Chapter 5

3.6K 93 12
                                    


ANNOUNCEMENT! SIMULA PO LUNES, MARCH 29, 2021, AALISIN KO NA PO RITO ANG IBANG CHAPTERS NITONG LOVING A BEAST DAHIL ANDUN NA PO SIYA SA D R E A M E . NO WORRIES PO, FREE PO ITO ROON, WALANG BABAYARAN, PARA LANG KAYONG NAGWAWATTPAD.

ITO PO ANG LINK: https://www.dreame(.com)/novel/%2BmithwZZ6aNP2%2F7vwHsl6w%3D%3D.html PAKIALIS NALANG PO ANG OPEN/CLOSE PARENTHESIS SA MAY .COM

DOON NIYO NA PO MABABASA ANG COMPLETED VERSION NITONG STORY. SANA SUPORTAHAN NIYO AKO LAGI. MWAH!

PS. SAME UN LANG DIN GAMIT KO, @shymaidegen, PWEDE NIYO AKONG I SEARCH DOON OR ANG TITLE NA LOVING A BEAST. MADALI LANG NAMAN AKONG MAHANAP HEHE.



Marian

Humihikab akong bumababa ng hagdan para kumain. Tinanghali ako ng gising dahil kinausap ko ang mga magulang ko ng madaling araw. Palibhasa, gabi pa sa kanila kaya hindi sila napuyat. Samantalang ako, gabing gabi nang nakauwi tapos umaga nang natulog. Inaantok pa ako. Potek talaga.

"Good morning, hija. Kumain ka na, naghanda ako ng paborito mong pagkain."

Napangiti ako nang marinig ang sinabi ni Nana Lilith. Sinalubong ko siya na nasa paanan ng hagdan.

"Good morning po, Nana." Pareho kaming nagsimulang maglakad papuntang Dining.

"Nakatulog ka ba nang mahimbing? Alam kong napagod ka sa buong magdamag mong pagbabantay kay Forest kahapon kaya naisipan kong sumama sa'yo ngayon para may katuwang ka sa pagbabantay sa kanya."

Napalingon ako kay Nana. Maganda ang inaalok niya, actually. Kahit papaano, may umaalalay sa akin.

"Salamat po, Nana. Mabuti nalang at narito kayo." Ika ko. Nang makarating sa Dining ay kaagad kong nilantakan ang mga nakahain doon. Marami din ang nakain ko dahil wala akong masyadong nakain kahapon.

"Pinahanda ko na kay Julio ang sasakyan. Nakahanda narin ang mga dadalhin nating gamit para magamit doon sa Hospital." Saad ni Nana sa tabi ko.

"Salamat ng marami, Nana." Sabi ko lang habang patuloy sa pagkain.

Hindi naman ako nagtagal sa mesa. Pagkatapos kong kumain ay binalingan ko kaagad si Nana at nag-ayang umalis. Magkapanabay kaming lumabas at nagtungo sa sasakyan na nakaparada na sa harap at handa nang umalis.

Nagpapasalamat ako na narito sa tabi ko si Nana dahil marami pa talaga akong gagawin. Nang dahil kasi sa nangyari kahapon ay nawala sa isip ko ang negosyo kong Café. Kung hindi pa tumawag si May, na isa kong Cashier, ay hindi ko pa maalala ang Café.

"Hija, pagdating doon. Pwede ka munang mamasyal kung gusto mo. Ako na ang bahala kay Forest. Tatawagan lang kita kapag may mangyari." Suhestiyon ni Nana. I liked the idea.

"Sige, po." Pumasok na kami sa sasakyan at ilang sandali pa ay nasa daan na kami patungong Hospital.

Nilabas ko ang cellphone ko para ibigay kay Nana ang number ko. Hindi niya pa kasi ito nakukuha.

"Na, ito ang number ko. Dito mo lang ako tawagan." Sabi ko. Ibinigay ko sa kanya ang cellphone ko at ipinakita ang number ko roon.

Loving a Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon