Kasalukuyan ako ngayung naglalakad sa gitna ng pasilyo kasama ang servant na si yrra.Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi nito kanina.Servant! ito!?Hindi kapanipaniwa.
Iling iling ko nalang itinuon ang pangingin sa aming dinadaanan.Kanina pa kami naglalakad pero hindi ko malang alam kung saan kami pupunta.Shookist to oo ..
"Yrra!" Napahinto naman ito at takang nilingon ako.
"My lady!?"
"Tanong ko lang.Wala naman siguro kayong lahing engkanto no!?"Nangunot ang noo nito na para bang hindi nito naintindihan ang sinabi ko kaya ngumiti lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Napayakap naman ako sa sarili.Wala syang sinabi.So ibig sabihin engkanto sila!?Whaaahh!!Creepy!!Bumaba na kami sa hagdan at dumaretso sa isang nakasaradong malaking pinto.
Humarap ito sa akin ng may pag aalalang mukha." My lady, sa oras na pumasok kayo sa loob nais ko lang po kayong papaalalahanan na mag iingat po sa inyong kilos..Hindi basta bastang na nilalang ang inyong makakaharap."
Nagpanic naman ako.Tumalikod naman ito at handa ng buksan ang pinto ng pigilan ko ito.
"Ba-Bakit ano ba kayo!?" Magsasalita na sana ito ng biglang napatigil at napayuko.
"Isa kaming nilalang na kayang kaya kang paslangin sa isang iglap!!" Agad akong napaharap sa lalaking bumulong sa aking tenga.May mapaglarong ngiti ito habang nakatingin sakin.Napatulala nalang ako rito.Damn!!Ito na ba ang prinsepeng para sa akin.Mukhang napansin nito ang lapit ng aming mukha kaya tumikhim ito at umatras.
"Stupid!!"Iling iling ito ng naglakad at itinulak ang pinto saka preskong naglakad papasok.Napansin ko din ang suot nitong na parang prinsepe katulad ng nakikita ko sa mga pelikula.
Napakurap kurap naman ako ng maalala ko ang sinabi nito.Ano stupid!?
" Aba gagong yun ah!!"Papasok na sana ako upang hamunin nalang ito ng suntukan ng pigilan ako ni yrra.Mariin ito ng umiling.Saka ko lang naalala ang paalala nito.Ngumiti naman ako ng alanganin rito.
"Hindi ka ba sasama sa akin!?"
"Hanggang dito nalang ako my lady!?"
"Pero bakit!?Paano nalang kung sakmalin ako sa loob!?E di wala akong ipapain!?I mean wala akong kakampi!Hehehe!" Napakamot nalang ako sa noo.
"Hindi po kayo pababayaan ng aming magiging hari!Pumasok na po kayo at baka naiinip na sila my lady"
"Inuutosan mo ba ako!?"Nangamba naman ito.
" Naku!Hindi po—"Napatawa naman ako.
"Nagbibiro lang ako!!Ang ganda mo talaga!" Napaharap naman ako sa harap.Napabuntong hinga habang kumukuha ng lakas ng loob.Tandaan mo gege maganda ka lang pero hindi ka duwag.Tama kaya mo to.
Naglakad na ako papasok natanaw ko naman ang mga taong nakaupo sa mahabang mesa at lahat sila nakatingin sa akin.
Napalunok nalang ako.Dali dali akong tumalikod at babalik na sana palabas ng narinig ko ang nakakapangilabot na tinig.
"Where are you going!?"Humarap ako sa kanila at alanganing kumaway.
" Hello!!"Dahan dahan akong pumunta sa kinaroroonan nila.Habang tinitingnan ko sila ay parang gusto ko nalang tumakbo at magtago mula rito.Napalunok nalang ako ng makarating na ako sa harap nila.
Isininyas ng lalaking nagsabi sa akin ng stupid ang upuan sa gilid nito.Nakangiti pa ito habang itinataas taas ang dalawang kilay.Napaismid nalang ako.Lumapit ako rito at aktong uupo na ng mapansin ko ang lalaking matiim na nakatitig sakin.Nang magtama ang aming mata nakaramdam bigla ako ng kakaiba at sumikip nalang ang dibdib ko.It feels like para bang nakita ko na ito noon.
May tumikhim kaya napatingin ako rito.Ito yung lalaking bigla nalang pumasok habang kausap ako ni yrra at masama ang tingin nito sakin.
"Maupo ka na!!"
"Huh!?Ah oo!!" Napakurap kurap nalang ako at umupo na rin.
Mayroon mga magagandang dyosa na nagsilapit samin habang may dala na ibat ibang masasarap na pagkain.Napakurap kurap ulit ako at napalunok ng ilang beses.Feel ko nga malapit na magsitulo ang mga laway ko.Sinampal ko ng malakas ang pisngi ko at paulit ulit na umiling.
Nakakahiya ka gege hindi laglalaway ang mga magaganda,sila dapat ang maglaway sayo—I mean sila dapat ang maglaway dahil mga pangit sila.
Napapikit nalang ako ng mariin.Alam mong hindi iyon totoo gege kapag nandito si joy sigurado akong nahimatay na iyun.Napatingin naman ako sa mga taong nakatitig sa akin na para bang ako lang ang pinakamagandang babae dito.Napatawa nalang ako.Mas lalong nangunot ang mga noo nito.Saka ko lang napagtanto ng mapadako ang tingin ko kay yrra na sumisinyas at umiiling.Hindi ko ito initindi dahil iniisip kong feelingera ko talaga dahil mas maganda kaya si yrra.
"I can't believe this.Human is really stupid!!"Doon na tuluyang nagising ang diwa ko.
Tumayo ako bigla at itinuro ito na syempre ,mayroong maganda paring mukha.Kanina pa sakin ito eh.Ang sarap patulan.Kung nandito lang si baklang inday pinarape ko na ito sakanya kanina pa.
" We are not stupid,Hindi porket engkanto kayo ay pwede nyo na kaming tawaging stupid."
"See!?Tsssk!!"
"Just calm down beautiful lady!!Wag mo nalang pansinin si Cous"Ngumiti ito ng matamis.Who is he!?Napahawak nalang ako sa dibdib.Bakit tumitibok ito?Malamang buhay ka gege kaya tumitibok iyan.Pero ang gwapo nya rin kasi.Hindi!Mag hunos dili ka gege,maganda ka lang at hindi malandi.
" Maari ka ng umupo ulit!"Umupo nalang uli ako at seryosong nakatingin sa kanila.
"Ahh!!We forgot to introduced ourselves. I'm Prince Fin at your service."At saka kumindat sakin.Price Fin?So prinsepe talaga sila?
"Hahahahahaha!!Nakakatawa ka kamahalan!" Nilingon nito ang lalaking katabi ko at tiningnan ng masama.
"What!?wala naman akong ginagawa masama.Hindi lang kasi bagay sayo prince fin,masyado ka pang isip bata."
"You!!!" Inihampas nito ang kamay sa mesa kaya napasinghap nalang ako.
"You two!STOP!!"Nakuha naman agad ng lalaking laging parang galit sa mundo ang aking atensyun.Lumingon ito sa lalaking nasa gitna na sa tingin ko nakita ko na noon.Humingi naman ng tawad si fin rito .Napakunot noo nalang ako.Sino ba sya at para bang-para bang..Ah!basta para bang may something sakanya.Tinitigan ko ito ng mabuti.At isa lang ang masasabi ko,he is perfect.Gwapo,mayroong perpektong jawline,kissable lips na pak na pak halikan.Bakit ang unfair!?Engkanto lang ang gwapo samantala ang mga tao ay parang kwago.
Napailing iling nalang ako.Well syempre hindi ako belong dun dahil ang dyosa ko kaya.Napakaunfair ni god.Naawawa tuloy ako sakanila.
YOU ARE READING
"Wish on the Well"
FantasiaGeria ghez Santiago a.k.a Gege was NBSB.Wala na itong tanging gustong hilingin kundi ang magka boyfriend ng malaprinsepe ,maginoo,matapang at gwapo na lalaki.In other word..Feelingera at illusionada ang lola nyo. Marami ang nagkakagusto at naghahab...