AGAD sinalubong si Adam ng high-five ni Page, saka sumabay sa kanya ito sa paglalakad.
"Musta? Hindi ka namin nakita nitong mga nakaraan araw ah," anang kaibigan.
"Umuwi ako ng province, death anniversary kasi ni Nanay."
Napalingon siya kay Page ng umakbay ito.
"Have you heard the news?"
Napakunot-noo siya saka marahan umiling. "Bakit? Anong nangyari noong wala ako?"
"The royal Princess is back."
Napaisip siya. "Royal Princess?" nagtatakang ulit niya.
"Nadia Chua, bumalik na siya two days ago," sabi ni Page.
Natigilan si Adam. Muli siyang napalingon sa katabi ng bungguin nito ang siko niya.
"Natahimik ka na diyan. Alin sa dalawa? Nagulat ka sa sinabi ko, o nakalimutan mo na si Nadia, at iniisip mo kung anong itsura niya?"
Napangiti siya. "Natatandaan ko siya, how can I forget?"
"Oo nga naman, how can you forget the woman you first loved and broke your heart," anang kaibigan.
"It's all in past, Pare. Kinalimutan ko na 'yon, bata pa ako noon masyado."
"Ibig sabihin wala ka ng feelings sa kanya?"
Hindi na sumagot si Adam, hindi rin kasi siya sigurado sa isasagot. Wala na ba talaga? Hindi na rin siya kinulit ni Page, at tuluyan na nitong iniba ang usapan pagkatapos.
Habang naglalakad ay natanaw na ni Adam ang mga kaibigan nila na
naghihintay sa tapat ng Paraiso ni Olay Sari-Sari Store. Miyerkules ng araw na iyon kaya may pasok silang lahat sa Ji Hye International University. Nakahilera sa gilid ng kalye ang kotse at motor ng mga kaibigan. May sira ang kotse niya at nasa talyer pa rin iyon, kaya makikisabay muna siya sa mga kaibigan. Nang makalapit ay binati nila ang isa't isa ng high-five.
"Pare, musta?" tanong sa kanya ni Dawson.
"Okay lang," sagot ni Adam.
"Kailan ka pa nakauwi? Musta doon sa province n'yo?" tanong naman sa kanya ni Ren, ang panganay na anak ni Roy at Panyang Cagalingan.
"Ganun pa rin, simple pa rin ang buhay. Tahimik, na-miss ko ang klima doon kaya nag-stay pa ako ng dalawang araw."
"Next time, pare, magsasama ka. Bigla ka na lang nawawala eh, nagte-text ka kapag on the way ka na eh," reklamo naman ni Aven, ang bunsong anak ng mag-asawang Chef na si Rio Vanni at Madi Cruz.
Napangiti na lang siya saka umiling. Matagal ng gustong makapunta ng mga kaibigan sa lugar nila sa Bontoc, Mountain Province. Ilang beses na rin silang nagplanong pumunta doon pero hindi natutuloy dahil sa conflict ng schedule nila sa University.
"Para naman hindi mo kilala si Adam, kapag death anniversary ng Nanay niya. Gusto n'ya na mag-isang uuwi," sabad ni Steven, ang anak ni Dingdong at Chacha Santos.
"Hayaan mo, itong darating na summer vacation, push natin na matuloy ang pagpunta doon," sabi pa niya.
Ngumisi si Aven saka nakipag-high five sa kanya.
"Oh, Page, nasaan ang kotse mo?" tanong ni Hajime Kento, ang kaibigan nilang half-Japanese. Gaya niya at ni Dawson. Sampung taon silang tatlo ng mapadpad doon sa Tanangco.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"I will never let go of this hand. If you find the situation too hard for you. Then, share your pain with me. You don't have to be alone anymore." Teaser: A Princess' Confession I am broken inside. I wanted to scream. I even cried out for help, bu...