A/N:Annyeong mga Mahar!!this is my 1st story here in wattpad,and I hope na magustuhan niyo po,Mahilig kasi ako sa fantasy,yung may mga magic ganurrrn kaya naisipan ko ring gumawa,sensyana kong lame ha?& sorry dn po sa typo's and wrong grammar and thank you in advance sa lahat ng magbabasa ng story ko!hope you enjoy it!!
Palingalinga akong naglalakad sa isang masukal at nakakatakot na kagubatan,pakiramdam ko ay may isang pares ng mata ang nag mamasid sa akin ngayun na ikina tindig agad ng balahibo ko,di ko alam kung anong gagawin ko gusto kung umiyak at humingi ng tulong pero ayaw bumuka ng bibig ko natila may na natakip na kung anong bagay,hindi ko na magawang humakbang ng dahil sa tensyong nararamdaman ko kung kaya't tumigil ako saglit
"Akhira,anak..."tila na estatwa ako sa aking kinatatayuan ng makarinig ako ng isang boses ng babae na wari'y sabik na sabik sa kaniyang anak,hindi ko lubos maintindihan kung bakit tinatawag niya akong anak at isa pa ay tinawag niya ako sa isang pangalang hindi pamilyar,nanindig lahat ng aking balahibo at agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses ngunit isang napakagandang tulay ang bumungad sa aking harapan,ito'y gawa sa marmol na bato at pinalilibutan ng ibat-ibang makukulay na bulaklak,napalitan ng galak ang aking nararamdaman ng dahil sa aking nakita,unti-unti ring naging kalmado ang kanina ko pang nanginginig na tuhod."Oh,iha,mabut't dumating kana,halika't may ipapakita ako sa iyo."sambit ng isang matandang lalaki na wari'y na sa kalagitnaan na ng pagtanda,nakasuot ito ng isang kulay puting damit at puting pantalon may dala-dala rin itong isang tungkod,mababakas sa kaniyang itsura na masaya sya habang papalapit sa akin,magaan ang loob ko sa kaniya kaya't hindi na ako nag dalawang isip na sumunod sa kaniya,linakbay namin ang isang napaka sukal na kagubatan ng wala ni isang balak mag salita.
"Matagal pa ho bta tayo?"
"Malapit na iha,huling daan na ito,pag katapos nito ay makakarating na tayo sa ating paruruunan."naka ngiti niyang sambit habang tinuturo ang dala-dala niyang tungkod sa lugar na kaniyang tinutukoy.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa isang napaka gandang harden,samot saring bulaklak ang naka paligid dito at amoy na amoy ang sari't sari nitong halimuyak,agad na lumapit si lolo sa isang nag kukumpulang bulaklak,agad niya itong hinawi at bumungad sa amin ang isang nakasisilaw na liwanag,isang patag na may nakatayong mala palasyong paaralan,isang malaking gate ang bumungad sa amin,mababakas rin sa itsura nito na ito'y mamahalin,may logo itong isang kulay dilaw naaraw na may mata sa gitna at sa ilalim nito ay may na ka ukit na"Shine Academy."
"Sige na iha,pumasok kana,ito ang lugar para sayo."
"Ngunit bak-."hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin dahil bigla nalang siyang nag laho.
Welcome to Shine Academy!Learn,Fight and shine like a sun!bumukas ang isang nakasisilaw na ilaw.....
Krriiinggggggghhgg......
Agad akong napabalikwas ng mapagtanto kong lahat ng iyun ay isang panaginip lamang,hindi ko alam kung bakit napanaginipan ko iyun..Agad kung pinunasan ang nananagaktak kung pawis at dalidali akong nag tungo sa banyo.Pagkatapos kung maligo ay nagbihis na ako ng aking uniporme at dali-daling sinuklay at pinusod ko ang aking mahabang buhok,isinuot korin ang ang aking salamin at nagmadali akong bumaba upang mag almusal.
BINABASA MO ANG
Shine Academy:The School for Bizzare
Fantasy"Learn,Fight and shine like A Sun." Welcome to Shine Academy the school that perfectly made for every bizzare! Shine Academy,isang tanyag ngunit tagong lugar na matatagpuan sa isang masukal at mapanganib na gubat ng Shinua.Isang mala paraisong akade...