Chapter 2

1.8K 9 4
                                    

Sarah

"Babe, your so beautiful and f*cking sexy hmm.." malambing na tinig at tila napapaos na bulong ni Jonas habang nanatiling nasa likuran ko at patuloy akong hinahalikan sa leeg pataas sa aking taenga.

Umarko ang katawan ko at bahagyang napaliyad ng dumapo ang isang kamay nito sa dibdib ko at nanggigigil na hinimas iyon. Napapikit ako sa sarap na sensasyon na naidulot nang ginawa niyong iyon sa katawan ko. Bumukas ang bibig ko at mahinang napa-ungol.

"Babe, stop. May mga bisita ka" pigil ko sa kanya pero patuloy lang ito sa kanyang ginagawa.

"This will be quick, Babe. They can wait but not me!" napapaos nitong bulong at itinaas ang manipis na telang suot ko.

"Aaahhh Jonas, dahan-dahan naman" napapa-ungol kong protesta ng bigla na lang nitong ipasok ang pagkalalaki nito sa pagkababae ko. Nakaramdam ako ng kaunting sakit sa ginawa niya ngunit kalaunan ay napalitan iyon ng sarap, napaliyad ako upang mas malaya pa siyang makagalaw sa likuran ko.

Malakas na tunog ng aming mga katawan na nagsasalpukan ang tanging naririnig sa apat na sulok ng aming silid. Hinihingal at tila ba gutom na hayop na sarap na sarap sa kanyang kinakain.

"Babe, I'm cumming.." hinihingal na sabi ni Jonas at naramdaman ko na lang ang mainit na likidong sumabog sa loob ko.

Napasandal ako sa kanyang katawan ng yakapin ako nito mula sa likuran at bahagyang iharap sa kanya ang mukha ko upang halikan sa labi.

"I love you, Babe.." nakangiti nitong sabi pagkatapos akong halikan.

Mahina akong natawa ng bigla ay may malakas na kumatok sa pinto ng aming kwarto.

"Jonas, Sarah..wala ba kayong balak na lumabas diyan at harapin kami?" Malakas na sigaw ng boses pambabae ngunit nasisiguro kong hindi iyon kay Mama.

"Bitch, pababa na" natatawang sagot dito ni Jonas.

"Mauna ka na, susunod na lang ako. Maglilinis muna ako ng katawan" hinalikan ko siya sa labi pagkatapos sabihin iyon.

Nakasunod ang tingin ko sa kanya ng nakangiti siyang pumasok sa loob ng banyo at pagkaraan ng ilang minuto ay maayos na siyang lumabas doon.

Kumuha ako ng matinong maisusuot at dinala iyon sa loob ng banyo. Nakangiti akong naglinis ng katawan pagkatapos ay nagpalit ng suot. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok at saka lumabas ng aming kwarto.

Hindi nawawala ang ngiti sa aking labi habang tinatahak ang daan patungo sa may hagdan dahil nasa ikalawang palapag ang aming kwarto.

"Jonas, nagpalagay na ako ng pagkain at inumin sa loob ng Entertainment Room, kung may kailangan pa kayo ay kayo na ang kumuha sa kusina dahil tulog na ang mga kasambahay" tinig ng aking Ina ang agad na sumalubong sa akin pagkababa ko ng hagdan.

Naka-ngiti si Jonas habang nakikinig sa mga sinasabi ni Mama. Lalo pang lumawak ang ngiti ko ng makita ang paggalang nito sa aking Ina.

"Salamat Ma, magpahinga na rin po kayo. Ako ng bahala sa kanila" nakangiti ito habang kinakausap ang aking Ina. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi at hindi ko maipaliwanag sa aking sarili dahil tila ba may kakaiba doon ngunit hindi ko matukoy kung ano.

"Ma, magpahinga na din po kayo" hinalikan ko sa pisngi ang aking Ina pagkatapos sabihin iyon dahilan upang nakangiti siyang tumingin sakin.

"Sarah, Anak. Bawal sa iyo ang mapuyat. Baka lang nakakalimutan mo" paalala nito at hinaplos pa ang aking tiyan.

Ang sarap sa pakiramdam na kahit hindi pa man lumalabas ang aking Anak ay alam kong marami ng nagmamahal sa kanya. Nakakatuwa dahil may mga tao sa paligid ko na laging iniisip ang kalagayan namin ng anak ko.

Legal Mistress (R18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon