Chapter Three

804 51 5
                                    

Trigger Warning!

Suicide scenes ahead! If you're suffering from Depression and suicidal. DO NOT READ this part! Please proceed on the next chapter. Thank you.  


**********************************************************


HINDI alam ni Adam kung paano siya makakababa ng building na iyon ng mabilis. Kung puwede nga lang niyang talunin ay ginawa na niya. Sa bawat hakbang ay mas matinding takot at kaba ang nararamdaman niya. He knew it, something is not right when he looked at Nadia on her eyes. Kailangan niyang mapuntahan ang dalaga agad bago pa mahuli ang lahat.

Kagabi sinulat ni Nadia ang huling entry niya sa diary. What she wrote on the last page is an obvious suicide letter. Huminto siya sa pagtakbo ng makasalubong niya si Ren, kasama ang girlfriend nitong si Yelena.

"Oh, dude. Bakit nagmamadali ka?" nagtatakang tanong nito.

"Tulungan mo ako, Ren. Puntahan natin si Princess," humihingal na sagot niya.

"Naks, sabi na eh! May something ka pa rin eh," tukso pa ni Yelena.

"It's not that! Let's go! Baka kung anong mangyari sa kanya!" nagmamadaling sabi niya, saka hinila si Ren.

"Sandali nga, ano ba kasi ang nangyayari? Bakit parang takot na takot ka?" tanong pa ng kaibigan.

"This is Princess' diary, she wrote a suicide letter inside!"

"What?!" gulat na bulalas ni Yelena.

Napamura ng wala sa oras si Ren. "Let's go!"

Agad silang tumakbo papunta ng parking area at agad na sumakay ni kotse nito. Habang nasa sasakyan ay binasa ni Yelena ang nakasulat sa diary. Mayamaya ay narinig na lang niya na umiiyak ang dalaga.

"Bilisan mo, Ren. Baka kung ano ng nangyari kay Princess!" sabi pa nito.

Nang makarating sa Tanangco, agad siyang bumaba ng kotse ng makita si Norman na nasa tindahan ni Olay at mukhang papasok ka sa trabaho. Nagmamadali niyang nilapitan ito.

"Kuya Norman, nandito ba si Nadia?"

"Nasa bahay, bakit? Teka, di ba may klase kayo?"

"Mamaya na kami magpapaliwanag, gaano katagal na siyang nakakauwi?" tanong ulit ni Adam.

"Mga isang oras na rin mahigit," sagot ni Norman.

Hindi na sumagot pa si Adam, sa halip ay agad siyang tumakbo papunta sa bahay nila Nadia.

"Teka, sandali, Adam!" habol sa kanya ni Norman.

Ni hindi na nakuhang kumatok ni Adam, basta na lang siyang pumasok sa loob ng magandang bahay ng mga Chua.

"Nasaan ang kuwarto ni Nadia?" tanong agad niya.

"Ano bang nangyayari?!" tanong din ni Norman.

"Nabasa ko ang suicide letter na sinulat ng kapatid mo! Now, tell me, nasaan ang kuwarto nya?"

"Nadia!" biglang sigaw ni Norman at nagmamadaling tumakbo paakyat.

Pagdating sa second floor, sa ikatlong pinto huminto si Norman. Bubuksan sana nito iyon pero naka-lock ang pinto ng silid.

Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon