Chapter 4

0 0 0
                                    

Nagising nalang ako sa malambot na higaan.Sa magandang silid kong saan para kang nasa isang palasyo at mayroon din itong maliit na chandelier na nakasabit sa kisami.

"Nasaan ako!?"

Inalala ko ang nangyari sakin kanina.Nahulog ako mula sa balon tapos nahulog uli ako sa puno,bakit ba parati akong nafafall!?

Umupo ako at tiningnan uli ang paligid.Sa pagkakataon na ito,para talaga akong nasa palasyo.Hindi kaya bahay na ito ni god!?

Siguro!?Nangilid naman ang luha sa mga mata ko,hindi dahil sa nasasaktan ako,kundi dahil sa pinapasok parin ako ni god.Ang bait talaga nya,sya na talaga!!

Napalingon nalang ako sa harap ng bumukas ang pinto.Pigil hininga kong inaabangan ang pagpasok ng isang tao,hindi ng isang anghel mula rito.

Napanganga nalang ako ng isang babae na may magandang ngiti at mukha ang bumungad sakin.Dyosa ba sya!?

"Magandang umaga my lady.."

"Ohh!" Wala akong masabi.Isang dyosa, yumuyuko sa harap ko?Nag iilusyion ka na naman siguro gege.Tinampal tampal ko ang mukha ko..

"Naku my lady, wag nyo pong saktan ang inyong sarili."Kumurap kurap naman ako,totoo nga!!

" Don't worry nasaktan na ako ng lubos.Wala lang sakin ito."

"Ho?" Bakas sa mukha nito ang pagtataka.Ngumiti ako ng may pag aalangan.

"I mean sino ka!?"Ngumiti ito ng malapad.

" Yrra pearl my lady,your servant."Yumuko uli ito.

"Se-servant!?As in katulong!?"

"Opo!" Biglang nagising ang kaluluwa ko.Kinurot ko ng madiin ang braso ko upang malaman kung nanaginip lang ba ako o kung ano.

Napahiyaw naman ako sa sakit ng maramdaman ko ang sakit.Tanga ka gege totoo to at sinaktan mo lang naman ang sarili mo.

Nag panic naman ito at hindi alam ang gagawin.

"Ok lang po ba kayo my lady?May dugo po ang braso nyo!" Makikitaan ng pag aalala ang mukha nito.Napatulala uli ako ng hawakan nito ng marahan ang braso ko.

Bigla nalang pabagsak na bumukas ang pinto,pumasok ang isang lalaking matipuno,omghe besh ang gwapo.Napalunok nalang ako ng di oras.Double na ang pagkatulala ko ngayun.

"What the hell is happening!!?"Yumuko uli iyung dyosa.

" Your highness.Patawad po ngunit hindi ko po alam kung bakit nito sinaktan ang kaniyang sarili."Nanatili parin nitong nakayuko.

Dumako ang tingin ng gwapong lalaki sa akin.Kinabahan naman ako.Anong ibig sabihin ng your highness?Isa ba syang dugong bughaw?isang prinsepe?Nanuyo naman ang lalamunan ko.Magsasalita sana ako pero hindi ko matuloy tuloy.

Tiningnan lang ako nito ng may malamig na mata.Na para bang inaalisa ang buong pagkatao ko..

"Maybe she is still in process.Ikaw na ang bahala sa kanya.Just make sure she dont do stupid thing in front of our future king."

"Yes your highness!!" Kung gaano kabilis itong pumasok sa loob ay ganun din ito kabilis lumabas.Hindi ko maprosseso ang sinabi nito.Nakatulala ko ng tiningnan ang magandang babaeng nasa harapan ko.

"My lady?" Napabuga nalang ako ng hangin.Binabawi ko na ang sinasabi ko na isa syang prinsepe,isa syang arogante.Akala ko pa naman nag katotoo na ang hiling ko.

"Ano daw stupid?Aba gago yun ah!Sa buong buhay ko hindi pa ako pinag sabihin ng ganun ng mga taong nakakasama at nakakahalubilo ko!!"

"I'm sorry my lady.Sa inasal ni prince Ares sa inyo."

"Stop!!"Magsasalita uli sana ito ng inunahan ko na ito.

" Nababaliw ka na ba?Wala sa katinuan?May sayad?May saltik!?Pati ba ang mga tao rito?Nasaan ba talaga ako!?Anong lugar ito?Nasa langit ba ako?Dyosa ka ba?At—"

"My lady hinay hinay lang po sa pagtatanong." Ngumiti uli ito.Ngunit hindi ko ito pinansin.

"At gusto ko lang sabihin na tigil tigilan mo ang kakasabi ng prinsepe.Dahil-"Tinampal tampal ko ang dibdib ko.

" Nasasaktan ako kapag naririnig ko ang salitang iyan."

"Ok po!"Napatulala din ito.Mukhang nawerdohan sakin.

" Ahm tungkol po sa tanong nyo.Hindi po ako nababaliw."Bigla tuloy akong sinapian ng hiya.Isang magandang babae sinabihan ko lang naman ng nababaliw.

"Ganun!Ok!"Napakamot nalang ako ng pisngi at tumingin sa kabila.

"Ganun din po ang mga tao rito.Nandito din po kayo sa Cleveriuz Genivia na sa pamumuno ni Haring Dark Hazur..my lady."Napakunot noo naman ako.

" Cleveriuz Genivia!?Hindi ito langit!?"Napatawa naman ito.Kaya si ako napatulala uli rito.Mukhang nailang ito kaya kunway tumikhim ito.

"Hindi po!" Kung ganun nasaang lupalop ako napadpad!?Napasinghap naman ako ng may napagtanto,hindi kaya mundo ito ng mga engkanto!?Kung ganoon paano ako makaka alis dito ngayun!?

Parang nababaliw kong ginulo ang buhok.Para akong maiistress sa mga nangyayari.

"Ahm!Mylady hindi ko po nais na kayo ay gambalain ngunit kailangan nyo nang pong mag ayos upang makadalo kayo sa pagtitipon ng mga prinsepe.Doon nyo rin malalaman ang mga katanungan na nais nyong malaman."Lutang akong tumingin dito.

" Huh!!?"Ngumiti lang ito.

"Wish on the Well"Where stories live. Discover now