Chapter 4

3K 87 3
                                    


ANNOUNCEMENT! SIMULA PO LUNES, MARCH 29, 2021, AALISIN KO NA PO RITO ANG IBANG CHAPTERS NITONG LOVING A BEAST DAHIL ANDUN NA PO SIYA SA D R E A M E . NO WORRIES PO, FREE PO ITO ROON, WALANG BABAYARAN, PARA LANG KAYONG NAGWAWATTPAD.

ITO PO ANG LINK: https://www.dreame(.com)/novel/%2BmithwZZ6aNP2%2F7vwHsl6w%3D%3D.html PAKIALIS NALANG PO ANG OPEN/CLOSE PARENTHESIS SA MAY .COM

DOON NIYO NA PO MABABASA ANG COMPLETED VERSION NITONG STORY. SANA SUPORTAHAN NIYO AKO LAGI. MWAH!

PS. SAME UN LANG DIN GAMIT KO, @shymaidegen, PWEDE NIYO AKONG I SEARCH DOON OR ANG TITLE NA LOVING A BEAST. MADALI LANG NAMAN AKONG MAHANAP HEHE.



Marian

Hindi ko mapigilang mangamba habang hinahaplos sa pisngi si Forest. In fact, I'm calmed at the moment than I first saw him. Sobra ang panginginig ko at panghihina kanina habang papasok ako sa kwarto niya. Kulang nalang gumapang ako dahil sa kakaramput kong lakas. Mabuti nalang hindi ko iyon ginawa.

Walang malay si Forest kanina pa. Ang sabi ng Doktora, bumabawi pa siya ng lakas at dahil narin sa gamot na itinurok sa kanya habang ginagawa ang operasyon. Marami siyang sugat sa katawan pero ang mas napuruhan ay ang tiyan niya— na may napakalaking sugat.

Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang ganoong klaseng sugat. Para itong hindi ordinaryo, iyon bang mapapaisip ka na hindi tao ang may gawa niyon.

Wala ring sinabi ang doktora na nagngangalang Freya kung saan nakuha ni Forest ang malaking sugat sa tiyan. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip sa nangyari.

Napatingin ako sa katabing upuan. May kapeng naiwan doon. Naalala kong inilagay iyon ng doktora. Baka naiwan?

Napatingin ako sa pintuan. Kakaalis niya lang kaya baka maabutan ko pa siya. Kinuha ko ang kape at lumabas.

Sakto namang naroon pa siya, nakatalikod sa akin at parang may kinakausap.

"Uhmm, excuse me?"

Parehong bumaling ang dalawa. Ngunit imbes na sa doktora tumingin ay sa kausap niya ako napatingin. Parang tumigil ang aking mundo nang magtama ang mga mata naming dalawa. Tumibok ng mabilis ang puso ko at parang nanghina. Napakaganda ng mata niyang tsokolate ang kulay, ang matatangos niyang ilong na parang inukit ng isang sikat na sculptor at ang labi niyang hugis puso. Ang makapal niyang kilay ay mas dumagdag sa gwapo niyang mukha at sa panga niyang sobrang perpekto.

Para akong nakatingin sa isang Greek God.

"Yes, Miss Dela Vega?"

Kumurap-kurap ako at binalingan si Doktora na nagsalita. Muntik ko nang makalimutan na naroon ito. Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan bago nagsalita.

"Uhm, your coffee." Sambit ko sabay taas nang kamay na siyang nakahawak sa kape.

"Oh! Yes, thank you." Ngumiti siya at kinuha ang inabot kong kape tapos binalingan ang kasama niyang lalaki.

"Here's your coffee, Mister..." Aniya sabay bigay nang kape sa lalaki at binalingan akong muli. "Please, excuse me. May gagawin pa kasi ako." Paalam miya tsaka nakapamulsang umalis.

Naiwan kaming dalawa ng lalaki na hindi makatingin sa isa't isa. Imagine the awkwardness.  Sobrang likot ng mata ko dahil na hiya at kaba. Hindi pa ako kinabahan ng ganito sa harap ng lalaki, hindi sa isang gwapo.

Tumikhim ako nang pakiramdam ko ay walang planong magsalita ang kaharap. Pinilit ko ang sariling tingnan siya sa mukha. At isa iyong malaking pagkakamali dahil sobrang lagkit ng pagkakatitig niya.

Loving a Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon