Prologue

3.8K 28 1
                                    


"Mama, saan po si Papa?" Biglang tanong ng anak kong si Johan. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa nakaraan kung saan gumuho ang aking mundo.

"Mama, ayaw ba talaga sa'kin ni Papa kaya hindi siya nagpapakita?" Sunod pang tanong nito nang hindi ko magawang sagutin ang unang tanong nito.

"Han, anak hindi ba sinabi na saiyo ni Mama kung bakit hindi natin pweding makasama ang Papa mo?" Pilit akong ngumiti sa harap ng anak ko ng sabihin iyon. Kahit paulit-ulit kong ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon namin ay lagi parin niyang hinahanap ang kanyang Ama.

"Mama, gusto ko lang pong makita si Papa. Pangako po, hindi ako magpapakilala sa kanya" malungkot na ngumiti ang anak ko ng sabihin iyon. Sunod-sunod siyang pumikit nang magtubig ang mga mata nitong namana pa niya kay Jonas.

Marahan kong hinila ang aking Anak at agad na niyakap ng mahigpit. Agad kong pinunasan ang tumakas na luha sa aking mga mata upang hindi iyon makita ng bata.

"Anak, pasensiya ka na kung ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon namin ng Papa mo. Alam mo naman hindi ba? Lahat gagawin ni Mama para saiyo maliban na lang kung tungkol na sa Papa mo". Malungkot at buong pagtatapat kong sabi sa kanya pagkatapos siyang pakawalan sa pagkakayakap. Napangiti ako ng punasan ng maliit nitong hintuturo ang luha sa aking pisngi.

"Sorry po Mama, sorry po kung makulit ako. Sorry po dahil pinaiyak na naman kita" hinalikan ako nito sa pisngi pagkatapos sabihin iyon. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit dahil do'n.

Napaka-swerte ko dahil kahit nawala na sa akin ang lahat ay dumating siya sa buhay ko. Hindi ko inaasahan na may buhay na pala sa sinapupunan ko no'ng mga araw na sukong-suko na ako at gusto ko na lang tapusin ang buhay ko.

Marahil ay totoo ang kasabihan na kung may mawawala ay may panibagong darating. At kung sakaling bibigyan ako ng pagkakataon upang pumili ulit ay hindi ako magdadalawang isip sa naging pasya ko noon kung saan mas ginusto kong magpaubaya para sa kasayahan niya.

Kahit na siya na lang ang mayroon ako at kahit na kailangan na kailangan ko siya ng mga sandaling iyon ay nagawa ko parin siyang palayain. Kahit na labis na akong nasasaktan ay hindi ko parin mahanap sa puso ko ang galit dahil sa ginawa niya. Ang alam ko lang ay mahal ko siya at handa akong magparaya kung gugustuhin niya.

Anim na taon na ang nakakalipas mula ng mangyari iyon sa buhay ko ngunit pakiramdam ko ay sariwa parin ang naiwang sugat nito sa aking puso. Hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako sa tuwing naaalala ko ang lahat ng nangyari noon.

Anim na taon na siyang wala sa buhay ko at limang taon na ang aming anak. Sa murang edad nito ay alam na niya ang nangyari sa amin ng Papa niya dahil kinailangan kong sabihin sa kanya ang katutohanan upang maintindihan niya.

Kumusta na kaya siya?
Marahil ay masaya na siya ngayon sa bago nitong pamilya. Anim na taon na ang lumipas at nasisiguro kong may mga anak na rin siya.

"Mama, gutom na ako. Matagal pa ba si Dada?" Napabalik ako sa ulirat nang magsalita ang aking anak. Tila ba nauubusan na siya ng pasensiya habang hinihimas nito ang kanyang tiyan.

"Sandali, tatawagan ko ulit". Nagmamadali kong sabi at agad na nag-dial.

Ilalagay ko pa lang sana sa taenga ang aking cellphone ngunit napatigil ng bumukas ang pintuan ng aking opisina mula sa Restaurant niyang hinahawakan ko at iniluwa no'n ang taong muling nagbigay ng buhay sa akin.

"Dada.." masayang sigaw ni Johan at mabilis na bumaba sa kanyang kina-uupuan saka tumakbo papalapit kay Josh Montero. Mahinang napatawa ang lalaki ng makita ang nakabukas na braso ng bata.

"Na miss mo ba si Dada..?" Nakangiting tanong ni Josh sa aking anak habang buhat-buhat ito at naglalakad papalapit sa akin. Hinalikan niya ang bata sa gilid ng kanyang ulo ng sunod-sunod itong tumango bilang sagot sa kanyang tanong.

Legal Mistress (R18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon