Moxie's POVNatapos na ang morning classes namin, kaya naman eto kami ni Xena on our way to the school cafeteria. Panay tingin ng mga estudyante sa'min or should I say, sa'kin.
Sanay na akong pagtinginan nila everytime na dadaan ako sa harap nila. Ganyan sila makatingin sa'kin simula nang pagtapak ko dito sa Trito High. Ewan ko ba kung ano'ng trip nila ngayon, may kung ano'ng nagsasabi sa'kin na may mangyayaring hindi maganda. Hindi ko na lang pinansin 'yon dahil kulang na lang sumigaw na 'tong tiyan ko nang dahil sa gutom.
^^^
Malagkit at masangsang na kung ano ang bumuhos sa'kin pagbukas ko nang pintuan sa cafeteria. Siguro leftover foods, putek kakapit amoy nito sa'kin.
"Hala! Moxie, tara sa cr magb—" hindi na natuloy ni Xena ang pag-alok sa'kin dahil sa malakas na tawanan ng ibang estudyante. Agad na nahagip ng mata ko si Calixta Oakley kasama mga alipores niyang nagkakapalan ang make-up, daig pa ang clown sa isang birthday party.
"Well well well, look what we have here? I'm gonna upload it on my account, it will surely be a hit!" Excited na sigaw ni Calixta. A hit mo muka mo, ahitin ko yang kilay mo na sobrang nipis ehh.
Tiningnan ko lang siya na parang wala akong pakialam sa ginawa niya. Surely silang tatlo nanaman may pakana nito. Nothing new, simula first day, ako na ang pinag-iinitan nilang i-bully.
CALIXTA OAKLEY
Self-proclaimed "Queen Bee" ng Trito High. Siya ang leader sa tatlong magka-kaibigan. Maganda, matangkad, popular, reigning queen of pageants and stuff, mayaman, not to mention leader din siya ng cheering squad. Almost perfect kung tutuusin, ugali lang ang hindi maganda sakanya.EMERSYN SAWYER
One word. Spoiled brat. Lahat naman sila spoiled, mga bulok ang ugali. Pero eto'ng si Emersyn ang pinakaspoiled sakanila. She gets whatever she wants.THORA WYNN
She has that angelic and innocent face but have that bratty attitude. Matalino pero natatanga na kapag may binu-bully. Ewan ko ba naiiwan niya ata talino niya dun sa classroom nila.Sila yung kunsabaga, MEAN GIRLS ng Trito High. Medyo cheap version nga lang. Ewan ko ba kung ano ang trip nila sa buhay, dami-daming pwedeng gawin, pambubully pa ang pinansin. Hindi ko na nga lang sila pinapansin kapag nagsasalita o nagpaparinig ng kung anu-ano. Kapag naman physical na nila akong sinasaktan or what, hinahayaan ko na lang.
I don't wanna be involved in such cheap catfights. Wala akong rason para patulan ang mga gaya nila. Masasayang lang oras ko kapag pumatol pa ako.
"Wow! Moxie, you look soooo— d-disappointing?" patanong na sabi ni Thora.
"You mean, disgusting? Pfft." tanong ko sakanya.
"Whatever!" she rolled her eyes dramatically.
"You smell so bad, like eww! We gotta do something about that, right?" si Emersyn. Ngumiti naman silang tatlo na para bang nagkakaintindihan sila just by looking at each other's eyes.
Tinignan ko si Xena na ngayo'y halata ang pagkabahala sa kung ano'ng gagawin ng tatlo.
"Kumain ka na, don't worry about me, wala lang 'to. Sa room na lang tayo magkita ulit." I showed her a reassuring smile. She hesitated to leave at first pero tuluyan na ding pumasok sa cafeteria. I looked around, the students have their different reactions. May tumatawa, naa-awa, nagulat, meron ding gustong tumulong sa'kin pero hindi nila magawa, at meron ding nanunuod nang walang mababakas na emosyon sa muka.
Isa na don ang lalaking nanunuod sa malayo, he's just sitting and eating lunch while watching the scene. Jet-black hair that compliments his hazel brown, blank and cold eyes, a pointed nose and pinkish lips.
Bumalik ang atensyon ko sa tatlo nang bigla na lang may nagbuhos sakin ng kung anong puting pulbo. Siguro flour ang ginamit nila. Ang lagkit, kaya tiningnan ko ng masama yung tatlo pero ngumiti lang sila."Ano ba'ng problema niyo?" I tried my best to sound as nice as possible para di na lumaki ang gulo. "Ano ba dapat kong gawin para lang tigilan niyo na ako?" I asked.
"Nothing. We're just bored and you entertain us. Ang gandang tingnan ng nakakaawa mong mukha hahaha!" Calixta said at maarteng tumawa.
"Wala ka naman dapat gawin because as Cal said, we are just bored. Well you can be our slave until we graduate, if you want." Emersyn.
Pumikit na lang ako at huminga nang malalim, trying to calm myself down. Dahil ayoko nang lumaki pa ang gulo, umalis na ako sa cafeteria at pumunta na sa comfort room para linisan ang sarili at magbihis. Kung hindi pa ako umalis do'n baka kung ano na nagawa ko sakanilang tatlo, edi nagkaro'n na ko ng issue dito sa school and for sure malalaman ni Papa. I don't want that to happen. Ayokong ma-disappoint at mapahiya siya dahil sa'kin, I don't want other people to say na ganito ang tinuturo sa'kin ni papa, eskandalosa, takaw-gulo.
I'm trying my best to be a good daughter to my Dad.
✨✨✨
YOU ARE READING
Saige's Doppelganger (ongoing)
Teen FictionAfter a recovery from an accident,Saige Crimson, came to Tritogeneia High as a transferee student. People were surprised to see her there, like they saw a ghost. It turns out she looks exactly like a student who died months ago. is it just a coinci...