matapang at gwapo na lalaki.In other word..Feelingera at illusionada ang lola nyo. Marami ang nagkakagusto at naghahab...