// SURI POV //
Nandito ako sa Office ni Sir. Yuto at nakaupo lang habang chinecheck ang mga appointments nya . Nasa Meeting sya ngayon, Kahapon may meeting sya with Mr. Kim at Ms. Takahashi. Ngayon naman meeting with Mr. Lee
Naboboring na ako dito sa loob ng Office nya, papatulog na sana ako ng may tumawag sa Cellphone ko agad kong kinuha ang Cellphone ko sa loob ng Bag ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Oh si Sakura (binigay ko kasi yung No. ko sa kanya hihi) sinagot ko ang tawag nya at nilagay sa tenga
"Hello Sakura~" Sabi ko at pinaikot ang swivel chair na inuupuan ko ngayon
"Warui hito-tachi wa watashi o oikakete iru, imōto! " Sabi ni Sakura at naririnig ko ang mga sigaw ng mga lalaki at naririnig ko din na hinihingal sya
(Trans: Bad people are chasing me, sister) Welkum😄
"T-teka nasaan ka?? Pupuntahan kita! " Sabi ko at dali daling lumabas ng office ni Yuto at pumunta sa elevator at pinindot ang ground floor. Di ko na pinansin yung mga body guard kahit na kelangan ko sila kasi baka maabala pa si Yuto. Kaya ako na ang bahala
"Nasa ***** Street ako ate, tulungan mo ko--ajakqn"Sabi nya at nag choppy na agad kong binaba ang tawag dahil nasa 2nd floor na ako. Ang BAGAL!!
TING!
Tung ng elevator kaya dali dali akong lumabas ng elevator at tumakbo sa main entrance. Naghahanap ako ng masakasakyan ng may nakita akong bike malapit lang dito sa Building na to yung , cafe sya. Agad akong tumakbo sa naka bike at pinakiusapan sya na kung pwedeng pahiram muna ng bike
" Ate please pahiram ng bike, yung kapatid kasi ng boss ko nasa panganib kelangan ko syang puntahan pleaseeee" Sabi ko sa kanya at lumuhod. Kaya mukhang naawa sya saakin at pinaubaya na ang bike
"S-sige po.Basta ibabalik nyo yang bike sa kuya ko kasi yan eh" Sabi nung babae at ngumiti kaya nag pasalamat ako at nangako na ibabalik ko ang bike ng kuya nya. Sumakay na ako sa bike at pinadyak ang pedal ng mabilis. Kahit nasa kalsada ako at maraming sasakyan di ko alintana ang takot habang nagbibike ako kasi ang nasa isip ko lang naman ay si Sakura. Anong gagawin ko pag may nangyari sa kanya tsaka she's only 13 years old.
lumiko ako sa kanan at pumadyak lang ng pumadyak sa pedal . Hanggang sa marating ko na ang **** street agad kong hinanap si Sakura, hanggang sa may nahagip ang mata ko na may limang lalaki na hinahatak ang isang babae. Baka ayun. Agad kong pinadyak ng mabilis ang pedal hanggang sa makaabot ako sa kanila. Ibinangga ko yung bike sa dalawang lalaki na nasalikuran ni Sakura at bumaba ng bike, at syempre hiram ko lang to tinabo ko muna sa gilid at bumalik sa mga lalaking hinahatak si Sakura
"Hoy babae! Anong karapatan mong banggain ako ng bike!! " Sabi nung isang lalaki na binangga ko ng bike na ngayon ay tumatayo sa pagkakasalagpak nya sa kalsada buti nga
"Hoy ka din!!! Anong karapatan mong kunin ang bata na to!!! " Sabi ko dun sa isang lalaki na nasa 20-25 ganun.
"Gusto lang naming magkapera " Sabi nung isang lalaki na nasa age 30-37 I think
"Edi mag Kopiko Blanca ka! Di yung dinadamay mo yung bata sa katarantaduhan nyo mga kuya!!!! " Sabi ko at akmang hihilahin nila si Sakura pero nauna ako. Hinatak ko si Sakura papunta sa likod ko at sinampal yung lalaking humawak sa braso ni Sakura
"Don't you ever touch her!! AT HOY!! MAGTRABAHO KAYO!! DI YUNG INAASA NYO SA KIDNAPPING AT ANO!! " Sabi ko dahil sa galit. Pero legit wala akong nararamdaman na takot. Bat ganun? Dahil ba kasama ko si Sakura??
"Aba!! SUMOSOBRA KA NA AH" Sabi nung 30-40 yrs old na lalaki na akmang sasampalin ako ng may umawat sa kamay nya at may humarang saakin na lalaki
"A-aba!! At sino ka naman??? huh!" Sabi nung isa kong na bangga ng bike
"Sino ako? Ako si Lee Felix. At boi wag kang mananakit ng babae, kahit ganan ugali nan babae parin yan" Sabi ni Felix at lumingon saakin. T-teka si Felix to? OMO!
"Huh! Felix. Pake namin sayo?!! Eh ang gusto lang naman namin ay yung bata " Sabi nung isang lalaki at akmang hahablutin ang braso ni Sakura kaya agad kong niyakap si Sakura ng mahigpit at itinalikod dun sa isang lalaki kaya ang landing ng kamay nya ay sa likod ko. At shuka na unhook nya yung bra ko!!!!
"Pre wag mo namang palalain yong gulo. Binabastos mo sya eh, tamo yung kamay mo nasa likod nya" Sabi ni Felix at ramdam kong kinuha nya yung kamay nung lalaki at tinanggal sa likod ko
"Kanina ka pa ah" Akmang susuntukin nung isang lalaki si Felix pero agad nahuli ni Felix yung kamay nung lalaki kaya naibawi ni Felix yung suntok na dapat tatama sa mukha nya
"A-ahhh" Sabi nung isang lalaki at humawak sa mukha nyang ngayon ay namumula
"Ikaw!!!! " Sabi nung lalaki at sumugod kay Felix . Agad sinipa ni Felix yung mukha nya pati yung likod nung lalaki. Marunong sya mag T-taekwando??? 😲
"P-pre tara na alis na tayo" Sabi nung isang lalaki at akmang aalis
"Taas nyo kamay nyo! " Rinig kong sabi ng isang lalaki sa bandang kanan kaya napalingon ako. Pulis?? Sino tumawag ng Pulis?? Napatingin ako kay Sakura at ngumiti sya. Ah sya ang tumawag
"Sumuko na kayo!! " Sabi pa nung isang Pulis kaya dumapa yung limang lalaki at tinaas ang magkabilang kamay nila. Pinosasan sila ng mga Pulis at ipinasok sa kotse at umalis
"Ms.Adachi , pasensya na po ngayon lang kami nakadating " Sabi nung isang Pulis at nagbow
"Okay lang po Mr. Police. Thank you poo" Sabi ni Sakura at ngumiting nagbow kaya nagbow rin ang dalawang Police na naiwan at umalis na rin gamit ang kotse nila
"Okay lang ba kayo? May masakit ba? Nasaktan ka ba Aiko? Ikaw Suri nasaktan ka ba? " Sabi ni Felix at parehas kaming chineck ni Sakura. Ang kyut nya pala pagnagaalala. Ngayon ko lang na realize na good boy pala sya
"Okay lang kami Felix. T-thank you" Sabi ko at yumuko, nahihiya ako sa kanya at di ko alam kung bakit
"Buti nalang nakita ko kayo" Sabi ni Felix at ngumiti at tumitigih saakin. Kaya nakipagtitigan din ako
"E-ehem! " Sabi ni Felix at nangamot ng batok
"T-tara na. Baka hinahanap na kayo ni Yuto " Sabi ni Felix at naunang maglakad papunta sa kotse nya.
"Tara na " Sabi ko kay Sakura at pumunta sa kotse ni Felix na naka park sa gilid. Naunang pumasok si Felix dahil sya ang magdidrive at pinauna ko na si Sakura na pumasok. Papasok na Sana ako ng maalala ko yung--
"YUNG BIKE!!! " Sabi ko at tumingin kay Felix at Sakura
"Mauna na kayo baii!! " Sabi ko at umokay naman silang dalawa at tumakbo ako papunta sa bike
"Huhunes muntikan na kitang makalimutan. Wala pa naman akong pera pambayad HUHUHU" Sabi ko at sumakay sa bike at pinaandar gamit ang pagpadyak sa pedal
Naalala ko yung scene na pinotektahan kami ni Felix dun sa limang masasamang tao na yun. Ang kyut nya nung nakita ko syang nagaalala pero Eto pa ang cool nya nung nakikipaglaban sya dun sa mga lalaki. Ang cool legit!! Ehe pwede na ba?? Chos (di pa kami bati nan)
Remember binayo-- este pinalo ako nan ng tsinelas ng napakaraming beses HMMPP!!Buti na kang Kyut sya
#marupok
***********
DON'T FORGET TO VOTE
AND LEAVE A COMMENTArigatōgozaimashita
😄❤
BINABASA MO ANG
𝕍𝕝𝕠𝕘𝕖𝕣𝕣𝕚𝕤𝕥 & 𝕋𝕚𝕜𝕥𝕠𝕜𝕖𝕣𝕚𝕤𝕥 •이용복•
Fanfiction"HOY!!! DAAN KA NG DAAN ALAM MONG NAG TITIKTOK AKO DITO!! " "sorry naman po...... eh nag vivideo din ako eh malay ko ba na nagtitiktik ka " "miss tiktok Hindi tiktik obob" "eh kasalanan ko bang mukha kang tiktik?? " "PASHENE KSBSKWMNAJSKAMA LUMAY...