Moxie's POV
"Hoy gaga! Gumising ka na! Kapag ikaw na-late sa klase mo, babatukan kita!" sigaw ni ate Paesley habang kumakatok nang malakas sa pintuan ng kwarto ko. Daig pa si Hagrid sa HP sa lakas ng pagkatok, sarap sabunutan.
"Oo na! Tumigil ka na sa kaka-katok at sigaw diyan! Para kang sirena ng ambulansya sarap busalan niyang bunganga mo." sabi ko sabay kusot ng mata, buti na lang walang muta. Hindi pa masyadong maliwanag sa labas, katamtaman lang ang sinag na nakapasok sa kwarto ko. I looked at my alarm clock, it's 7:00 a.m. Kaya naman bumangon na ako at inayos ang higaan ko bago bumaba sa dining area para mag-almusal.
May nakahanda nang pagkain sa mesa pagkarating ko. Simpleng scrambled egg, fried rice at bacon ang breakfast namin. Wala pa si papa, mamayang 8:30 ang pasok niya sa trabaho. My Dad is a Businessman, kaya madalas wala siya dito sa bahay. Hindi na namin nahihintay ang pag-uwi ni papa kase masyado nang late, minsan hindi na umuuwi kasi madaming inaasikaso.
Pumunta muna ako sa kusina para magtimpla ng kape, pero pagtingin ko sa cabinet wala nang kape. Inis akong bumalik sa Dining area para kumain na. Kumakain na ako nang dumating si Ate at ganon na din ang ginawa niya.
"Hoy wala nang kape, inubos mo nanaman ba? May sarili ka namang lagyanan ng kape mo ah!" inis kong tanong sakanya.
"Bakit ba ako nanaman?! Hindi ako ang umubos nung kape mo! Kapal ng muka mo, di ako gaya mo na nangunguha ng pagkain na hindi naman akin." mataray niyang sagot. I just rolled my eyes at her. Talagang sinumbatan pa 'ko ng bruhang yon.
Natapos na akong kumain at umakyat na sa kwarto para maligo. Mabilis lang akong naligo at nag-sipilyo kasi baka ma-late ako sa klase. Pagkatapos kong magbihis, agad kong tinignan ang phone ko at nakita ang message ni Xena Borris, my one and only friend sa school.
From: Xenayang
Goodmorning! Sabay na tayo pumasok, I'm on my way to school. See you near the gate.Hindi na ako nag-abalang mag-reply sakanya at dali-daling kinuha ang bag at bumaba para mag-paalam na.
"Oh Moxie, ano'ng oras na oh, baka ma-late ka niyan. Bagal kasi kumilos." bungad ni papa.
"Tss, bilis ko nga lang nag-asikaso ehh. Sige na Papa, alis na magandang prinsesa niyo." nangi-ngiti kong sabi and kissed his cheeks.
"Sige na, mag-iingat ka, magpahatid ka na lang kay Jett." he said.
Tuluyan na akong lumabas ng bahay, at sumakay sa sasakyang naghihintay sa harap ng gate.
"Goodmorning kuya Jett. Tara na po male-late na po ako ehh." bati ko sakanya.
"Goodmorning din Ma'am Moxie." pabalik niyang bati sa'kin nang nakangiti at pinaandar na ang sasakyan.
"Moxie na lang po ang itawag mo sa'kin. Feeling ko po kasi ang tanda ko na Hahaha."sabi ko. Ngumiti lang siya at pinagpatuloy ang pagmamaneho.
^^^
7:45 a.m. na nang makarating kami sa school."Thank you kuya Jett, pasok na po ako. Magtetext na lang po ako sainyo kapag magpa-pasundo na ako." ngumiti ako sakanya at agad bumaba para pumasok na.
Nakita ko na si Xena nung malapit na ako sa gate. "Tara na baka ma-late pa tayo." tumango naman siya at naglakad na kami papunta sa classroom namin.
"Bakit hindi ka maagang pumasok ngayon? Nagtaka lang ako kasi lagi ka namang nauuna sakin, kulang na lang dito ka matulog sa school para maaga ka pumasok." natatawa niyang sabi. Pwede ko bang bigwasan 'tong babae na 'to?
I'm on my 10th grade here in Tritogeneia High, the school's name was taken from the alternate name of Athena, the greek goddess of wisdom.
Naka-focus ang Trito High sa intelligence ng students. Pero ang downside lang nitong school, makakapasok ka lang kapag mataas ang nakuha mong score sa 'THE OLIVE TREES' which is an entrance exam to know whether you'll go in by grades or by money. Dun na papasok sa usapan ang pera, kapag hindi ka na-accept by grades magbabayad ka ng 100k for the expenses, magaganda at useful naman kasi talaga ang amenities dito. May malaking cafeteria, gymnasium, indoor pool for swimming classes pero pwede ding gamitin for personal purposes, wide field track for running and other outdoor activities and sports. Meron ding theatre room na kadalasang ginagamit for theatrical plays, other shows and stuff. And not to brag but all of the classrooms are airconditioned and may flatscreen tv for some presentation pero minsan ding ginagamit kapag trip lang nila manuod ng movies. Madami pa, nakakatamad nang i-describe.
Hindi ko na napansin na andito na pala kami sa room. Ingay ang bumungad sa'min pagkapasok. Hindi ko na lang pinansin at pumunta na sa pwesto ko which is in front. Si Xena naman sa tabi ko naka-upo. It's Wednesday so walang flag ceremony, conducted lang yon every Monday and Friday. Dumating na ang una naming subject teacher in English. Nakinig na lang ako sa lesson without minding the noise of my classmates.
✨
Ganito uniform nila, imagine niyo na lang na black yung palda haha.
YOU ARE READING
Saige's Doppelganger (ongoing)
Teen FictionAfter a recovery from an accident,Saige Crimson, came to Tritogeneia High as a transferee student. People were surprised to see her there, like they saw a ghost. It turns out she looks exactly like a student who died months ago. is it just a coinci...