Chapter 3

3.1K 107 2
                                    


ANNOUNCEMENT! SIMULA PO LUNES, MARCH 29, 2021, AALISIN KO NA PO RITO ANG IBANG CHAPTERS NITONG LOVING A BEAST DAHIL ANDUN NA PO SIYA SA D R E A M E . NO WORRIES PO, FREE PO ITO ROON, WALANG BABAYARAN, PARA LANG KAYONG NAGWAWATTPAD.

ITO PO ANG LINK: https://www.dreame(.com)/novel/%2BmithwZZ6aNP2%2F7vwHsl6w%3D%3D.html PAKIALIS NALANG PO ANG OPEN/CLOSE PARENTHESIS SA MAY .COM

DOON NIYO NA PO MABABASA ANG COMPLETED VERSION NITONG STORY. SANA SUPORTAHAN NIYO AKO LAGI. MWAH!

PS. SAME UN LANG DIN GAMIT KO, @shymaidegen, PWEDE NIYO AKONG I SEARCH DOON OR ANG TITLE NA LOVING A BEAST. MADALI LANG NAMAN AKONG MAHANAP HEHE.



Marian

BITBIT ANG dalawang maleta at isang shoulder bag sa balikat ay naglakad ako palabas ng La Indi Airport. Delayed ako ng isang oras dahil matagal nag land iyong sasakyan kong plane at matagal din nag take off. Naiinis nga ako. Kung kailan ako nagmamadali, tsaka naman ako pinaglalaruan ng panahon.

Mabilis akong tumungo sa nakahilerang taxi.

"Saan po kayo, Ma'am?" Bungad sa akin ng isang Taxi Driver.

"Sa El Salvador, Kuya."

"Sakay na, Ma'am. Ako na ang bahala sa dala mo." Presinta niya at kinuha ang mga bitbit kong gamit.

"Salamat po." Nang masigurong maayos ang pagkakalagay niya sa mga gamit ko sa likuran ng  taxi ay tsaka pa ako pumasok sa loob ng sasakyan.

Kinuha ko ang cellphone para sana tawagan si Summer at ipaalam sa kanya na nakarating na ako, nang bigla nalang siyang tumawag. Ang haling naman tumayming ng babaitang iyon.

"Su!" Bati ko pagkasagot sa tawag. Napalingon ako sa labas ng magsimula na kaming umandar. I felt nausious. Sa ilang taon, ngayon pa ako babalik sa pinagmulan ko.

"Ma! Ba't ngayon pa kita nakontak? Mag aalas seis na. Dapat isang oras lang ang biyahe mo."

"Nadelayed ako, Su. Matraffic sa ere." Biro ko na sinabayan ko pa ng mahinang pagtawa.

"Ay, gano'n? May naaksidente raw ba? Ano iyong nasagasaan?" Sakay niya sa biro ko.

"Ibon daw eh. Kalapating mababa raw ang lipad."

"Baliw ka!" Tawa niya ng malakas. Natawa rin naman ako ng malakas. Kung anu-ano nalang napag-uusapan naming dalawa.

"Nasa taxi na ako ngayon, papauwi na." Saad ko nang matigil na kami sa pagtawa.

"Okay, sige. Mag-iingat ka. Update mo ako sa kalagayan ni Kuya Forest."

"Copy Ma'am!" Tawa ko bago pinatay ang tawag. Itinukod ko ang kamay sa bintana ng taxi at pinanood ang nadadaanang mga puno at bahay.

Thirty minutes lang ang biyahe bago makarating sa El Salvador. Too late to back down now. Kahit pa takot ako sa probinsyang ito ay kailangan ko paring bumalik dahil nandito ang buo kong pamilya .

"Saan po kayo sa El Salvador, Ma'am?" Tanong ni kuyang driver. Tumuwid ako ng upo at hinarap ang driver na nasa Mid thirties na. 

"Sa Francisco po." Tugon ko. Iyan ang barangay na kinalakhan ko ngunit iniwan din noong five years old ako dahil sa trauma.

Sinunod naman ni Kuyang Driver ang sinabi ko at ilang minuto pa ay papasok na kami sa sinabi kong barangay. Namawis ang kamay ko sa nerbiyos. Hindi na ako pamilyar sa lugar. Sa sobrang tagal kong nawala, hindi ko na ito naaalala.

Loving a Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon