Moxie's POV
Nandito na kami ni Xena sa waiting area malapit sa gate para hintayin ang sundo namin. Maagang natapos ang klase dahil may meeting daw ang mga teacher. Kinuha ko sa bulsa ang phone ko to message kuya Jett na magpa-pasundo na ako pero wala akong makapa. Hinanap ko din sa bag ko at baka do'n ko nalagay kaninang umaga pero wala talaga.
Naalala ko, pinatong ko nga pala kanina dun sa side table sa kwarto ko. Pa'no na ako makakauwi nito?
"Ano'ng hinahanap mo? Para kang tanga jan kaka-kapa sa mga bulsa mo." napa-tingin ako kay Xena. Ngumiti ako sakanya nang matamis.
"Xena, pwede ba hiramin phone mo? Naiwan ko kasi sa bahay yung akin. Text ko lang si kuya Jett na sunduin na ako dito." sabi ko sakanya.
"Para kang timang sa ngiti mo, kamukha mo si Joker. Wala na akong load eh, kaninang tanghali lang naubos." sagot niya. Nawalan ako ng pag-asa.
Paano ako makakauwi? Makikisabay ako kay Xena? Nakakahiya, magka-iba ang daan namin.
"Hala pa'no na ako neto? Bakit kasi hindi ko dinala phone ko?! Jusko! Tanga mo Moxie!!" naiiyak kong sabi sa sarili ko.
"Sabay ka na lang sakin, hatid ka na lang namin pauwi." suhestiyon niya.
"Eh nakakahiya naman sa'yo, magka-iba ang daan natin. Mamaya niyan pagbayadin mo pa ako sa gasolina." pagtanggi ko. Gusto ko sumabay na lang sakanya kaso nga sobrang kapal naman ng mukha ko no'n.
"Wow! May hiya ka pala?!" kunwaring gulat na tanong niya. Tiningnan ko lang siya nang masama. "Okay lang yan, hindi naman kita pagbabayadin kase sasabay ka lang naman sa sasakyan namin, hindi ka sasakay. Hahahaha chos! Okay lang talaga na sumabay ka sa'kin." dagdag niya pa.
Tarantada talaga 'tong babae na 'to minsan pero mabait yan. Kaso strict ang parents niya. Mahigpit sila kay Xena, ayaw nilang magkaro'n siya ng kaibigan kasi abala lang daw yon sa pag-aaral niya. Kaya naman napaka-grade conscious nitong si Xena. Lagi lang siyang nasa loob ng bahay nila at nag-aaral, bantay-sarado ng magulang eh.
"S-sige. Mapilit ka ehh." nahihiya kong sabi sakanya. Pagtingin namin sa kanan, nakita na namin yung sundo niya. Huminto iyon sa tapat namin at lumabas ang driver para pagbuksan ng pintuan si Xena. Nando'n ang mama at bunso niyang kapatid sa backseat. At yung papa naman niya nasa passenger's seat.
Tumingin silang lahat sa'min at nang makita ako bigla na lang kumunot ang noo ng papa niya. Pilit-ngiti akong bumati sakanila,"Goodafternoon po Mr. and Mrs. Borris." at kumaway lang ako nang bahagya kay Xion [kapatid ni Xena] na nanatiling nakatingin saakin. Kinausap muna sila ni Xena nang ilang minuto at bumaling sa'kin.
"Sorry something came up, may event na kailangan ng presence namin, didiretso na kami do'n. Pasensya na talaga Moxie. Pahatid na lang kita sa pinsan ko, mabait naman yon..." hindi niya tinuloy ang sasabihin at bumulong sa tenga ko. "...at single din 'yon, nako!"
"Baliw! Kung anu-ano iniisip mo. It's okay, naiintindihan ko naman. If it's okay with your cousin na ihatid ako, sige na, wala akong ibang choice ehh." sambit ko.
"Sige na, alis na kami ahh. Ingat ka diyan sa pag-hintay ah, darating din yon agad si kuya Trev, dito lang din naman yon nag-aaral eh."kumaway siya at sumakay na sa kotse. Pinanuod ko sila hanggang sa mawala na ang sasakyan sa paningin ko. Umupo na lang muna ako at naghintay dun sa pinsan ni Xena.
Xena's POV
Pagka-alis namin ay hiniram ko ang phone ni Xion at nagmessage agad ako sa pinsan ko.
To: Couz Trev
Compose message:
Kuya Trev it's me Xena, do you mind if I ask you a favor? Pwede ba'ng ipahatid yung friend ko sa bahay nila. I can't accompany her right now kase may pupuntahan kaming event nila Dad and Mom. Ando'n siya sa waiting area malapit sa gate, you know naman ata kung saan yon. Thanks a lot![Sent!]
Sana naman pumayag si Kuya Trev, wala naman na akong ibang mahihingian ng favor. Medyo masungit pa naman yon pero mabait siya. Siya lang ata yung pinaka-close ko sa lahat ng pinsan ko.
Habang hinihintay ang reply ni Kuya Trev, tinignan ko si Xion sa tabi ko, na ngayon parang timawa na naka-ngiti habang nakatingin sa labas ng bintana.Anyare sa batang 'to. Minsan lang yan ngumiti eh, it's either masaya siya or nakita niya cru— wait! No! No way! Don't tell me crush niya si Moxie?
Kinalabit ko siya pero hindi ako pinapansin at nakatulala pa din sa labas. Pinitik ko ang noo niya at doon niya lang ako pinansin.
"What's your problem ate?!" pabulong na tanong niyang magkasalubong ang kilay habang hinihimas ang noo niya.
"Why are you smiling like you just won a lottery while looking outside?" I raised my eyebrow while asking him.
Napa-ngiti siya ulit, naalala nanaman ata ang iniisip niya kanina.
"Nothing, I just feel happy." tipid na sagot ni Xion.
Pangiti-ngiti ka pa jan ahh, akala mo hindi ko nahalata.
"You feel happy after you saw my best friend? Do you like her? Hmm?" I asked him. Nawala naman ang ngiti niya at namumulang napaiwas ng tingin sa'kin and just looked outside again. Napangisi naman ako. Love at first sight ka? Hahaha sorry pero di ikaw type no'n.
I looked at the phone when a message popped up on the notifications. It was Kuya Trev.
From: Couz Trev
Message:
Okay, I'll just text you kapag nahatid ko na siya. You owe me for this one. Gotta go.Hindi na ako nag-reply sakaniya at binalik na kay Xion ang phone niya, "Thank you."sabi ko sakaniya.
✨
YOU ARE READING
Saige's Doppelganger (ongoing)
JugendliteraturAfter a recovery from an accident,Saige Crimson, came to Tritogeneia High as a transferee student. People were surprised to see her there, like they saw a ghost. It turns out she looks exactly like a student who died months ago. is it just a coinci...