Warning!
This chapter contains heavy scenes that CAN affect you emotionally & mentally. Please read it carefully and make sure to stop reading and breathe and drink water if you feel heavy in your chest. Thank you.
**********************************************************
PAPASOK na silang dalawa ni Aven sa loob ng main campus ng mapalingon siya matapos mapansin na pumasok ng gate ang kotse ni Regine. Napahinto siya sa paglalakad at sinundan ng tingin ang sasakyan.
"Huy, tara na, hindi ka pa ba papasok? Sabi mo malapit na magsimula klase mo?" untag sa kanya ni Aven.
"Sige na, mauna ka na. Saglit lang 'to, may titingnan lang ako," sagot niya.
Sinundan ng kaibigan ang direksiyon na tinitingnan niya.
"Ah, gusto mong makita si Princess," anito.
"Curious lang ako kung ano ng itsura niya," sagot ni Adam.
"Curious ka o na-miss mo?" nanunudyong tanong nito.
Lumingon siya sa katabi.
"Seryoso, curious lang ako," sagot ulit niya.
Natatawang umiling ang kaibigan. "Sige na, curious na kung curious."
May kung anong damdamin ang tumalon sa kanyang dibdib ng sa wakas ay masilayan niya si Princess. May kung anong pamilyar na kabog ng dibdib ang kanyang naramdaman ng matitigan niya ang magandang mukha ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na apat na taon niyang hindi ito nakita.
Her sweet and innocent face is still the same. Matangos ang ilong nito, manipis ang kulay pulang mga labi nito. Parang mas lalo pumuti ang kulay ng balat nito. Kumpara noong huli silang nagkita, mas mahaba na at kulay tsokolate nitong buhok na may blonde highlights. She's a little taller now, and she walks with grace. Hindi lang sigurado si Adam kung natural ang built ng katawan nito ngayon na may kapayatan. Dahil ang pagkakatandan niya ay medyo bilugan ang pangangatawan ng dalaga. She looks like a goddess glowing while walking under the sun.
Huminto si Regine sa tapat nila.
"Hindi ka man lang ba magha-hi? Tagal ninyong hindi nagkita ah," sabi pa nito sa kanya.
Nang tumingin sa kanya si Princess, hindi alam ni Adam kung madidismaya siya o matutuwa ng bahagyang kumunot ang noo ng dalaga at tila hindi siya makilala. Nakumpirma niya ang pangalawang hinala ng lumingon ito kay Regine.
"Do I know him?" tanong pa ni Princess.
Tumawa ng malakas si Regine. "Loka! Anong do I know him? Si Adam 'yan! Adam Leongson!"
Kitang-kita niya kung paano ito gulat na lumingon muli sa kanya, habang bahagyang nakauwang ang bibig. Tiningnan pa siya nito simula ulo hanggang paa.
"No way," usal nito.
Ngumiti siya sa dalaga. "Nice to see you again, Nadia."
Hindi ito nakasagot dahil halos tulala pa rin ito. Humakbang siya palapit saka hinawakan ito sa baba, sabay sarado ng bibig nito.
"Dahan-dahan sa pagnganga, baka mahipan ka ng masamang hangin," sabi niya, saka tinitigan ito ng husto sa mga mata.
"You're Adam?" hindi pa makapaniwalang tanong ni Nadia.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)
Romance"I will never let go of this hand. If you find the situation too hard for you. Then, share your pain with me. You don't have to be alone anymore." Teaser: A Princess' Confession I am broken inside. I wanted to scream. I even cried out for help, bu...