Sarah
Wala ng hihigit pa sa sarap ng pakiramdam na makitang masaya ang aking asawa dahil lang nalaman nitong nagdadalang tao ako.
Ang matunog nitong tawa na para bang aking pandinig at ang masaya nitong ngiti na bumubuo ng pagkatao ko ang pinakamagandang bagay na natatanggap ko sa araw-araw. Itinuturing kong malaking biyaya iyon na galing sa itaas.
Ganito ang simpleng buhay na pinangarap ko. Makasama ko lang siya sa araw-araw ay kuntento na ako. Mayakap at mahagkan ko lang siya ay kumpleto na pagkatao ko. Ang kasayahan nito ang kasayahan ko. Siya na ang buhay ko mula ng mahalin ko siya. Sa kanya na rin umiikot ang mundo ko.
"Babe, ilang posisyon na ba ang nagawa mo sa panggagahasa mo sa akin diyan sa isip mo?" Nakataas ang sulok ng labi na tanong ni Jonas dahilan upang mahina akong matawa sa kapilyuhan nito.
"Anong pinagsasabi mo diyan?" Natatawang tanong ko pabalik sa kanya.
"Kanina ka pang nakatulala diyan at para bang ang lalim ng iniisip mo" ngayon ay nag-uusisa na ang kanyang tingin. Nakataas pa ang kilay nito habang mariin na nakatingin sakin.
"Iniisip kita. Masaya lang ako na nakakasama parin kita hanggang ngayon". Nakangiti kong sagot sa kanya at niyakap siya mula sa kanyang beywang.
"Salamat at dumating ka sa buhay ko, Sarah.." malambing ang boses nito ng sabihin iyon, nakakahalina ito at ramdam mo ang pagmamahal sa paraan ng pagkakabanggit.
"Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung wala ka. Hindi mabubuo muli ang pamilya ko kung hindi dahil sa'yo. Salamat babe, mahal na mahal kita" sabi pa nito at gumanti sa yakap ko.
Hanggang ngayon ay iniisip parin niyang ako ang dahilan kung bakit naibalik sa kanilang pamilya ang nag-iisa nitong kapatid na si Jane.
Alam kong lahat ng bagay na nagyayari ay may dahilan. Sa bawat taong nakikilala natin ay may nakalaan na dahilan. Iyong iba ay nakikilala mo lang upang mag-iwan ng alalang hindi maganda at magbibigay ng aral sa atin ngunit ang iba naman ay nakikilala natin upang mapasaya tayo.
Sa kaso ni Jane ay nakilala ko ang barkada niya upang mapasaya ang mga kaibigan ko at upang mabuo ang pamilya ng lalaking iniingatan ko.
"Mahal na mahal kita, Jonas. Alam mong handa akong gawin ang lahat para sa'yo, hindi ba? Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo, tandaan mo iyan" napabitaw siya pagkatapos kong sabihin iyon. Mariin ako nitong tinitigan na para bang sinusuri ang emosyon na nakikita sa aking mga mata.
"Bakit parang nagpapaalam ka?" Nakakunot-noo nitong tanong dahilan upang matawa ako ng malakas.
"Anong nagpapaalam ang pinagsasabi mo? Alam mong ikaw lang ang meron ako bukod kay Mama", muli ko siyang niyakap pagkatapos sabihin iyon at naramdaman ko na lang na hinalikan ako nito sa gilid ng ulo.
"Babe, ang makasama ka hanggang sa huling hininga ko ang tanging gusto ko. Walang sinuman o kahit anong materyal na bagay ang hihigit pa sa'yo" seryoso ang tinig nito ng sabihin iyon at muling humigpit ang kanyang yakap.
"Jonas, naiipit si Baby" natatawa kong sabi at bahagya siyang itinulak palayo sa akin. Mabilis siyang bumitaw sa pagkakayakap at nag-aalang tumingin sa medyo maumbok ko ng tiyan.
"Sorry, Son. Sorry. Huwag kang magalit kay Papa ah" mabilis siyang lumuhod at pumantay sa tiyan ko at kinausap ang tatlong buwan kong pinagbubuntis na para bang maririnig at maiintindihan siya nito.
"Son? Babe, hindi pa tayo sigurado kung lalaki siya o babae" natatawa kong sabi habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Babe, malakas ang kutob kong lalaki siya. Lalaki ang anak ko" kumpyansa nitong sagot habang mawalak ang kanyang pagkakangiti.
BINABASA MO ANG
Legal Mistress (R18)
RomanceKahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kahit ginawa at ibinigay mo na ang lahat sa kanya kung sadyang hindi siya nakalaan para sa'yo ay darating at darating ang araw na kakailanganin mo na rin siyang palayain. Masakit ngunit minsan ay kailangan mo...