ANNOUNCEMENT! SIMULA PO LUNES, MARCH 29, 2021, AALISIN KO NA PO RITO ANG IBANG CHAPTERS NITONG LOVING A BEAST DAHIL ANDUN NA PO SIYA SA D R E A M E . NO WORRIES PO, FREE PO ITO ROON, WALANG BABAYARAN, PARA LANG KAYONG NAGWAWATTPAD.
ITO PO ANG LINK: https://www.dreame(.com)/novel/%2BmithwZZ6aNP2%2F7vwHsl6w%3D%3D.html PAKIALIS NALANG PO ANG OPEN/CLOSE PARENTHESIS SA MAY .COM
DOON NIYO NA PO MABABASA ANG COMPLETED VERSION NITONG STORY. SANA SUPORTAHAN NIYO AKO LAGI. MWAH!
PS. SAME UN LANG DIN GAMIT KO, @shymaidegen, PWEDE NIYO AKONG I SEARCH DOON OR ANG TITLE NA LOVING A BEAST. MADALI LANG NAMAN AKONG MAHANAP HEHE.
Zion
Malakas akong nagpakawala nang buntong-hininga habang nakaharap sa mga kumpol ng papeles.
It sure never ends.
Isa-isa kong sinilip ang mga papeles at parang nandidiri na binitawan iyon. Dahil sa sunod-sunod kong trabaho ay napabayaan ko ito ng ilang linggo. Hindi naman sana ito aabot sa ganito kung hindi lang ako abala sa ibang bagay.
Hinilot ko ang sintido nang pumintig iyon sa sakit.
"Alpha?"
Nag-angat ako ng mukha sa may pintuan. "Come in." Tawag ko kay Bethany na nasa labas lang ng pintuan.
Pumasok siya. Si Bethany ang katulong ko sa opisina. Mated na siya at masaya na sa pamilya. May bitbit siyang makapal na mga papel na ikinasama ng mukha ko.
"Not again, Beth. Pang ilang beses mo na iyang hatid sa akin." Reklamo ko.
"I'm sorry, Alpha Zion. Pero kailangan na nito ang pirma mo para sa mga projects and developments ng Pack. Lumalaki na ang Crescent Pack kaya mas dadami pa iyan for land acquisition for expansion." Paliwanag niya habang ipinapatong ang mga dala sa iba pang mga papeles.
Nagpakawala na naman ako ng buntong hininga. Isa rin iyan sa mga problema ko— ang lumalaki kong pack. Hindi ko rin ito pwedeng i-asa sa Beta ko dahil may iba din siyang pinagkakaabalahan.
"Leave it there, Beth. Dadahan-dahanin ko lang ang mga 'to." Sabi ko habang sinusuyod ng tingin ang nakatambak na gawain.
"Mas mapapadali ito kung nandito ang Luna mo."
"Kaya lang wala siya rito kaya naman kailangan ko itong gawin nang mag-isa."
Pinulot ko ang isang papel at sinimulan iyong basahin. Kaunti lang ang nakakaalam kung sino ang Mate ko at isa na roon si Bethany.
"Nasa tamang edad naman na ang Luna. Siguro tama lang na kunin mo na siya."
"Hindi iyon ganoon kadali, Beth." Ipinakita ko ang hawak na papel sa kanya nang mabasang para iyon sa nursery. "I want you to prioritize this. Pups are very important. Kailangan nila ng tamang atensyon para mas lumago at lumawak ang kaisipan nila. And build a playround, just enough to give them a leisure time."
"But we already have a playground."
"We have a fast growing population, Beth. So, expect a lot of pups running around the grounds. Ayokong pakalat-kalat sila sa kahit saan."
"Noted, Alpha."
"Thank you. I'll just mindlink you if I have something to say."
"Okay. I'll be going then."
Nang makalabas si Bethany ay napasandal ako sa swivel chair. Napaisip ako sa sinabi niya. Totoong nasa tamang edad na si Marian. Pero hindi magiging madali para sa aming dalawa na magsama kung magkaiba ang mundong ginagalawan namin. Kailangan muna niyang matanggap kung ano ako. At isa itong malaking hamon para sa akin lalo pa't umalis siya nang dahil narin sa akin.
BINABASA MO ANG
Loving a Beast [COMPLETED]
Werewolf"It was you. The one who watched me every night, who visits me in my bed and who kissed me in my sleeps... It was you. The beast that I saw and love..." -Marian Jeanette "Marj" Dela Vega ©ShyMaidenGen All rights reserved. Written Date: Sept. 9, 20...