Chapter 3- First Class

2 1 0
                                    

"Kriiinggggggggg........

Agad akong Napa bangon ng dahil sa tunog ng alarm clock na naka pwesto sa tabi ng Kama ko.Tiningnan ko ang paligid,alam kong ito na ang Mundo na kailangan kong tirahan,dahil isa ako sa kanila kaya kailangan ko ng sanayin ang sarili ko mula ngayon.Nakita ko so Shiyee at Glitter na abala sa pag luluto,agad akong bumangon at nagtungo papunta sa kanila.

"Oh,gising kana pala,hindi na kita ginising kasi mukang pgod ka eh."
naka ngiting sabi no glitter

"Tara Kain na tayo."yaya naman ni shiyee

"Ahm,sige, nga pala salamat dahil mabuti agad ang pakikitungo niyo sa akin kahit na bago palang ako dito."

"Ano kaba,okay lang yun."sabi no shiyee

Pagkatapos naming kumain ay naligo na kaming tatlo,tig is a kaming shower room kaya madali kaming natapos.Binigay saakin ni Glitter ang uniporme ko at pagkatapos ay nag bihis na kami.Sabay sabay kaming nag lalakad papunta sa special room daw namin iba rin kasi yung nag tuturo sa amin dahil nga iba daw kami sa kanila.Pag kadating namin sa room namin ay agad kaming nag sipag upo.

"Mukang wala pantga sila."sambit no shiyee

"Sigurado akong natutulog payong mga yun,mga tulog mantika at kilos pagong panaman yun."natatawang sambit no Glitter,habang abala kami sa pag kukuwentuhan ay biglang may dumating na tatlong lalaki ang matatangkad silang tatlo ang dalawa ay naka ngiti habang papasok maliban sa isa,naka kunot ang boo nito at parang walang emosyong nag lalakad.

"Oh,cool may bago tayong  classmate ah."sabi nung lalaki blond yung buhok

"Ah,yes this is Cally new classmate natin."sabi ni shiyee.Bumukas ang pinto at may pumasok na isang babae na naka suit ng putting uniporme kung di ako nag kakamali ay siya si Lady Lee.

"Oh,andito napala kayo,hmm,may new classmate kayo,Ms. Asuncion kindly introduce first your self before we proceed to our topic."sabi nung prof. Namin,agad akong pumunta sa harapan at nagpakilala.

"Hi,I'm Cally Asuncion,nice meeting you all."nahihiya kong sabi

"Okay,thank you Ms.Asunscion,you may now take your seat."

"Okay,dahil hindi pa alam ni Cally ang tungkol dito ay eeexplain ko ulit,nandito tayo ngayon upang mag aral para mas lalong mag improve ang inyong ability para sa nalalapit na hidwaan sa pagitan ng Devilian at Shinuan,kaya kailangan niyong mag ensayo ng mabuti para maprotektahan niyo ang eskwelahang ito,nakasalalay ang kapakanan ng eskwelahang ito sa inyo dahil kayo ang piniling lalaban sa atin.Apat kaming magiging tagapayo niyo para mas mahasa pa ang mga kakayanan niyo,Ako si Lady May,Lord Sebastian at Lord Knight kaya isaulo niyo lahat ng ituturo namin sa inyo.

***
Glitter's PoV

Hi, I'm Grittle Serencio,17 years old.Matagal na kaming mag kakaibigang apat,dito na kami lumaki sa Shine Academy.Ang eskwelahang ito nalang ang tanging ala-ala na na iwan sa aming lahat,matagal ng patay ang mga parents namin at dito din sila nag-aral sa akademyang ito.kaya dito narin kami nag-aral,like the others my special ability din ako,kayang humaba ng buhok ko kung kailan ko gustuhin,kaya kong patayin ang aking kalaban gamit lamang ang buhok sa pamamagitan ng pag pulupot nito na katulad ng ahas,may sariling buhay ang buhok ko,pero ako lang ang kumukontrol nito,pero madami parin akong dapat matutunan para mas lalo ko siyang magamit at madevelope pa lalo ang aking abilidad yan ay sa tulong ng aming mga guro.

Pagkatapos naming pumasok ay pumunta kami nina Cally ate Shiyee sa dorm,wala naman kasi kaming ginagawa sa ngayon kaya fun fun lang muna hehe...

"Glitter,may alam ba kayo sa history ng Shine Academy."tanong ni Cally

"Ewan madami kasi ang kwento tungkol sa Shine Academy,pero sabi ni mama,ang Shine Academy ay pag mamay ari ng isang Shinua,yun daw ang gumawa sa paaralang ito gamit ang ability niya,sinasabi din na may anak daw ito na isang babae na nag ngangalang"Hiraya"pero sabi na namatay daw ito dahil sa digmaan na na ganap sa pagitan ng mga Devilian at Shinuan labis na ipinag luksa ng nag mamay ari nito ang pagkamatay ng kanilang anak kung kaya ay pinili niyang sumugod sa Devilian Academy kung saan ito ay isang eskwelahan ng masasamang linikha,at mula noon ay hindi na nakita ang matandang nag mamay ari ng Shine  Academy."seryuso kong sabi

"Kung ganun posebli bang andun parin yung matandang yun?"natatakhang tanong ni Cally

"Di ko rin alam eh,hindi ko pa narinig sa iba ang tungkol diyan,pero e kukuwento rin yan ni Lady May ang tungkol diyan siya kasi history prof. natin."sagot ko sabay higa sa kama,kapagod na gusto ko ng mag sleep.

"Yawn..antok nako matulog na tayo bukas naman."naka pikit na sabi ni shiyee ito talaga oh kahit kailan antukin..pero sige nanga matutulog narin ako..

Shine Academy:The School for BizzareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon