Moxie's POVLunch time's already over pero andito pa din ako sa comfort room at nilalabhan ang uniform ko. Buti na lang I always bring extra clothes. Tapos na akong maligo and I'm just wearing a simple black shirt paired with black plaid skirt. And buti na lang nagdala din ako ng white sneakers.
Kanina pa ako dito naglilinis ng uniform, at hanggang ngayon di pa din matanggal tanggal ang amoy.
Hinayaan ko na lang yung natitirang dumi at amoy, at nilagay ang mga damit sa isang paperbag. Lumabas na ako do'n at naglakad papunta sa rooftop. Hindi na ako makakapasok sa first subject ngayong hapon kasi masyado na akong late, kaya hihintayin ko na lang na matapos ang unang klase.
Pumunta ako sa rooftop ng building A kung nasaan ang classrooms ng junior high.Dito ako laging tumatambay whenever I need peace of mind. Pumupunta ako dito kapag magrereview for quizzes and exams.
From here, kitang-kita ang forest na nasa left side ng school. All of my worries disappeared for a moment, admiring the scenery. I just wanna shout and say "Kingina niyo'ng tatlo! Kakapal ng mga apog at makeup niyo! Para kayong mga clown! Pwede na kayong gumawa ng sarili niyong circus!!!" if only I could say that.
"Tss, you're so loud. Can't you see I'm sleeping here?" someone suddenly spoke. Teka nga, nasigaw ko ba yung nasa isip ko kanina? Hala! I didn't know na nasigaw ko pala talaga yon.
Hinanap ko kung sino ang nagsalita, and there he is, now leaning on the railings with his arms crossed, a meter away from me. It's that guy earlier in the cafeteria. Magulo ang buhok dahil ata kagigising lang. Nakatingin siya sa kung saan habang salubong ang kilay.
"S-sorry, I didn't know that there was someone here other than me." napapahiya kong sabi. Tumingin siya sa'kin na ngayo'y wala nang mababakas na emosyon. Hindi naman siya sumagot at binaling na lang ulit ang tingin sa mga ulap. We stayed quiet for a while, it's somehow soothing to be with him, even though hindi kami nag-uusap.
I looked at my wristwatch. 5 minutes before the second subject.
"Alis na ako, sorry ulit kung naistorbo ko ang tulog mo." paalam ko bago umalis at bumaba para pumunta na sa classroom.
I don't know why it felt relaxing just being with him even though he's as cold as ice. I feel better now compared kanina. Nakarating na ako sa tapat ng classroom at dumiretso na sa upuan ko, not minding my classmates' stares. Binaba ko na ang paperbag na dala ko at umupo na sa tabi ni Xena.
"Okay ka lang ba?" agad na tanong ni Xena.
"Yeah", tipid kong sagot at bahagyang ngumiti para hindi na siya mag-alala.
"Bakit hindi ka pumasok kanina? Buti na lang, walang quiz or activity si sir."
"Pumunta sa Korea." pabiro kong sagot at tiningnan niya naman ako nang masama.
"Korni mo." yun lang ang sagot niyang nagpangiwi sa'kin. Buti na lang at hindi na siya nagtanong pa. Ilang sandali pa at dumating na ang subject teacher namin.
"Goodmorning." masungit na bati sa'min ni Miss Ponce, ang terror math teacher namin.
Agad naman kaming tumayo at sabay-sabay na nag-bow."Goodmorning, Miss Ponce!" we greeted in unison. Tumango naman siya, sign for us to sit down. Nagsi-upuan naman kami nang tahimik. Nagsimula na siyang magsulat ng formulas and such sa board. I started to take notes para mas mapag-aralan ko mamaya sa bahay.
^^^
Magq-quiz na kami nang bigla na lang nagsalita si Alice, isa sa mga maaarte kong classmates.
"Miss Ponce, kanina pa po kami may naaamoy na mabaho, right?" tanong niya sa mga classmate namin na nagsimula na din magreklamo.
"Oo nga, kanina ko pa yan naaamoy pero hindi ko na lang pinansin nung una." si Bruce.
"Baka naman umutot ka pre, grabe ilang decades mo ba yan inipon?" biro naman ni Rav sa katabi.
"Ulol! Baka hininga mo yan, dadamay mo pa ako." sagot naman sakanya ni Liam.
"Ano ba yan! It's so kadiri! I can't breathe!" one of my maarte classmates.
Kahit naman hindi pa nila sinasabi kung ano o sino tinutukoy nila, I already know that it's me.
"And that's one of my concern because??" tanong ni Miss Ponce na nagpatigil sa pagrereklamo nila.
"We can't really focus on your discussion, we're bothered by the smell,Miss Ponce." maarte niyang sabi. Ano namang connect no'n? Kanina niya pa pala naaamoy, ngayon lang siya magrereklamo. Nananadya ata 'to ehh.
"Then tiisin niyo ang amoy hanggang sa matapos ang klase ko. Hindi niyo naman ata ikamamatay yan. I don't want my class to be interrupted, specifically ayokong istorbohin ninyo ang discussion or quiz ko for such a petty reason. Let's start the quiz." Miss Ponce said.
Hindi na sila nagsalita dahil sa sinabi ni miss and may quiz kami. Ano kayo ngayon, pahiya ka ehh 'no?
✨
YOU ARE READING
Saige's Doppelganger (ongoing)
Teen FictionAfter a recovery from an accident,Saige Crimson, came to Tritogeneia High as a transferee student. People were surprised to see her there, like they saw a ghost. It turns out she looks exactly like a student who died months ago. is it just a coinci...