NATIGILAN si Nadia ng salubungin siya ng mga kababata ng mahigpit na yakap. Wala siyang narinig sa mga ito na kahit ano, ni walang nagtanong kung okay lang siya. Walang nangahas na nagtanong kung bakit niya tinangkang magpakamatay. Walang nagsermon at nagpangaral sa kanya. Ngunit sa pamamagitan ng mahigpit na yakap. Naiparamdam kay Nadia ng mga ito ang pang-unawa. Isang bagay na labis niyang pinagpapasalamat.
"Grabe, namiss ka namin!" masayang sabi ni Jamila.
"Sorry kung ngayon lang ako nagpakita... tapos ganoon pa 'yong ginawa ko," nahihiyang sagot niya, saka malungkot na ngumiti.
Napalingon siya kay Nigella ng yumapos ito sa braso niya.
"Hey, let's not talk about that, okay? Ang importante, ligtas ka, okay ka! And let's catch up!" sabi pa nito.
"Tama!" sang-ayon naman ni Karin.
"Nami-miss ko na 'yong favorite bonding natin!" sabi pa ni Julianna.
"Ay, oo nga! At malapit na ang birthday ni Mommy! Ang sabi nila, may party daw, kaya para masaya, sabay-sabay tayong bumili ng dress!" sabi pa ni Karin.
"Alright!"
"Okay ba 'yon sa'yo, Princess?" tanong pa sa kanya ni Jamila.
"Sure, sabihan n'yo lang ako kung kailan," sagot niya.
Mayamaya ay dumating si Yelena, kasama si Regine at ilan pang mga kababata niyang lalaki. Agad siyang niyakap ng una.
"I'm happy to see you," sabi pa ni Yelena.
"Thank you," aniya.
"Uy girl, kaloka ka! Muntik ng masayang ganda mo, tagal ka ng hinihintay nitong si Adam oh!" walang prenong sabi ni Regine.
"Regine Grace!" sigaw ni Yelena dito.
Napaigtad ito sa gulat sabay hawak sa tenga.
"Aray ko! Nanganib ang eardrums ko, bakla! Sinama mo na rin sana ang apelyido ko!"
Natawa ng wala sa oras si Nadia.
"At puwede ba? Huwag mong isama pangalan ko," sabad ni Adam.
Nanunuksong tumingin si Regine sa huli. "Uy, kunwari ka pa... if I know, pumapalakpak lungs mo noong una mong nakita si Nadia after four years!" tudyo pa nito.
Mabilis na umiwas ng tingin si Adam ng mapatingin siya dito. Gustong
bumalalas ng tawa ni Nadia dahil namumula ang mukha nito.
"Hi-hindi ah!" tanggi nito.
"Teka, bakit lungs ang papalakpak? Hindi ba dapat puso?" tanong pa ng boyfriend nitong si Maceo.
"Lalabs, isa lang ang puso, paano papalakpak 'yon? Ilan ba ang lungs, di ba dalawa?" sagot ni Regine.
"Aray!" biglang sigaw ni Regine matapos ipitin ni Ren ito sa kilikili.
"Kuya! Amoy bayabas kilikili mo!"
"Pasensiya na, Nadia! Teka, ikukulong ko lang muna itong kapatid ko sa hawla kasama ng ibon niya!"
Hindi na niya napigilan ang matawa. Nang mga sandaling iyon, na-realized ni Nadia kung gaano niya na-miss ang masayang lugar ng Tanangco. Ang mababait at masayang mga kaibigan. Ilang sandali pa ang lumipas ay lumabas ang Mommy niya dala ang cellphone at tila may kausap. Lumapit ito sa kanya, saka inabot iyon.
"Ang daddy mo, kausapin ka daw," anito.
Kinuha niya ang phone at bahagyang lumayo.
"Dad," sabi niya.
"Kumusta ka na, Princess?" tanong nito sa kabilang linya.
"I'm okay, Dad. I mean, for real," sagot ni Nadia.
Narinig niya na huminga ito ng malalim na para bang nakahinga ito ng maluwag.
"Anong ginagawa mo?"
"Nandito po sa labas," aniya.
"Kasama mo ang mga kaibigan mo?"
"Opo."
"That's good iha, tama na makihalubilo ka sa kanila. Makakabuti 'yan sa'yo. Pero kailangan pa rin natin ituloy ang check up mo sa psychiatrists."
"Yes Dad, don't worry. I will go," sagot niya.
"You're doing good, anak. I'm proud of you."
Napangiti si Nadia sa narinig. Gusto niyang maiyak sa narinig mula sa ama. Kaytagal niyang inasam na marinig iyon mula dito. Matapos makipag-usap ay agad siyang bumalik sa mga kaibigan. Napakunot-noo si Nadia ng mapansin na may kausap na babae si Adam. Mas maliit ito sa kanya ng konti at maigsi ang buhok. Nang mapatingin sa kanya ang babae ay pumormal bigla ang ekspresiyon ng mukha nito, hindi gaya ng habang kausap nito ang binata.
"Sino 'yon kausap ni Adam?" tanong niya kay Julianna.
Lumingon ito sa gawi ng binata.
"Ah, si Roxy. Kaibigan ni Adam, bestfriend niya."
"Kaibigan n'yo rin?" tanong niya.
"Hindi, kilala lang namin siya dahil tag-rito din 'yan sa Tanangco. Pero hindi kami close."
Nang mapalingon sa kanya si Adam ay agad itong ngumiti. Mabilis itong lumapit sa kanya, saka siya hinila.
"Nadia, si Roxy pala kaibigan ko," pagpapakilala nito.
"Bestfriend," pagtatama ng babae.
"Hi, nice to meet you," sabi niya, sabay lahad ng kamay.
Hindi alam ni Nadia kung hindi lang napansin ni Roxy ang kamay niya o sadya nitong hindi tinanggap ang pakikipagkamay niya. Dahil bigla na lang itong tumalikod sa kanya at humarang sa gitna nila ni Adam.
"Adam, ano na? Halika na, samahan mo na ako!" nagmamaktol na sabi ni Roxy.
Ibaba na lang niya ang kamay na nabitin sa ere ng bigla iyong hawakan ni
Adam, pagkatapos ay tumabi ito sa kanya.
"Babawi ako next time, plano ko kasing imbitahan si Nadia sa bahay eh," sagot nito.
Agad sumimangot ang babae. Halata na hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Adam. Pairap siyang sinulyapan nito ng tingin bago basta na lang nag-walk out.
"Galit ba siya sa akin?" tanong pa niya.
"Hindi, huwag mong intindihin 'yon. Masungit naman talaga 'yon, kaya pagpasensiyahan mo na," sagot ni Adam.
"Okay lang."
"Tara na, doon tayo sa bahay. Pinagpaalam na kita ngayon lang kay Tita Nancy, sabi ko kasi magluluto ako. Eh wala akong kasabay kumain," yaya nito sa kanya.
"Sige," pagpayag niya.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"I will never let go of this hand. If you find the situation too hard for you. Then, share your pain with me. You don't have to be alone anymore." Teaser: A Princess' Confession I am broken inside. I wanted to scream. I even cried out for help, bu...