CHAPTER 18

11 3 10
                                    

// SURI POV //

"Suri!! " Tawag saakin ng NAPAKABAIT kong Boss (Capslock para damang dama nyo kabaitan nya).
Nandito ako sa office ko pero yung boses nya rinig na rinig ko, grabe nasa ika labing syam sya na palapag tapos ako nasa limang palapag lang, grabeeeeeee

"HOY SURI KHEIZA COLLINS!!! PUMUNTA KA DITO SA OFFICE KO NOW NA!!! " Teka ginamit nya ba yung nasa Security Room?? Umaalingaw ngaw boses nya eh nakakabwisit jowk ganda kaya ng boses ni B--  Ako syempre maganda boses ko kala nyo sya?? HMMPP! Bala sya

"Kelangan ko pa bang ulitin?!! Sabi ko SURI KHEIZA COLLINS PUMUNTA KA SA OFFICE KO NOW NA!!!! " Sabi nya kaya napatawa ako, NoW nA~ ano ka si Boy Abunda. Feeling Boy Abunda amp WAHAHAHA

Tumayo na ko sa pagkakaupo ko dahil baka umusok na ang ilong ng aking Boss dahil sa galit at hinagpis jowk , lumabas na ko ng Office ko na tinatamad at pumunta sa Elevator. Pagkapasok ko sa Elevator syempre pinindot ko yung 19 di naman ako dadalhin ng Elevator na to kung wala akong pipindutin eh 😄


Lumipas ang 2 minuto at nakarating na akesh sa 19th Floor at lumabas ng Elevator, hinanap ko ang Office ng aking MABAIT AT MAPAGMAHAL na Boss 🤧 . Nakita ko na yung Office nya at kumatok na ko ng tinatamad

"PASOK!!! " Sabi nya at pumasok naman ako, nagulat na lang ako ng binato nya ko ng tissue at ng mga kung ano ano na malambot
#napaka mapagmahal

"A-aray!! Boss maghunos dili ka!! Gusto ko pang mabuhay " Sabi ko at binato nya ulit ako 😄 . SAPUL sa Noo

"Isarado mo ang pinto" Sabi nya at dahil gusto ko pa syang lalong maasar hehhehe dinugtugan ko yung sinabi nya

"may gagawin ako--" Kaya nakatanggap ako ng batok mula sakanya at sa Hulu sya parin ang nagsara ng Pinto 🤧

"Bakit mo ba ako pinatawag Boss" Sabi ko at tumingin sa kanya ng tinatamad

"Bakit di mo dinala yung Briefcase ko!!?? Nandoon yung mga papers na kailangan ko " Sabi nya at nagdabog na umupo sa Swivel Chair nya, gulo neto huta

"Sabi mo di mo kailangan yun kaya di ko dinala Sir. " Sabi ko at ngumiti ng nabubwisit sa kanya

"Sinabi ko pala yun?? " Sabi nya at nagisip, sarap netong sampalin kung di kang kita Boss eh

"HA.HA.HA." Sabi ko at inirapan nya ng palihim, legit sa panaginip ko pinapatay ko to-- jowk minamahal
#di mamamatay tao

"HAHAHAHA oo nga sinabi ko nga yun, sige na makakaalis ka na " Sabi nya at ngumiti ng nakakabwisit, inis pasalamat ka na lang dahil sa ngiti mo HMPP!

"HMPP! " Sabi ko at lalabas pa lang ng Office nya ng tawagin nya ko

"Baket po Sir" Sabi ko at tumingin sa kanya, ngumiti naman sya kaya Napa tayo ako ng straight hehe

"Pwede bang ikaw muna makipag meet kay Felix, di kasi ako makakauwi ng bahay ngayon kasi meron pa kong gagawin. Dito na ko sa Office matutulog " Sabi nya at nag type sa Laptop nya, ako?! Makikipag meet kay Tiktik??!

"Bakit ako?!! Inaano ba kita?!! Lagi na lang ako?!! Bat laging ako?!! Nasasaktan na k--" Natigil ako sa pagsasalita ng batuhin nya ko ng takip ng Ballpen 🙃 Sapul sa ulo

"Oa mo, eh gusto mo naman bilis na kasi. Bawal ko kasing ipostpone eh. Please Suri~ dadagdagan ko yung Sweldo mo, bibigay ko na Sweldo mo sa isang araw " Sabi nya kaya nabuhayan ako!! Yieeee sweldo tapos dadagdagan nya at HMPP!! Di ko gusto makita si Tiktik no

𝕍𝕝𝕠𝕘𝕖𝕣𝕣𝕚𝕤𝕥 & 𝕋𝕚𝕜𝕥𝕠𝕜𝕖𝕣𝕚𝕤𝕥 •이용복•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon